QUESTION & ANSWER (Q & A) WITH MAINE MUSNI NIETO, ANG TALENT MANAGER NI MACOY MENDOZA NA BINABANSAGAN SA PANGALANG MS. MAINE NADAYA!


maine musni nieto, a.k.a., ms. maine nadaya: BEFORE AND AFTER

MAINE: ARTISTAHIN DIN ANG LOOKS

maine with his talent macoy mendoza

maine with friends


maine with jobert sucaldito

maine with TEAM (the entertainment arts media)














(ANSWERS BY MS. MAINE MUSNI NIETO, QUESTIONS BY ROBERT SILVERIO)



ROBERT:  Is it hard to become a talent manager?

 MAINE:
 Big  NO! Because, passion ko talaga ito, and i love what  I'm doing dahil alam ko na nakakatulong ako sa talents na ma-enhance ang skills nila . Napapalawak ko pa ang kaalaman ko sa tulong ng pakikipag- salamuha sa ibat- ibang klase ng tao. Masaya, lalo na kung nakikita mo ang lahat ng pagod mo ay may pinapatunguhan, like yung mga models ko nakikita ko sa. mga commercials ,TV series. Lalo na yung kanta ni Macoy nung minsan madinig ko ng hindi sinasadya na pinapatugtog sa isang palengke sa Laguna, ang sarap sa pakiramdam😀  Nakaka touch, gusto ko ipagsigawan na alaga ko yung kumakanta! Heheh.


 ROBERT: What can you say about Macoy Mendoza as a talent? Is he mabait ba?

 MAINE:
 Si Macoy Mendoza ay mabait , humble napaka sweet na bata, kaya kinakagiliwan ng mga tao,  May pagka- mahiyain lang,  pero sobrang straight mag salita!   At higit sa lahat, ang pinaka- nagustohan ko na ugali nya ay napaka- mapagbigay sa kapwa. Mahilig siya mag-donate sa  simbahan .


 ROBERT: Having Jobert Sucaldito as co-manager of Macoy Mendoza, ano-ano ang mga bagay na natutunan mo kay Jobert?

 MAINE:
 Ako po talaga ang manager ni Macoy Mendoza, hindi po kami co-manage ni  Nanay Jobert,  fist time ko po talaga humawak ng talent na singer  kaya na isip ko na makipag co-manage kay Nanay Jobert  sa pag handle kay Macoy ,  dahil  sa tingin ko ay hindi pa sapat ang kakayahan ko!  Lalo na sa koneksyon sa industriya,  pinaubaya sakin ni Nanay Jobert ang pag- handle ng solo kay Macoy dahil malaki daw ang tiwala nya sakin na kaya ko!
si Nanay Jobert ang nag- me-mentor sa akin sa mga bagay-bagay kung paano mag- manage. Siya din ang umaalalay samin ni Macoy sa pinapasok namin na industriya.  Madami akong natutuhan kay nanay Jobert . Tulad ng maging mapagmahal na manager sa mga alaga, at maging matatag! Maging pasensyoso din, kaya sobrang laki ng pasasalamat ko kay Nanay Jobert.

 ROBERT: Maggi-guest ba si Macoy sa concert ni Kiel Alo sa Feb. 12? Ano naman ang masasabi mo kay Kiel Alo na tinuturing ni Macoy na kuya niya sa showbiz?

 MAINE:
 Yup, mag-guest po dapat si Macoy sa concert ni Kiel Alo, pero baka hindi sya matuloy na kumanta. sa kadahilanang nag- rerecover pa sya.  Nagkasakit kasi sya!  Pupunta na lang  sya sa concert ni Kiel to support his brother. Ang masasabi ko kay kiel alo. masipag at pursigido sa tinatahak nya na karera sa showbiz.  sobrang mapag mahal sa manager. at masunurin sa manager,  masarap maging kaibigan, malambing at maaasahan, gusto ko din yung quality ng boses nya at meron sya sariling style sa pag-awit at pagkanta.


ROBERT: Ano ang ginagawa mo before bago ka maging isang talent manager?

 MAINE:
 Isa akong modeling/dance instructor sa isang agency , nag- make up artist din ako, naging P.A , n'ung naka- ipon ay nagtayo kami  kaibigan ko  ng resto bar sa Sct, Torillo sa Timog, Quezon City  . Ngunit sa isang hindi pagkakaintindihan ng isa sa partner ko ay ibinenta namin ang resto. After nun. nung nauso ang Grab. nag-sideline ako  sa mga kakilala ko para mag- serbis gamit ang car ko, para makadagdag sa mga gastusin ko sa pang- araw- araw.


ROBERT: Ano ang feeling mo nu'ng maisulat ka minsan sa pangalang MAINE NADAYA?

MAINE:
 Masaya na nakakatawa�� Si nanay jobert ang nagbansag sa akin ng Maine Nadaya! Lagi daw kasi ako nadadaya.  Lagi  nya ako nakukuwento at binabati sa show nya sa Dzmm na Showbuzz. kaya yun. siguro ang tumatak sa mga tao na na nonood  at nakikinig sa show nya at twing pinapakilala nya ako sa   mga press at writers  .

Masaya dahil na nung bata ako pinangarap ko makita ang name ko sa news paper , sa entertainment page.  Dream ko kasi dati mag artista at maging ramp model nung kabataan ko . kaso hindi pinalad heheheh, tapos meron pala nakaka- appreciate ng ginagawa ko sa pag- manage kay Macoy. 

 Natatawa dahil nung nakita ko  ko ang nakasulat , Maine Nadaya ang name ko�� Mukang need ko na talaga panindigan ang bansag sa akin, dahil yun na ang tumatak sa mga tao��


 ROBERT: Ano-ano ang mga plano mo kay Macoy?

 MAINE:
 Ang mga plan ko kay Macoy gusto ko sya magka- album na may physical copy,  na isinulat ng mga idolo ko na composer , gaya nina Vehnee Saturno, Joven Tan, at Jonathan Manalo. Plan ko din na isali sya sa mga artista search at singing contest sa TV.  Gusto ko talaga kasi syana makilala at mag karoon ng experience.  Sa ngayon mag- dance at Acting Workshop na din sya gusto ko din kasi sya maging artista..


 ROBERT: Mas comfortable ka na ba ngayong mukhang lalaki ka na, keysa nuong mukhang babae ka pa? saan ka mas maligaya?

 MAINE:
 Yup, mas komportable na ako sa look ko ngayon, mas mukhang malinis at kagalang- galang�� Dati ayaw ko mag pagupit ng buhok kaya umabot ng lagpas pwet. pero nung na try ko na mag pagupit ,pag ka kita  ko sa sarili salamin, nasabi ko na shit!!! ang Gwapo ko pala�� bagay pala sakin.  Kaya  simula noon hindi na ko nag pahaba. ng hair, pero paminsan minsan na-mi-miss ko pa rin ang dati kong buhok .

tsaka ito na ang uso ngayon. Mas madali makakuha ng boys�


 ROBERT: Last question: ano ang masasabi mo sa mundo ng showbiz?

 MAINE:
 ��
 Ang masasabi ko sa pinapasok ko na industriya ay masaya na makulay�� Parang sinabawang gulay.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...