SI DIREK JOSE JEFFREY, SA PAGDALOY NG PANAHON, PATULOY PA RING UMIIGTING ANG MGA DAMDAMIN PARA SA SINING NG PAGTATANGHAL....

JOSE JEFFREY CAMANAG: THE SOUL, THE ARTIST, THE HEART.



Si direk Jose Jeffrey, sa pagdaloy ng panahon, patuloy pa ring umiigting ang mga damdamin para sa Sining ng Pagtatanghal...

Dahil naririto ang kanyang puso, dito dumadaloy ang kanyang mga dugo

Dito rin siya umibig, dito rin siya nasaktan...

Dito siya nabigo, pero dito rin muling tumayo...

Ang Sining ng Pagtatanghal, oo, ang Sining ng Pagtatanghal...

Sari-saring Sining man ang iyong nakikita, nadarama, nalalasahan...

Isang kakaibang uri pa rin ng Sining ang pang-habambuhay na yayakapin ni direk Jeffrey...

Isang Sining na mula mismo sa kanyang puso, kaluluwa, kailaliman ng kanyang pagkatao...


EL FILI mula sa gantimpala Theater Foundation

DAAN NG KRUS mula sa Teatro Mensaheros

NOLI, THE OPERA, mula sa JS Productions....


Mga makatuturang pagtatanghal mula sa mga klasikong likha...

Nakapaglalahad, nakapagtututo, nakapag-papahamon...

Mga dulang naging direktor at co-director si direk Jeffrey.


"Ito na nga siguro ang mundo at buhay ko, wala nang iba pa", nasabi pa minsan ni direk Jeffrey. "Kami ng kapatid kong si Roeder, ito na ang inakap naming mundo nuon pa man. At masaya kaming pareho dito."


Muli nating saksihan ang eksekusyon, galing, kaayusan, kagandahan-

ng pagdidirek ni direk Jose Jeffrey Camanag, kasama pa ang visionary director na si Jerry Sibal

Sa Operang tunay namang klasiko: ang NOLI, THE OPERA.

Bilang co-director, muling binigyang buhay ni direk Jose Jeffrey ang mga kaluluwang nasa loob ng nobelang Noli me Tangere....

At ang kaluluwa na rin ng ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal, kasama pa ang mga kaluluwa ng dalawang National Artists na sina Felipe Padilla de Leon at Guillermo Tolentino.



Habang dumadaloy ang tubig sa batis man o sa dagat

Habang ang mga bulaklak ay patuloy na aamuyin at iaaalay

Habang ang mundo'y tahimik pa-



Tara na.

Paigtingin pa rin natin ang damdamin ng isang artistikong nilalang.

Si direk Jose Jeffrey Camanag-



MAGPAKAILANMAN.




(sinulat ni robert manuguid silverio)


The smash-hit “Noli Me Tangere, The Opera” returns to the Cultural Center of the Philippines' (CCP) main theatre for a strictly limited engagement: June 21-June 23, 2019, at 2 p.m., and June 22, 2019, at 8 p.m. (4 Performances Only!)

Book your tickets today: J&S Productions Inc. 0915 593 4777, 0947 168 1714; CCP Box Office 02 832 3704/06, or TicketWorld 02 891 9999.
Ticket Prices: Orchestra Center/Parterre Box - P2,800; Orchestra Side/Lower Box - P2,300; Balcony 1 Center - P1,400; Balcony I Side/Upper Box - P1,200, and Balcony II Center & Side – P900
25% off for students and 20% off for seniors, PWDs, government employees, and the military. Pls present a valid ID card.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...