MGA KABABALAGHAN... MGA HINDI MAIPALIWANAG NA BAGAY NA NAUUKOL SA KADILIMAN...
MGA ESPIRITUNG NAGLALAKBAY... MGA KALULUWANG WALANG KATAHIMIKAN...
TATAYO ANG BALAHIBO MO... SISIGAW KA NG MALAKAS NA MALAKAS... AT HIHINGI KA NG SAKLOLO...
TARA NA. BISITAHIN NATIN SILA. GAANO MAN KABILIS ANG TAKBO NATIN, HAHABULIN NILA TAYO!!!
HETO NA. ANG MGA KARANASANG NAKAKATAKOT NG MGA CELEBRITIES!!
A SPECIAL HALLOWEEN FORUM OF SELECTED CELEBRITIES FOR SWORDSHINES10 BLOG SITE!!!
lance raymundo |
LANCE RAYMUNDO (SINGER-ACTOR):
"I have so many ghostly encounters. In fact, the Publisher of Pinoy Horror Stories wanted to put all my ghostly encounters in a book. Pero I guess, sa dami ng mga nakatakot kong experiences, this one na ikukuwento ko sa iyo, ay hindi ko pa naikuwento sa iba.
It happened during the filming of the movie Gemini which I did a few years ago. It was directed by Ato Bautista at ang pinag-shootingan namin ay isang lumang bahay sa may New Manila. While we were shooting the film, I kept on seeing a small boy na may pagka-Twiggy ang hair. Ganu'n din kasi ang buhok ko nung bata pa ako, eh. Bigla siyang maglalaro sa paligid, pero bigla ring nawawala.
So what I did, I asked the care taker of the old house kung mayroon bang batang lalaking nakatira doon na may Twiggy hair. Sabi nu'ng care taker sa akin, oo daw. Meron daw, pero matagal na raw PATAY ang batang iyon. Siguro daw, kung lumaki 'yung bata, kamukhang-kamukha ko daw. At ipinakita sa akin nu'ng care taker ang lumang litrato nung bata. Yun nga ang batang nakikita ko na naglalaro sa set namin!
I really had goosebumps upon learning na matagal na palang patay 'yung batang nakikita ko na Twiggy ang hair. Pero mas lalo akong natakot nu'ng ma-realize ko na nu'ng bata ako, Twiggy din ang hair ko at ganon na ganon din ang hitsura ko nu'ng bata pa ako!!! Kakatakot, di ba?"
lue reine de guzman |
LUE REINE DE GUZMAN (DIAMOND JEWELLER):
"Lagi akong nanaginip ng isang lalaking naka-windbreaker jacket na walang mukha. In many instances, hinahabol daw niya ako at takbo ako ng takbo. Minsan naman, nakasilip siya sa bintana ko. I can't see his face, it seems, he is the man without a face.
Pero I thought, sa panaginip lang mangyayari 'yun. I got the scare of my life when one night, I was alone in my room and suddenly, the Man Without A Face appeared! I shouted and shouted. I ran down the stairs and called the maids. I was in total shock. Because you see, the man without a face in a windbreaker jacket disappeared before my very eyes!!! The next morning, nagpatawag ako ng Priest at nagpa-bless ng room namin. Hindi pa ako nakuntento after that, I called up some Psychics, Spirit Questors and Feng-Shui experts, too, after that."
mara lopez |
MARA LOPEZ (ACTRESS AND SEA LOVER/SURFER):
"LAGI AKONG NANAGINIP NG ISANG ANINO. NANGYAYARI IYAN KAPAG NAKAKARANAS AKO NG SLEEP PARALYSIS. I WOULD WAKE-UP AND BE UNABLE TO MOVE. SOMETIMES THERE WILL BE A SHADOW LURKING ON MY ROOM AND I COULDN'T SLEEP AND MOVE. IT'S REALLY SCARY."
arman ferrer |
ARMAN FERRER (THEATER ACTOR):
"IT HAPPENED RECENTLY LANG SA RCBC THEATER. I HEARD TWO 'HELLO'S' IN ONE OF THE DRESSING ROOMS OF THE THEATER AS WE WERE REHEARSING FOR OUR STAGEPLAY ENTITLED- SIDESHOW. I WAS ALONE AT THAT TIME FIXING MY HAIR AND I HEARD ONE 'HELLO'. IT WAS SO NEAR AND I COULD REALLY HEAR IT. SO I CHECKED ALL-OVER THE DRESSING ROOM IF ANYBODY'S IN THERE. BUT THERE'S NO ONE. WHEN I REALIZED THAT I WAS REALLY ALONE, I HEARD AGAIN THE VOICE SAYING 'HELLO'! FOR THE SECOND TIM AROUND. THAT'S THE MOMENT I RAN AS FAST AS I CAN AS I WENT BACK TO THE MAIN STAGE. I WAS SHRIEKING ALL-OVER. PAWIS N PAWIS AKO AT NAMUTLA TALAGA AKO SA TAKOT!!!"
angelo falconi |
ANGELO FALCONI (CELEBRITY HAIRDRESSER/SALON OWNER):
"I came to visit a friend’s house in cavite and nag overnight
ako kasi biglang pumasok na nun ang bagyo and dina ako pinauwi.
Pagkagising ko sa umaga, magCR sana ako pero may nakita
akong Tao na nakasumbrero, nakachekered polo and khaki shorts na nasa CR and
nakatalikod kasi umiihi sya eh.
