CUSI AT WORK AND AT PLAY (A SPECIAL PICTORIAL SESSION WITH GREAT PAINTER RAFAEL CUSI, WITH PHOTOGRAPHS BY CARLO VIAJERO)....


INTERNATIONALLY-RENOWNED PAINTER RAFAEL CUSI SHOWS-OFF HIS LATEST WORK


a younger cusi



Sobra ang pagkamangha ng high-fashion photographer na si Carlo Viajero sa napakagandang pag-uugali ng dakilang Pintor na si Rafael 'Popo' Cusi. Nu'ng hapon na i-pictorial kasi ni Carlo si Kuya Popoy, kasama ang blogger na si Robert Silverio, aba naman, talagang napakaganda ng pakikitungo at pakikisama na ginawa sa kanila ng internationally-renowned Painter, na minsan na ring nataguriang "The Greatest Watercolor Painter In The World".

Walang ka-arte-arte si Kuya Popoy sa pagpo-pose sa harap ng kamera, maski ba naninibago siya, dahil kalimitan ay siya ang nagpapa-pose sa mga modelo kapag pinipinta niya, ngayon siya naman ang modelo. Haha. Pero hayun, real trouper si Kuya Popoy, dahil lahat ng sabihin ng Photographer at ng direktor ng Pictorial ay sinusunod niya. Nariyang pangitiin siya, pasimangutin, patayuin, paupuin....

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Kuya Popoy at kung gaano siya ka-dakila bilang isang Pintor, puwede siyang i-Google para malaman ng lahat. Malaki rin ang posibilidad na maging National Artist siya balang araw sa mundo ng pagpipinta.

Ang mfa litratong kuha ni Mr. Cusi sa blog site na ito ay eksklusibong pag-aari ng Swordshines10.Blogspot.Com. Kasi kadalasan ay nauubusan ng mga litrato naga-grab sa Google, kaya naisipan ng Blogger na ito na ipiktoryal si Mr. Cusi. Hindi yung grab na lang siya ng grab sa mga larawang pag-aari naman ni Mr. Armando Giron, na isa sa mga Art Dealers ni Mr. Cusi, kasama si Mr. Ivan irinco- na isa pang Art Dealer din at kamukha ni Jake Cuenca.

Idinaos ang pictorial ni Mr. Cusi sa mismong Working Studio niya sa may Pasay City.

Nagpapasalamat ng husto ang Blogger na ito kay Mr. Cusi sa isa na namang magandang pagtanggap. Very supportive din sa pictorial ang assistant niyang chubby (nakalimutan po namin ang pangalan) at tumulong ito sa pagbubuhat ng mga paintings ni Mr. Cusi.

Sa muli, marami pong salamat.

Makikita sa mga larawan sa ibaba ang mga framed paintings ni Mr. Cusi, mga solong kuha niya, mga larawang habang nagpipinta siya, at ang pagbi-bilyar niya na siyang break time niya kapag nagpe-painting siya ng maghapon.

CUSI AT WORK AND AT PLAY, IN PHOTOS.



PHOTOGRAPHER CARLO VIAJERO WITH RAFAEL CUSI
(AS PHOTOGRAPHED BY MR. CARLO VIAJERO, WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO).***












A CUSI SELF-PORTRAIT































A VERY HANDSOME YOUNGER CUSI

BLOGGER ROBERT HOLDS AN AWARD GIVEN TO HIM BY RAFAEL CUSI

YOUNGER CUSI




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...