Q and A with KARL SIPAT (a promising new singer and member of 4-S pamilya in "sama-sama, salo-salo" radio show)...







(ON THE PHOTOS ABOVE: KARL SIPAT WITH HIS "4-S PAMILYA", LANCE RAYMUNDO AND MOM NANCY SIPAT.--- PHOTO CREDITS OF KARL WITH 4-S PAMILYA: AUGUST CALDERON)---RS.**





Siya 'yung tipong silent type na guy na laging nakaupo lang sa isang sulok. Pero sa oras na bumirit na sa pagkanta sa palatuntunan sa radyong "Sama-Sama, Salo-Salo", mapapanganga kang talaga sa angkin niyang kagalingan. Very stylish and very original siya kung mag-perform. Kaya naman parami na rin ng parami ang kanyang mga fans.

His name is Karl Sipat, tall, dashing and handsome. We predict, malayo ang mararating niya sa mundo ng pag-awit. Enjoy our Q & A with Karl below:

ROBERT: ano na ngayon ang masasabi mong mga naging pagbabago sa sarili mo, magmula nu'ng regular nang kumakanta sa radio show na "sama-sama/salo-salo"?

KARL: Marami na po ang nagbago sakin for the past year with 4s. Nag-improve sa self esteem ko. Lumaki po kasi ako na introvert and silent type so i think yung pagsali ko po sa 4s  ay nakatulong sa personality development ko. At yung singing ko din po ay develop din.

ROBERT: saan ka mas at home na kantahin, ballad o rock songs?

KARL: Ballad/ jazz songs and pop/rap songs po definitely. I think di ko pa po na access yung part ng voice ko to sing rock.

ROBERT:  sa programang "sama-sama/salo-salo", kalimitan sa mga kinakanta ninyo, karl, ay Tagalog songs. Sa palagay mo ba, may pag-asa pa ang mga Tagalog songs, lalo na ang mga lumang kantang Tagalog, na mabuhay sa puso at diwa ng bawat Pilipino?

KARL Opo. Sa tingin ko po nakakatulong yung social media and yung Sama Sama Salo Salo sa pag reintroduce ng mga kundiman at balitaw songs especially sa mga kabataan na unti unti nang nakakalimutan yung mga lumang kanta. I hope lang po na mabigyan ulit iyon ng mainstream exposure.

 ROBERT: Isa sa mga mentor mo ngayon si Tessie Lagman. Ano ang payo niya na hindi mo makakalimutan?



KARL: Isang payo na di ko po makakalimutan is yung "Try to improve your craft but stay humble". Tingin ko po ay very important ito lalo na sa mga baguhang singers and artists katulad ko.

ROBERT: May dugo ba kayo ng mga maka-musikang tao? kasi, sa galing na pinapakita mo at sa versatility mo bilang mang-aawit, tila may pinagmanahan ka... May kamag-anak ka bang singer din?

KARL:  Sa palagay ko po ay nagumpisa to sa great grandfather ko. Mahilig din po sya sa music. Marunong nga po sya tumugtog sa dahon. I think napasa nalang din po ito from generation to generation kagaya po sa tito ko na nag motivate sa akin na kumanta.

ROBERT:  Bakit ayaw mong umarte o matutong umarte sa pelikula balang-araw, karl? Sadya bang Musika lang ang hilig mo?

KARL: I think acting is a field i have yet to discover. Open naman po yung door para sa mga future opportunities. In the meantime, i'll work on improving my craft which is singing.

ROBERT: Sino sa mga sikat na singers nating babae dito sa Pilipinas ang gusto mong maka-duet balang araw? At bakit?

KARL: Gusto ko pong magkaduet si Moira Dela torre. Its her songs and the way she connects with people. The lyrics to her songs are very genuine and not forced. She is a great songwriter which is another territory i want to explore soon 🙂

ROBERT:  last question, karl, paki-share mo naman sa amin ang sikreto mo kung bakit napakaganda ng tinig mo? may secret exercises ka ba o breathing techniques?

KARL: I think just practice po everyday hahaha.
Make sure you sing with your heart and your diaphragm and not with your throat
Create a work ethic that will help you in the long run. Don't try to be good instantly and take your time. But most of all, ENJOY SINGING!


(WRITTEN BY ROBERT MANUGUID SILVERIO)





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...