So i went down and nakasalubong ko Dad nung kaibigan ko and
sabi ko makiCR muna ako sa baba kasi may tao sa taas.
Nagtaka si Tito kasi sabi nya walang bisita kasi kanina pa
ako gising. So tinanong nya ano ba suot?
I described yung suot na damit and sobrang nagulat sya at
napamura pa sya kasi sabi nya BEST FRIEND NG PAPA N'YA 'YUN NA MATAGAL NANG PATAY
na yun ang favorite na pananamit at nakasumbrero palagi.
Kinilabutan ako nun kasi nakita ko talaga.
Twice ako nakaramdam dun sa bahay na yun pero yung
pangalawa, gabi na nun at magtoothbrush na ako bago matulog sa kusina sa baba.
Madilim na yun.
Tapos habang nag toothbrush ako, bigla ako nakaramdam ng
panlalamig at pagtayo ng mga balahibo.
Pagtingin ko sa kaliwa, may nakita akong 1 puting anyo na
papalapit sa akin. Ganun din sa kanan na mga 3 puting anyong hugis tao sila na
papalapit sa akin.
Nagmumog ako at nagsalita sa kanila... “bisita lang po ako
dito, wag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo guguluhin.”
Pagkasabi ko nun, nawala sila and nawala na yung malamig na
feeling and pananayo ng balahibo at paglaki ng ulo ko...."
direk angelito songco |
ANGELITO SONGCO (THEATER DIRECTOR/WRITER):
"Katulad ni Lance Raymundo, napakarami ko ring karanasan na sobrang nakakatakot. Hindi na mabilang sa dami. Pero itong ikukuwento ko sa inyo, grabe, nakakatakot talaga. May acting workshop ako nu'n sa may Tanay, Rizal. Habang bumibiyahe kami papunta roon, kasama ko ang pinaka-guwapong anak ni Dolphy (ang yumaong si Rollie Quizon) at ang pamangkin ko, bigla na lang nahilo si Rollie at nagpasya kaming mag-park sandali. Paglabas namin ng sasakyan, nagulat kami dahil biglang nasa damuhan kami na puro talahib ang paligid at madilim na madilim. Talagang natakot kaming tatlo, pero ang grabe ba, biglang nag-iba 'yung paligid. Mula sa talahiban, biglang nasa baybay dagat naman kami all of a sudden! Nakapagtataka, dahil wala namang dagat sa Tanay! Yung pamangkin ko, bigla nagsisigaw at sabi niya: "Uncle, hubarin natin ang mga T-shirt natin! Baka nae-engkanto tayo!" At 'yun nga ang ginawa namin. Hinubad namin pabaligtad ang mga T-shirts namin. Pagkagawa namin nu'n, bigla kaming bumalik sa talahiban at nagtatakbo na kami papunta sa kotse.
Pero laking gulat naming tatlo dahil pagpasok namin sa loob ng kotse, hindi na kami magkasya! At bakit? May pito kaming mga kasama na pawang mga teenager! Naroon din silang lahat sa loob ng kotse!!
Ang ginawa naming tatlo nina Rollie, nagsisigaw kami ng nagsisigaw. Walang katapusang sigaw. Dahil sa kasisigaw namin, nawala na 'yung pitong sumama sa amin. Yung pamangkin ko, natulala na lang.
Pagkadating namin doon sa venue ng Acting Workshop, sabi ng in-charge doon: 'Direk, paalis na ba kayo?' Paanong mangyayaring paalis na kami, eh, kararating pa lang namin. 'Yun pala, bago pa kami makarating doon sa venue, eh, kanina pa raw ako nagtuturo ng Acting Workshop doon. Paglingon kong muli sa kotse, naroroon muli bigla yung pitong kasama namin! Oh, no!!!!"
reymond agbada |
REYMOND AGBADA (SINGER AND MEMBER OF 4-S PAMILYA):
"Nangyari ito sa isang out-of-town trip. Bigla akong nag-'call of nature' at nakakita ako ng lumang restaurant na may malaking toilet. Doon sa toilet, habang nagsi-C.R. ako, biglang may nag-flush ng toilet bowl sa kabilang cubicle. Nilingon ko at sinilip, pero wala namang tao!!! Yun lang at kumaripas na ako ng takbo!"
ms. nancy sipat and son karl |
KARL SIPAT (SINGER AND MEMBER OF 4-S PAMILYA):
"Kasama ko ang mom kong si Ms. Nancy Sipat at that time nu'ng pumasyal kami sa Baguio City. I guess, it happened three years ago, I was barely 15 years old then. Sa hotel na tinuluyan namin ng mom ko, I always feel cold. Laging may terrifying wind akong nararamdaman. Hanggang du'n sa last night nain sa Hotel, biglang may sumulpot n White Lady sa harap ko. Tapos ay bigla ring nawala! Nagsisigaw ako at nagising tuloy bigla ang mom ko na natutulog sa kabilang kama."
vincent paul valdez |
VINCENT PAUL VALDEZ (PARISH DIRECTOR OF MUSICAL PLAYS):
"I first saw the green lady when i was a kid. It did not scare me but I was surprised. She
was sitting by our fish pond. She shows
up every now and then. One time was during one of the block rosary rites at home.
I saw her when we were praying. I tried blocking the peoples view. Baka kasi
makita sya. Now its been 4 years since i last saw her but I feel her."
(WORDS AND COMPILATION BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)