Kapag nakaranas ka na ng isang ekspiriyensyang alam mong na-welcome ka ng isang yumao na, sa pangalawang pagkakataon, alam mong ttotoo talaga iyon. Dahil ganu'n din ang naamoy mo, naramdaman, at naranasan ilang taon na ang nakakaraan.
Yun bang amoy-bulaklak na panlalaki ang dating, na parang amoy ng isang men's perfume, kaalinsabay ng isang malamig na hanging umaakbay o umaakap, nanghahatak at masigla- ganu'n, ganu'n na ganu'n din yung naranasana mong muli.
Ayaw man naming ipagmalaki pa ito o isulat, pero siguro, naisip namin, gusto naming mai-share sa lahat, eh. Na bakit pa ba namin ililihim? Eh, manunulat kami at tungkulin naming ilahad lamang ang katotohanan sa bawat ekspiriyensiyang aming nararanasan.
Sabi nga ni Lance Raymundo nu'ng maikuwento namin sa kanya ang pangyayari: "Sinamahan ka ng dad ko. Siguro, gusto ka niya."
heto po kasi iyon (sumalangit-nawa po ang kaluluwa mo, Ginoong Danilo Raymundo- R.I.P.)- nu'ng narating na namin ang mismong Gate ng Greenhills East at natanaw na namin ang Krus sa itaas ng Chapel ng Sanctuario de San Jose, bigla kaming nakaamoy ng isang napakabangong bulaklak. Napakabango po. Para pong amoy-pabango ng isang lalaking artista. Ganu'n po ang dating.
"Saan kaya nanggaling ang mabangong amoy na iyon?", tanong namin sa aming sarili. Pero patuloy kaming naglakad ng derestso at may malamig na hanging sumalubong sa amin. Kakaiba. pero nasarapan kami.
Hanggang sa narating na namin ang Sanctuario de San Jose at doon na namin nakita si Lance Raymundo at ang Raymundo family, relatives and friends. Maaga pa iyon, wala pang alas-sais ng gabi. Sa harap ng altar, nakita rin namin ang URN ng ashes ng yumaong ama ni Lance na si Mr. Danilo Raymundo.
Naitanong pa namin kay Lance, bakit kaya hindi kami sinita ng mga guwardiya ng Greenhills East? at dere-deretso lang kaming naglakad? Sabi ko pa, imposibleng hindi ako makita nung mga guwardiya, pero hindi pa rin ako nasita.
Sagot ni L:ance: "Oh, that's impossible!", anya. "Very strict ang guards dito. 'Yung iba ko ngang friends, nag-iwan pa ng I.D.'s nila sa guard, eh. Maybe, my dad really accompanied you from the gate going here at his temporary resting place."
At sinabi na rin namin kay Lance 'yung naamoy naming bulaklak at ang malamig pero masarap na hangin. We felt, welcome kami kay dad Danilo (R.I.P.), at pasimple na lang kaming napangiti.
*********
Napaka-relaxing nu'ng ambience sa paligid ng Sanctuario de San Jose wake chapel. Tahimik lang ang lahat at wala pang masyadong tao. Kasi, maaga pa, mga bandang 5:30 pa lang 'yun ng hapon. Nakakataba ng puso yung pag-introduce sa amin ni Lance sa mga piling-piling bisita ng kanyang inang si Mrs. Nina Zaldua Raymundo na mga highschool classmates pa nito mula sa iba't-ibang bansa at nagkataong naririto ngayon sa Pilipinas at hayun, bumisita sa burol ng ama ni Lance.
Ang tanging wala lamang nu'ng hapon na iyon ay si Rannie, ang kuya ni Lance dahil may concert ito at that very time sa Music Museum pero darating din kaagad right after the concert. Napagkuwentuhan pa ni Lance at ng isang blogger na kaibigan niya ang buhay ng mga taong nasa mundo ng Sining at Entertainment- ang salitang "The show Must Go On". Na maski umiiyak ka, kailangan mo pa ring gawin ang commitment mo sa mga tao.
Kasi, bago si Rannie na may concert nu'ng gabi na iyon ng unang gabi ng lamay ni Sir Danilo, si Lance naman ang may concert at the very night ng cremation ni Sir Danilo. Imagine, nasa Resorts World si Lance para sa concert niya duon, right after ma-cremate ang dad niya. Kakaiyak, di ba? Eh, kung hindi darating si Lance sa mini concert niyang iyon sa Resorts World, maraming mga tao ang masasagasaan, pati na mga producers at mga taong bumili nung tickets kung hindi siya darating. And as a real PRO as he was, Lance gathered all his strength and performed there. Really great.
Nuon ngang awitin na ni Lance ang kantang "Man On The Mirror" ni Michael Jackson, doon lang niya nasabi sa lahat ng audience na namatay ang Papa niya. Ang dami-iyakan sa naging Spiel na iyon ni Lance.
*********************
SA PILING NI LANCE AT NG RAYMUNDO FAMILY. Opo, ngayon ay hindi na talaga kami magtataka kung bakit marami ang nagmamahal sa buong Raymundo family. Kapag kapiling mo kasi sila, you will feel loved, and you will feel so special.
Nu'ng gabi na iyon, nakidasal din ang isang blogger kasama ang RVM Sisters, at nag-participate din sa Holy Mass. Pagkatapos ng Holy Mass, hayun ang blogger at naki-kain na rin sa special dinner buffet right after.
Ilan sa mga celebrities na dinatnan ng blogger bago siya umalis bandang 830 P.M. ay sina Ogie Alcasid, Dino Imperial and Ms. GretchenBarretto.
Humabol daw si Rannie kasama ang mga OPM Artists na sina Chad Borja at iba pa, kasama din si Ms. Dulce.
Iyan po ang unang gabi ng lamay para kay Ginoong DANILO RAYMUNDO (R.I.P.), na isang mapagmahal at responsableng ama, asawa, kaibigan...
SA MULI, ANG AMING PAKIKIRAMAY SA BUONG RAYMUNDO FAMILY.
MAHAL KA PO NAMIN, DAD DANNY!!!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento