Vice Ganda at Lance Raymundo, sa paningin ng isang die-hard fan girl na si Beni Saunders!

A SPECIAL COLLAGE OF PHOTOS OF MS. BENI SAUNDERS TOGETHER WITH HER IDOLS LANCE RAYMUNDO AND VICE GANDA

VICE GANDA AND BENI: SUPER!

BENI AND LANCE RAYMUNDO: ALMOST LIKE HER PRINCE CHARMING
PERSONAL NA SINULAT MISMO NI MS. BENI SAUNDERS, ANG NUMBER ONE FAN NINA VICE GANDA AT LANCE RAYMUNDO).*

"HINDI na lingid sa kaalaman ng nakararami na ang inyong abang lingkod ay isang masugid na tagahanga ng dalawang Pinoy celebrities, walang iba kung hindi sina Vice Ganda at Lance Raymundo. Silang dalawa ang namumukod tangi sa lahat sa puso at isipan ko, sila ang dalawa kong super idolo na pinagbuhusan ko ng nag-uumapaw na pagmamahal at respeto bilang artista at bilang tao.

Wala nang question pa sa kasikatan ni Vice. Si Lance naman, na bagamat hindi super famous, I do believe na balang araw ay mararating din niya ang stardom na deserve niya nang sobra. Ini-imagine ko ngayon pa lang ang napakalaking billboards ni idol papa Lance na nagkalat sa kahabaan ng Edsa at iba pang mga lugar sa Pilipinas.

Ngayo’y maraming tao na rin ang nakakakilala sa kanya hindi lang sa mga talentong ibinigay sa kanya ng Diyos, kung hindi bilang isang napakabuting nilalang katulad ni Vice. Isa rin si Lance na maituturing na sobrang mapagmahal na anak at kapatid. Nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-meet ang very well respected family ng aking dalawang idolo, at bilang isang die-hard fan, masasabi kong napakasuwerte ko na I've found a very good friend in Idol papa Lance, ang #WolfKing.

Ang tanong ng lahat. Bakit nga ba, Idol papa Lance? Eh, 10 years kaya ang tanda ko sa kanya, hahaha! Well, kung may papa Piolo, siyempre may papa Lance. At dahil Ultimate Idol ko siya,  ayun Idol papa Lance ang tawag ko sa kanya. Eh bakit idol, WolfKing? Simple, bata pa lang siya ay Wolf na ang tawag sa kanya. Eh bakit may King? Kasi kung si Vice Ganda ang aking #QueenMotherHorse, siyempre si idol papa Lance naman ang aking #IdolWolfKing.

Bakit nga ba silang dalawa ang Ultimate Idols ko? Mahirap ipaliwanag eh. Ang alam ko lang, masaya ako kapag nakikita at nakakasama ko sila. Mayroon silang mga magagandang katangian na para sa akin ay angat sa iba. Sina Vice at Lance ay mga totoong mga tao na pinakamamahal ko, pero hindi mga santo na sinasamba ko.

Sana gets nyo, bilang isang fan girl, kumakapit ako sa paniniwala na balang araw ang pinapangarap ko na makasama silang dalawa kahit saglit lang, kahit sa iisang larawan lang ay magkakatotoo. Para may souvenir ako na kaming tatlo ay magkasama sa isang picture man lang.

Mahirap na masarap ang maging isang die-hard fan. Masarap sa pakiramdam kapag napapansin ka ng mga celebrity Idols mo. Kapag kumokota ka sa kanila sa yakap at halik at kapag nakapagpa-picture ka kasama sila. Minsan naman makakaranas ka ng pagkabigo at kadalasan, magastos mag-fan girl, hahaha! Pero dapat hindi ka susuko, dahil marami pang mga pagkakataon. Sabi nga nila, fight lang nang fight! Ravaaaaan!


Ang wish ko para sa aking mga pinakaiidolo: Meme Vice at idol papa Lance. Sana ay patuloy kayong i-bless pa ni God at pati na ang family nyo. Sana po ay manatili po kayong malakas at patnubayan lagi ni God. Nawa ay manatili pa kayo sa showbiz industry nang napakatagal na panahon para magpasaya at magpangiti sa fans & supporters nyo, tulad ko. Mahal na mahal ko po kayo, Vice at Lance. Lalabis pero hindi kukulang. Kayo ang Ultimate Idols ko, noon, ngayon, hanggang sa dulo na walang katapusan".---- BENI SAUNDERS

(MS. BENI SAUNDERS IN A SOLO SHOT)
(SINULAT NI BENI SAUNDERS, AND PHOTOS ALSO COURTESY OF MS. BENI SAUNDERS).***

BENI WITH LANCE

BENI WITH VICE GANDA


SI DIREK JOSE JEFFREY, SA PAGDALOY NG PANAHON, PATULOY PA RING UMIIGTING ANG MGA DAMDAMIN PARA SA SINING NG PAGTATANGHAL....

JOSE JEFFREY CAMANAG: THE SOUL, THE ARTIST, THE HEART.



Si direk Jose Jeffrey, sa pagdaloy ng panahon, patuloy pa ring umiigting ang mga damdamin para sa Sining ng Pagtatanghal...

Dahil naririto ang kanyang puso, dito dumadaloy ang kanyang mga dugo

Dito rin siya umibig, dito rin siya nasaktan...

Dito siya nabigo, pero dito rin muling tumayo...

Ang Sining ng Pagtatanghal, oo, ang Sining ng Pagtatanghal...

Sari-saring Sining man ang iyong nakikita, nadarama, nalalasahan...

Isang kakaibang uri pa rin ng Sining ang pang-habambuhay na yayakapin ni direk Jeffrey...

Isang Sining na mula mismo sa kanyang puso, kaluluwa, kailaliman ng kanyang pagkatao...


EL FILI mula sa gantimpala Theater Foundation

DAAN NG KRUS mula sa Teatro Mensaheros

NOLI, THE OPERA, mula sa JS Productions....


Mga makatuturang pagtatanghal mula sa mga klasikong likha...

Nakapaglalahad, nakapagtututo, nakapag-papahamon...

Mga dulang naging direktor at co-director si direk Jeffrey.


"Ito na nga siguro ang mundo at buhay ko, wala nang iba pa", nasabi pa minsan ni direk Jeffrey. "Kami ng kapatid kong si Roeder, ito na ang inakap naming mundo nuon pa man. At masaya kaming pareho dito."


Muli nating saksihan ang eksekusyon, galing, kaayusan, kagandahan-

ng pagdidirek ni direk Jose Jeffrey Camanag, kasama pa ang visionary director na si Jerry Sibal

Sa Operang tunay namang klasiko: ang NOLI, THE OPERA.

Bilang co-director, muling binigyang buhay ni direk Jose Jeffrey ang mga kaluluwang nasa loob ng nobelang Noli me Tangere....

At ang kaluluwa na rin ng ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal, kasama pa ang mga kaluluwa ng dalawang National Artists na sina Felipe Padilla de Leon at Guillermo Tolentino.



Habang dumadaloy ang tubig sa batis man o sa dagat

Habang ang mga bulaklak ay patuloy na aamuyin at iaaalay

Habang ang mundo'y tahimik pa-



Tara na.

Paigtingin pa rin natin ang damdamin ng isang artistikong nilalang.

Si direk Jose Jeffrey Camanag-



MAGPAKAILANMAN.




(sinulat ni robert manuguid silverio)


The smash-hit “Noli Me Tangere, The Opera” returns to the Cultural Center of the Philippines' (CCP) main theatre for a strictly limited engagement: June 21-June 23, 2019, at 2 p.m., and June 22, 2019, at 8 p.m. (4 Performances Only!)

Book your tickets today: J&S Productions Inc. 0915 593 4777, 0947 168 1714; CCP Box Office 02 832 3704/06, or TicketWorld 02 891 9999.
Ticket Prices: Orchestra Center/Parterre Box - P2,800; Orchestra Side/Lower Box - P2,300; Balcony 1 Center - P1,400; Balcony I Side/Upper Box - P1,200, and Balcony II Center & Side – P900
25% off for students and 20% off for seniors, PWDs, government employees, and the military. Pls present a valid ID card.

tara na, sa birthday concert ni macoy mendoza (at grand launching din ng kanyang first single na "puede kaya?")....

macoy mendoza, in a shot taken from a winter season in Australia, together with kid-relatives.




Iilan na lamang ngayon ang nabibigyan ng todo-todong break sa larangan ng pagkanta. Yun bang nagsisimula ka pa lamang, eh, may first single ka na agad at ang nag-compose pa ng single mo ay si Vehnee Saturno, na isang alamat na sa paglikha ng mga awitin.

'Yun bang kay bago-bago mo pa lamang, hayan na ang mga media people na kaibigan ng mga managers mong sina Maine Musni Nieto at Jobert Sucaldito, na agad kang sinulat sa mga diyaryo, blog sites at nag-guest din agad sa mga radio shows.


'Yun bang hayan, may solo concert ka na rin agad, na magiging kaalinsabay pa ng Grand Launching ng una mong single na may pamagat na "PUWEDE KAYA?". Lahat ay tipong naaayon naman sa tamang panahon. Lahat ay tipong nakikisayaw sa tono ng isang musika, at, nakikisabay din sa pagsalpok ng mga alon sa karagatan.


Marahil, mabait kang tao. Nakatitiyak din kami, may ginituang puso ka. Dahil ang mga taong binibigyan ng mga ganap na papapala ng Diyos- ay iyong mga taong mababait, masunurin, magagalang. Ikinatutuwa ng Nasa Itaas ang mga kabataang tulad mo. Kaya ang mga ganap na mga grasya't pagkakataon, tunay namang ibinibigay sa iyo.


Kasama ang mababait mong mga managers, oo, MACOY MENDOZA, manonood kami ng concert mo sa darating na Hunyo 14 sa Metro Walk ng Music Hall.


Naririyan din ang kaibigan nating si Kiel Alo- na susuportahan ka sa gabing iyon. Isang gabing magpapatunay na isa ka na ngang ganap na bituin, Macoy. At inaakap ka na ng tuluyan ng mundo ng showbiz.


Tara na, sa birthday concert mo, Macoy. Na siya ring Grand Launching ng iyong unang single na "Puwede Kaya".


Galingan mo, ha.





(sinulat ni robert manuguid silverio)

macoy: standing tall

macoy with kiel alo

macoy: oh, what a baby!

macoy: lucky to be given proper breaks at once

macoy: brings out his very best

macoy forevermore



Q & A ON PATRICK ADRIAN LIBAO: THE NEW BOARD MEMBER OF PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION

PATRICK: BOYISHLY SEXY!

PATRICK DISPLAYS HIS BACK SKIN TATTOO

ONE POIGNANT SCENE IN  A PSF PLAY AS PATRICK EMBRACES VINCE TANADA


Mr Patrick Adrian Libao, one of our favorite Stagers was quite on a "Beast Mode" that afternoon at the last day PSF Summer Fest 2019, as he spoke about one playwright/critic for being harsh in reviewing PSF plays. We seldom saw Patrick being like that. That's why for us, he really meant was he said and he's really mad on that "ungrateful" playwright.

This blogger felt Patrick was right. Because as we watched the five plays presented and performed that very day at the PSF Studio, it was all beautiful and mind-blowing. We wondered, how could someone be wrong in judging these PSF plays?

Anyway, we're moving on. Patrick's rantings on that person somehow helped us more to believe that original PSF plays were worthy of good reviews and raves.

During dinner time, Patrick sat in front of us and as we ate together the very good dinner served after watching the five plays that concluded the PSF Summer Festival that very day, we felt Patrick's warmth and great affections. Patrick remained to be so true to us and eternally sincere.

And while eating the perfect dinner served, we managed to ask Patrick some questions in the special Q & A below. Read on:

ROBERT: Patrick, how does it feel to win at the Aliw Awards this year?

