REYNELYN MERCADO: ANG DILAG NA MANG-AAWIT NA MULA SA NUEVA ECIJA...

reynelyn: so happy to be a part of 4-S pamilya

reynelyn: pride of nueva ecija

karl sipat, samantha rascal, reynelyn and corazon garcia

WACKY SHOT OF 4-S PAMILYA ITH REYNELYN (3rd from right)

frm left to right): reymond agbada, reynelyn, hazel mae and karl sipat

from left to right: cenen garcia, reymond agbada, reynelyn and karl sipat

reynelyn with the 4-s pamilya

Marami talagang magaganda, magagaling, mahuhusay at mababait na nilalang mula sa probinsyang Nueva Ecija. Karamihan sa kanila ay nasa mundo ng Sining, Pelikula at Entertainment. Kaya hindi malabong mapabilang din sa mundong ito si Ms. Reynelyn Mercado, isa sa mga miyembro ng 4-S Pamilya ni Ms. Tessie Lagman at tubong Cabanatuan, Nueva Ecija.

"Sa totoo lang po, I feel so blessed and lucky na mapabilang sa 4-S Pamilya", bungad na sabi ni Reynelyn sa isang blogger. "Masuwerte po talaga ako at miyembro ako ng masayang grupo na ito ng magagaling na singers- mapa-beterano man o mapa-Millenial. Lahat po sila, hinahangaan ko sa pagkanta at hindi ko akalain na ngayon ay kasama ko na sila every Sunday sa radio program naming Sama-Sama, Salo-Salo, hosted by Ms. Tessie Lagman. Kaya nga, talagang every Sunday, ginagalingan ko ang pagkanta ko para hindi mapahiya sa kanila.

"Grabe po ang suportang binibigay nila sa akin, Kuya Robert", dugtong pang sabi ni Reynelyn. "Tinuturuan nila ako kung paano kumanta ng maayos, pati 'yung proper diction, and all. Sila talaga ang guma-guide sa akin. Kasi you see, Kuya Robert, hindi naman po ako professional singer na tulad nila. Pero dahil sinusuportahan nila ako ay natututo ako. Basta daw, sabi pa nila, dapat galing sa loob ng puso ko ang pag-awit ko."

Si Reynelyn din kasi ang personal secretary ni Mr. Rafael Centenera na isa sa mga beteranong miyembro ng 4-S Pamilya. Dahil nakitaan siya ng galing ni Ms. Tessie Lagman, naisipan nitong isama na si Reynelyn sa grupo.

"Napakabait po ni Tita Tessie", sey pa ni Reynelyn. "She's very supportive talaga. Naka-alalay siya palagi sa akin kahit hindi ako magaling na singer. She teaches me how to sing properly."

Hindi akalain ni Reynelyn na matutupad niya ang dream niya bilng isang singer dahil napasama siya sa 4-S Pamilya.  At inaalay niya sa lahat ng mga taga-Nueva Ecija ang pagkanta niya.

"Doon na po kasi ako lumaki talaga sa Nueva Ecija, ang bayan ko", pagtatapos na wika ni Reynelyn. "Kaya sana po, maging proud sila sa akin. Alam ko kasi, karamihan sa mga taga-Nueva Ecija ay maka-Sining. Pagbubutihin ko pa ang pag-awit ko alang-alang sa kanilang mga kababayan ko."

Very well said, Reynelyn. More power!



(sinulat ni robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...