rafael: he felt so sad from the passing of a colleague. |
RAFAEL'S CONTEMPORARY IN THE WORLD OF SINGING: THE LATE RICO J.PUNO (R.I.P.) |
SI RAFAEL, NU'NG MGA PANAHONG KASABAYAN NIYANG PUMASOK SASHOWBIZ SINA MARCO SISON,GINOPADILLA ATANG YUMAONG SI RICO J.PUNO. |
Panahon 'yun ng Student Canteen, Metro Pop song contests, pamamasyal sa Luneta, at pamamayani ng mga Original Pilipino Music. Mga Dekada '80 pa 'yun- at kabilang si Rafael Centenera sa mga sikat na mang-aawit na inidolo ng mga kababaihan at mga estudyante sa school campuses. Sosyal, conyo ang dating, elitisto, mestisuhin... Halos naagawan niya ng atensyon nuon si Rico J. Puno na sikat na sikat at number one na singer ng bansa at that time.
"Oo, si Rico J.Puno nga ang kasabayan ko", pag-amin sa min ni Rafael 'Mr. Romantiko' Centenera. "Kami ang magkaka-batch nuon na pumasok sa mundo ng pag-awit. Although mas sikat nuon sa akin ang yumaong si Rico J., hindi rin naman ako nagpahuli sa kanya. Madalas kaming mag-guest na dalawa nuon sa Student Canteen, at pareho kaming may mga fans. Ang ilan pa sa mga kasabayan namin ay sina Gino Padilla, Marco Sison, Nonoy Zuniga, Rodel Naval, Hajji Alejandro, at iba pa
"Kaya sobra akong nalulungkot ngayon sa pagyao kamakailan lamang ni Rico J. Puno, dahil itinuring ko rin siyang isang kaibigan, higit pa sa kasamahan sa pag-awit. Nakikiramay ako sa buong pamilya niya. Isa siyang malaking kawalan sa industriya."
Maraming beses rin daw na nagkasama sina Rafael at Rico (R.I.P.) nuon sa mga concerts at out-of-town shows. Si Rico, nanatili sa bansang Pilipinas, pero si Rafael kasi, paalis-alis ng bansa, and it's only a couple of years ago na muli siyang nag-comeback sa Pilipinas permanently upang umawit. Panay ang punta ni Rafael kasi sa iba't-ibang bansa.
Sa ngayon, recording artist si Rafael sa record label na LODI Records, sub-label ng ABS-CBN Star Music. Nai-release na dito early this year ang single niyang Miss Bonita, mula sa komposisyon ni Blanktape (and also a featured artist in the song), and its now doing well. His next single is now being prepared.
Bukod diyan, every Sundays,from 11 a.m. to 1 p.m. ay mapapakinggan at mapapanood din si Rafael sa radio program na Sama-Sama, Salo-Salo sa DWDD radio station kasama sina Tessie Lagman at iba pang 4-S Pamilya na mainstays duon. May Youtube channel at FB live streaming din kase ang nasabing programa kaya bukod sa napapakinggan ay napapanood din sila.
"Masaya kaming lahat sa programang iyon, we're like one big happy family!", bulalas pa ni Rafael. "I sometimes sing Pop songs there, pero kadalasan ay Tagalog songs dahil advocacy namin sa programang iyon na i-promote ang Filipino music. Napakaganda ng samahan naming lahat duon."
Pero mabalik ulit tayo kay Rico J. Puno. Sa palagay ba ni Rafael, sa mga baguhang singers ngayon na nakakasalamuha niya, may makakapalit ba sa iniwang trono at achievements ni Rico J.?
"Marami pa naman kami- narito pa ako, si Marco Sison, Gino Padilla, at iba pa- at lahat halos kami, nakagawa rin ng pangalan sa ibang mga bansa", pagtatapos na sabi ni Rafael. "Pero dito sa Pilipinas, sa mga kasabayan namin, si Rico J. talaga ang nag-hari noon. Although like me, I also made a mark internationally. I became a hit in Malaysia and other parts of the world.
"Well, you see, this is a different time, Millenial na tayo", pagtatapos na wika ni Rafael. "It's now a different beat and a different tune. Sa mga songs ko ngayon, I adopt new trends. I welcome new changes. Because you see, singing is my life. Basta ang importante, we will still value Filipino music-old and new. That what matters most, you see.
"Rico J. will always be Rico J. He is an icon. He has his own identity and originality. And no one can take it away from him."
Very well said po, Mr. Rafael Centenera- ang Ginoong Romantiko!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
group shot of 4-s pamilya with rafael centenera and ms. tessie lagman (PHOTO BY: AUGUST CALDERON) |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento