DIREK JOSE JEFFREY: ONE SOUL, TWO DRAMATIC PLAYS |
direk jose jeffrey: his sincerity matters |
direk jose jeffrey: a quench for an artistic SEARCH |
'Yun bang tulad ng mga taong maka-Sining na habang nagpupunyagi ay lalo namang nagiging mapagkumbaba?
Na habang lumilipas ang panahon, at mas nagtatagal ang ekspiriyensya sa mundo ng Sining at Teatro, lalo namang mas tumatapak ang mga paa sa lupa?
Ni hindi nagmamalaki...
Hindi nagnanasa ng mas ibayong rekognisyon, pambobola, at pagtatamasa.
Basta nandu'n lang siya. Tahimik man, pero lumalaban kapag nakanti mo ng hindi TAMA.
Personal kang aalalayan, walang uutusan na staff, walang "corporate-kuno" na dating...
Siya mismo, personal kang iwe-'welcome'. Taos sa puso. Ihahatid sa dapat mong upuan, aalayan ng maiinom at makakain.
Walang ka-ere-ere.
Ang mga tulad niya ay tulad din nina Ronald Arguelles at Jun Pablo, na pagdating sa pag-uugali at pakikitungo sa mga Media People, sadyang maasikaso.
Mga taong maka-sining. Totoo. Sinsero. Mainit kung mag-istima.
SIYA PO AY WALANG IBA KUNDI SI DIREK JOSE JEFFREY B. CAMANAG, isang direktor sa Teatro, isa ring Aktor. Higit sa lahat, isang Kaibigan.
BALIK-TANAW:
Rehearsal 'yun ng Senakulong DAAN NG KRUS ng Teatro Mensaheros sa Valenzuela, Bulacan nu'ng una naming personal na maka-'bonding' si direk Jose Jeffrey, na buong kapatid ng isa pang direktor din sa Teatro na si Roeder Camanag.
Naging saksi sa kanyang magaling na kakayahan bilang isang direktor sa araw na 'yun ng kanilang rehearsal, tunay namang nasabik na mapanood ang nasabing Senakulo sa kanilang ganap na pagtatanghal.
At nangyari nga. Gaya ng nasabi na, natagpuan namin ang isang uri ng direktor sa Teatro na tumusok ng husto sa aming PANLASA.
Ito ay mula nu'ng mapanood namin ang DAAN NG KRUS (Ang Senakulo), na magkakaroon muli ng mga pagtatanghal sa buwan na ito ng Marso.
Kaya sa muli, sabik naming uulitin ang nasabing dula upang panoorin.
BALIK SA PANGKASALUKUYAN:
Ngayon naman, sa dulang NOLI ME TANGERE, THE OPERA, co-director si direk Jeffrey. Ang Visionary Director naman ng dulang ito ay si direk Jerry Sibal. Sa isang panayam ng blogger sa kanila, pawang magagandang bagay lamang ang nasabi nila sa isa't-isa. Maganda ang kanilang TEAMWORK. May respeto at pagmamahal sa isa't-isa.
Sa Marso 8 ay unang pagtatanghal na ng dulang NOLI ME TANGERE, THE OPERA. Kaya mula sa kanyang personal na Facebook Status, naririto ang mga katagang nasabi mismo ni direk Jose Jeffrey:
"Mga angel na walang pakpak ngunit nagliliwanag at lumilipad sa kalawakan na may nag-aalab na mithiing maibahagi ang tanglaw ng mga kaluluwang inihandog sa Sining ng Pagtatanghal.
Ilang araw pa ay iluluwal ang busilak na handog ng
pinagsama-samang pusong naghahangad na maipamalas sa lahat ang kadakilaan ng
kulturang kayumanggi at ang kasaysayan ng nobelang humubog sa ating lipi.
Pagpalain nawa ng dakilang kalangitan ang bawat puso,
kaluluwa't isipan ng mga alagad ng sining na tapat na nagsisilbi sa hangaring
mĂ gdala ng buti sa mga mumunting hiyas na siyang bubuo sa kinabukasan nitong
bayan, ang mga kabataan!
Mabuhay Noli Me Tanghere The Opera!!!"--- (mula sa mga salita ni direk Jose Jeffrey Camanag)
*********** *********** *************** ***************
Dalawang DULA.
Isang direktor sa katauhan ni direk Jose Jeffrey.
Dalawang mensahe.
Isang puso, isang direktor, isang taong maka-Sining.
Sa mundo ng teatro, ang lahat Kikislap,
sa tuwing may isang nilalang na handang ialay ang kanyang talento
para sa ikauunlad nito-
habambuhay.
Mabuhay ka, direk Jose Jeffrey Camanag! Mabuhay ka!!!
(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)
Mga larawan, mula sa FB Page ni Ginoong Jeffrey Camanag (credits goes to the real owner of the photos. thank you.***)
direk jeffrey with ms. sheila gamo |
the whole cast and staff of NOLI: THE OPERA |
DIREK JEFFREY, IN BLACK SHIRT, SECOND FROM THE FIRST ROW, AND THE WHOLE CAST AND STAFF OF "NOLI, THE OPERA" |
REHEARSALS OF "NOLI: THE OPERA" |