PAALAM PO, GINOONG DANILO H. RAYMUNDO (R.I.P.). PAALAM...




ANG RAYMUNDO FAMILY NG PHILIPPINE ENTERTAINMENT SCENE AY ISA SA PINAKAMAMAHAL NG LAHAT. THEY ARE A FAMILY, AT ISA SILA SA MGA NAGMALASAKIT AT TUMULONG NA MA-UPLIFT PA NG HUSTO ANG ENTERTAINMENT SCENE. MAHAL NA MAHAL NILA ANG MGA TAO RITO- INAKAP NILA, INARUGA, PINAGMALASAKITAN, TINURUAN, TINANGGAP- SILA PO ANG RAYMUNDO FAMILY.

NAGSIMULA ANG LAHAT NU'NG PASUKIN NI RANNIE RAYMUNDO, ANG KUYA NI LANCE RAYMUNDO- ANG LARANGAN NG PAG-AWIT. SI RANNIE AY ISA SA ORIGINAL PILIPINO ARTISTS- OR OPM ARTISTS NA MASASABI- NU'NG DEKADA '80 NA KUNG SAAN AY NAMAYANI NG HUSTO ANG MGA AWITING LIKHA NG MGA PILIPINO. KASABAYAN NI RANNIE SINA CHAD BORJA, RICHARD REYNOSO, RENZ VERANO, AT MARAMI PANG IBA.

SUMUNOD SI LANCE RAYMUNDO SA MGA YAPAK NG KUYA NIYANG SI RANNIE AT NAGING SINGER DIN ITO. PERO MAS NAGING MALAWAK ANG LANDASING TINAHAK NIL LANCE DAHIL NAGING ISA RIN SIYANG AKTOR, MODELO AT EVENTS HOST. INAKAP NI LANCE NG BUONG-BUO ANG KISLAP NG SINING, AT ANG LALIM NITO.

ANG HINDI ALAM NG KARAMIHAN, MAY PINAGMANAAN SINA LANCE AT RANNIE. ANG KANILANG INA NA SI MRS. NINA ZALDUA RAYMUNDO AY NAGING ISANG TV STAR DIN AT BEAUTY QUEEN. AT ANG KANILANG AMA, NA SIYANG PINAG-UUKULAN NAMIN NGAYON NG BLOG TRIBUTE NA ITO - ANG YUMAONG SI MR. DANILO H. RAYMUNDO (R.I.P.) - AY NAGING ISANG BAND SINGER DIN FOR SOMETIME, BAGO ITO PUMASOK SA BUSINESS. KAYA NASA DUGO TALAGA NINA RANNIE AT LANCE ANG PAGMAMAHAL SA MUNDO NG ENTERTAINMENT SCENE.

NGAYON PO, NAGLULUKSA ANG BUONG SHOWBIZ SA PAGPANAW NG PINAKAMAMAHAL NA AMA NINA LANCE AT RANNIE NA SI MR. DANILO H. RAYMUNDO (R.I.P.) DAHIL MINAHAL NIYA ANG LAHAT NG TAONG TUMULONG KINA RANNIE AT LANCE. LAGING NARIYAN SIYA AT SUMUSUPORTA NU'NG NABUBUHAY PA SYA. LAGING NASA LIKOD SIYA NINA RANNIE AT LANCE SA ANUMANG ARTISTIC ENDEAVORS NA PINAPASOK NG KANYANG MGA ANAK.

PAALAM PO, GINOONG DANILO RAYMUNDO. AT MARAMING SALAMAT PO. MARAMING-MARAMING SALAMAT SA LAHAT. DAHIL KUNG WALA KAYO, WALANG LANCE AT RANNIE NA NAKAPAGDULOT NG MAGAGANDANG BAGAY SA MUNDO NG SHOWBIZ.

SAAN KA MAN PO NAROROON NGAYON, GINOONG DANILO, GABAYAN PA RIN NINYO KAMI. DAHIL ALAM NAMIN, HINDI KA NAMAN LUBUSANG AALIS. MULA SA LANGIT, BABANTAYAN NINYO KAMI.

SA MULI, PAALAM PO. PAALAM.



(ISANG BLOG TRIBUTE AT PAG-AALAY-, mga katagang sinulat ni robert manuguid silverio)
NOTE: pictures above and below are not given photo-captions for a more dramatic intent. it's our own wanting. thank you.--r.s.*





















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...