PATRICK: Yeah, it feels so good. I won as Best Featured Actor in a Musical this year at the Aliw Awards. It was also my fifth nomination there, having nominated before in Bonifacio: Isang Sarsuwela, Joe, The Musical, Popular and Filipinas 1941. Winning the award this time, I can say, is a good opportunity for me. Finally, na-recognize na ako. And my love and passion for the Arts really was worth it all. This time around, I will inspire more, show my craft and transform lives. That's my mission as an actor.
One thing more, I really got flattered winning the award side by side with Ms. Lea Salonga- she won naman the Best Featured Actress in a Musical. It gave me a tremendous feeling.

ROBERT: How passionate are you as an actor, Patrick?

PATRICK: In a scale from 1 to 10, I rate myself 11, in terms of being so passionate about my craft. You see, Robert, it's my life. I gave-up a lot of things because of this. pero happy ako sa ginagawa ko, and that what matters most.

ROBERT: I have watched numerous plays at the PSF Summer fest in the previous years and until now. And I loved those horror and dark plays that you wrote. Would you say that being a writer and a playwright is also one of your hidden talents?

PATRICK: When I started performing at the Theater, I sing also. Halos sabay lang pumasok ang pag-arte at pagkanta ko. Then, writing came just as spontaneous. Hindi ko alam na may talent din pala ako sa pagsusulat. For the past five years, I always write plays at the PSF Summer Fest, and my latest is Gemetzel, isang morbid story with German Nazi setting.
Now, I'm also learning how direct plays. Through the help of my mentor, Vince Tanada, I will soon direct a play also at PSF.
I also market plays at PSF. That's why I'm earning a lot, not just as an actor but also because of marketting the plays.

ROBERT: Now that you are being elevated as one of PSF's Board Members, what would be your greater functions and missions for this artistic theater group?

PATRICK: I will be helping in decision-makings for the company. It will be giving me more responsibilities and a lot more action for the group. Also, it's a big opportunity for me. I am so thankful and grateful to the other Board Members for giving me a chance. It's a great honor on my part.

ROBERT: Last question, Patrick. May dream role ka pa ba na nais gawin sa mundo ng teatro?

PATRICK: Kuya Robert, lahat na yatang klase ng papel ay nagmapanan ko na sa PSF. Nagubad na ako't nagpakita ng hidden weapon ko, naging rebelde, naging sundalo, naging makata, naging bayani, naging Jose Rizal, at kung anu-ano pa. Ang hindi ko na lang yata nagagampanan, 'yung papel ng isang hayop o animal. Hahaha.
I would still try performing a variety of roles. And it's up to Vince Tanada, who saw my potentials right from the start to discover more roles for me. being an actor is limitless. And I am up for more challenges this time around.

ROBERT: Thank you, Patrick.

patrick: Thanks, too. Kuya Robert.



------ end of interview----

PATRICK PLAYS HIS GUITAR FOR A SPECIAL BLOGGER BESIDE HIM

PATRICK WITH HIS MENTOR VINCE TANADA

PATRICK: A VICTORY! (with a female "friend")

PATRICK HOLDS HIS VERY FIRST ALIW AWARD

PATRICK: A VERY PASSIONATE SOUL

PATRICK IN A FASHIONABLE OUTFIT

PATRICK RANTS

RICHARD QUAN WINS ANOTHER BEST ACTOR VICTORY, THIS TIME AT THE PRESTIGIOUS EUROPEAN PHILIPPINES INTERNATIONAL FILM FESTIVAL IN ITALY....

RIHARD WINS ANOTHER BEST ACTOR VICTORY, THIS TIME AT THE EPIFF.
RICHARD WITH FELLOW FILIPINO WINNERS AT THE EPIFF.


RICHARD WITH HIS MOM AND FELLOW WINNERS AT THE EPIFF




They always say that, when it rains, IT POURS. AND SOMEONE WHO'S BEEN GIVEN A LOT AND BLESSED MORE, GREAT MORE THINGS WILL BE ADDED MORE UPON HIM.

Just like to the case of one actor named RICHARD QUAN. Because of his inept goodness and generosity, good KARMA always brings him more luck and more added blessings in life.

And what more could be a good blessing but to win more recognition and victories, that, of being a Best Actor, not just here in the Philippines but also in international film festivals abroad.

After winning last year and this year also at two respective independent film festivals as Best Supporting Actor (at the TOFARM FILM FESTIVAL FOR THE FILM "1957"), and Best Actor (at Singkuwentro Film Festival early this year for the film "Kapayapaan Sa Gitna ng Digmaan"). This time around, Richard wins again- at the EPIFF (European Philippines International Film Festival) held in Florence, Italy. It happened last May 19 at Cinema Alfere in Florence, Italy.

"It was a very simple and cozy award-giving ceremony", Richard told a blogger over a cellphone conversation. "But I felt so touched and honored when I received the golden plaque of honor, winning the Best Actor. It's my very first international award. And surely, I will cherish it forever."

And this gave Richard another UPWARD turn and feeling. It inspired him more as an actor.

"I will be more positive now in my work as an actor and not to fail people's expectations", Richard quipped. "I could feel they will be asking for more expectations and demands. Kaya ninenerbyos ako sa mga susunod na gagawin ko. Yet, it challenges me more."

That's it. A good person, a very caring one, too, simply deserves all the BEST.

May your tribe increase, Richard Quan.



(written by robert manuguid silverio)

THANKS FOR THE PHOTOS, MR. NELSON MALGAPO, JR., TAKEN AT MR. QUAN'S FB WALL.***

RICHARD WINS AGAIN FOR "KAPAYAPAAN SA GITNA NG DIGMAAN"






RICHARD WITH CO-WINNERS INSIDE THE PLANE BOUND FOR ITALY.


SANA, LANCE RAYMUNDO, SANA....

LANCE RAYMUNDO PERFORMS SANA AT NET 25'S "LETTERS AND MUSIC"

"Sana, Lance Raymundo, Sana...

Nu'ng ang mundo ay bata pa...

At ang kaliksan ay maayos pa...

Mga luntiang puno't mga halaman...

Mga bulubunduking makakapal pa,

At ang puso ay busilak pa.

Sa pagmamahal, sapat na para mabuhay pa...

pero sana na lang 

iyon.

At ayos na rin-

kung sa pangarap na lang babalikan

Ang aking

Nakaraan."



NET 25'S CESAR IAN BATINGAL AND LANCE RAYMUNDO

LANCE WEARING AN "OBRA NI JUAN" BARONG TAGALOG



LANCE WEARING A "SPRINTO" SUNGLASSES


SANA. Ito bale ang magiging ikatlong single ni Lance Raymundo para sa Viva records. Malapit nang i-release. Lahat ay plantsado na. Inaayos na lamang ang mga schedules ng promo and other activities na makaalinsabay ng bagong awiting ito ni Lance na siya din mismo ang nag-compose.

Unang inawit ito ni Lance sa isang konsiyerto niya sa Historia Bar kamakailan lamang. Nasaksihan iyon ng mga Media members ng TEAM (THE ENTERTAINMENT ARTS MEDIA) press group. Pagkatapos nu'n, nu'ng mag-guest siya sa Letters & Music ng Net 25, muling inawit ni Lance ang awiting SANA.

Maganda, masaya, very upbeat ang mood ng awiting SANA. Tiyak na magugustuhan ng masa. May recall ang kanta, at tiyak na another hit song ito sa Viva Records sa oras na mai-release na very soon.

Indeed, Lance made a big comeback as a singer this second time around. Since last year, sunod-sunod na ang mga naging concerts niya. Walang humpay. masyado talaga siyang in-demand these days.

Abangan ang mga magiging promo skeds ni Lance sa awiting SANA. And very soon, nasa Spotify na rin ito.

Break a leg, Papa Lance!!!





(sinulat ni Robert Manuguid Silverio).*


RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...