EXTENDED SUMMER ADVENTURES FOR LANCE RAYMUNDO....

LANCE IN BORA

LANCE IN BORACAY

LANCE IN BORA

LNCE IN BORACAY

LANCE IN BORACAY

LANCE IN BORACAY

LANCE IN BORACAY

Dahil medyo maluwag-luwag ang skeds ni Papa Lance Raymundo lately, naisingit niya ang kayang extended summer adventures sa Boracay at kasunod naman nito, sa Morong, Bataan.

More than a week ago nagpunta si Lance sa isla ng Boracay kasama ang ilang mga kaibigan. Sobra todong fun, swimming and bar-hopping ang ginawa ni Lance kasama ang mga friends niya sa Boracay.

After nu'n, Lance needed to go back home na dahil nag-birthday naman (last June 19) ang mom niyang si mrs. Nina Zaldua-Raymundo and the whole family must be there sa isang exclusive dinner for the whole family sa isang sosyal na venue.

Good news came right after naman, dahil  ang awitin ni Lance na "The Feelin' Is Fine" ay nasa Top 11 ng Weekly Top 16 ng Madhouse Music. 

Pero hindi pa diyan natapos ang extended summer adventures ni Lance dahil ang pinka-latest na activity naman niya ay nagpunta siya, kasama ang tropa niya sa Gold's Gym, sa Morong, Bataan for a much-needed swimming and bonding there sa mga kapwa niya fitness enthusiasts.

As of press time, hindi pa rin mai-reveal ni Lance ang details ukol sa upcoming film projects niya at singing engagements from Viva Records. Pero for sure, bumubuwelo lang si Lance dahil nkatambak na ang mga gawaing nakalaan para sa kanya.

See u soon, Lance!



(snulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS COURTESY OF LANCE RAYMUNDO'S FB PAGE

LANCE WITH FRIENDS IN MORONG, BATAAN

LANCE WITH FRIENDS IN MORONG, BATAAN

LNCE WITH FRIENDS IN MORONG, BATAAN


ISANG PAYAPANG DAIGDIG PARA KAY DR. JOSE RIZAL (isang rebyu sa TDR ng "Noli me Tangere, The Opera", AT MGA LARAWANG KUHA NI MR. DENNIS SEBASTIAN)....



Minsan, may isang maliit na gamu-gamo ang umali-aligid sa loob ng ilaw ng isang munting lampara, Ninasa niyang makamtan at maakap ng buong-buo ang liwanag. Natakot siya sa kadiliman. Maliit man ang gamu-gamo na iyon, buong tapang naman niyang hinarap ang init ng kaliwanagan. Napaso man siya o nasunog dahil sa tindi ng liwanag at init, nakamtan naman niya ang mga kasagutan.

Isang payapang daigdig lamang ang hiniling ng ating Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal. Pero hindi ito naibigay sa kanya nu'ng nabubuhay pa siya. Nangarap siya ng isang payapang Pilipinas at tahimik na Rebolusyon. Pinigilan niya ang mga tabak, espada at itak. Pero ang lahat ng mga ito, hindi sumang-ayon sa kagustuhan niya. At siya ang nagsakripisyo, kasama pa ang ilang matatapang din na mga Pilipino para sa kalayaan ng Pilipinas sa mapang-lait na pananakop ng Espanya.

Sa klasikong Opera na pinamagatang "Noli Me Tangere, The Opera", hindi naging kailanman payapa ang daigdig. Napakasakit din ng naging pagtatapos sa halos lahat ng mga karakter sa dulang ito na naisalin sa Opera maraming mga taon na ang nakakaraan. Nilapatan ng Musika ni Felipe Padilla de Leon at ang Libretto naman ay sinulat ni Guillermo Tolentino. Kapwa sila mga National Artists ng bansang Pilipinas, at si Felipe Padilla de Leon din ang siyang lumikha ng Musika ng klasikong Pamaskong Kanta na pinamagatang Payapang Daigdig.

Ang apoy na sumunog sa katawan nina Elias at Sisa, ang siya ring apoy na magtatagal sa bawat puso, kaluluwa at damdamin ng bawat Pilipino. Ang apoy na sinilaban ng batang si Basilio, at ang apoy rin na nilikha ng matapang na diwa ng Crisostomo Ibarra- ito ang apoy na magsisiklab ng patuloy-tuloy.

Habang ang bawat Pilipino'y naapi. Habang ang bawat Pilipino'y pinapatay. Habang ang bawat Pilipino'y inaagawan ng yaman na nararapat lamang na sa KANILA.

Si Ivan Nerry bilang si Crisostomo Ibarra ay kakaiba, hindi iyong ordinaryong Ibarra na maliit at makisig, kundi ang Ibarra na matangkad at punong-puno ng matapang na karakter. Nagustuhan namin ang Ibarra na ito dahil bago sa aming paningin at nakuha naman niya ang tunay na mensahe ng karakter na kanyang ginampanan.

Si Bianca Lopez bilang si Maria Clara ay may napakagandang tinig na hindi sumisigaw kundi nakikiusap at nagmamahal. Magaling siya, kung tutuusin.

Si Ginoong Joseleo Logdat bilang si Elias ay tamang-tama lamang ang timpla at napakagaling din. Kay sarap niyang pakinggan kapag kumakanta na.

Pero ang higit na nakakabilib sa TDR ng Noli me Tangere, The Opera ay si Bernadette Mamauag na gumanap na Sisa. Nakakapanindig-balahibo ang kanyang naging pagganap.

Kahanga-hanga din ang naging pagganap ni Miguel Suarez, ang batang aktor na gumanap bilang Basilio. Kuhang-kuha ng emosyon ng kanyang mukha ang tunay na damdamin ng batang si Basilio.


****************   *************   ************


Sobrang napakaganda ng dulang NOLI ME TANGERE, THE OPERA. Nangunguna na ang Set Design and Creative Vision ni Jerry Sibal, kasama na ang kanyang direksyon.

Sa mga eksekusyon, perpektong stage blockings, galing ng mga artistang nagsiganap, at sa presentasyong pang-kabuuan, dapat ikredito si Ginoong Jose Jeffrey Camanag, ang co-director ng dula.

Ang Costume Design naman ni Albert Figueras, ay makatotohanan, awtentiko at makapangyarihan ang dating. Maganda, magandang-maganda.

Ang Ilaw na Pang-direksyon ni Dennis Marasigan ay may tamang timpla. Maayos, makulay, malinaw. Nakiayon ang mga ilaw na iyon sa isang lumang larawan ng Pilipinas.


************** ************ ***********

"Isang napakalungkot na pagtatapos", nasabi pa ng social media influencer na si Dennis Sebastian pagkatapos niyang mapanood ang kabuuan ng dulang NOLI ME TANGERE, THE OPERA.

Pero sa isang malungkot na pagtatapos, ang kapayapaan ay saglit iiral.

Sa pagsasakripisyo ng kani-kanilang buhay, ang kapayapaan ay saglit ding madarama.

Isang payapang daigdig para kay Dr. Jose Rizal.

Yun lang po ang hiniling niya.


At sana,

'yun din ang maibigay natin.

Sa lahat ng mga Pilipinong nag-alay ng kani-kanilang mga dugo at pawis.

para makamtan



ang payapang daigdig.



MAGPAKAILANMAN.






(sinulat ni robert manuguid silverio)


(MULA SA KALIWA: BLOGGER ROBERT SILVERIO, ACTOR JAPOY DONES AND MR. DENNIS T. SEBASTIAN)
MGA LITRATO AY EKSKLUSIBONG MGA KUHA SA DULANG "NOLI ME TANGERE, THE OPERA" AT PAG-AARI NI MR. DENNIS T. SEBASTIAN.**















LANCE RAYMUNDO: PANAY ANG ENSAYO SA GOLD'S GYM....

lance: developing more as an actor
lance with family members at his last birthday bash

personal trainer culver padilla and lance: teamwork

lance in a barong tagalog by OBRA NI JUAN garments

lance and his LIVE WELL diet


Ngayon pa lang, puspusan na talaga ang paghahanda ni Lance Raymundo para sa gagawin niyang pelikula soon. Kaya lamang, as of presstime, hindi pa dapat maisulat ang mga details ukol sa bagong pelikulang gagawin ni Lance. Basta ang mahalaga ngayon, mas lalong pinag-iigihan ni Lance ang regular na page-ensayo niya sa pinakasikat na physical fitness gym sa bansa- ang Gold's Gym.

"Lahat ng nakikita nilang developments sa physical form and attributes ko, resulta iyan ng tiyaga at sipag ng aking Fitness Coach na si Culver Padilla", sabi ni Lance. "And of course, the whole team at Gold's Gym, kaya I can say that it's a great team effort rin. And also, malaki rin ang naitulong ng diet ko sa Live Well Meals na all veggies recipes. And you must be consistent sa pagdyi-gym, pati na rin sa pagda-diet.

"On my part, it's all discipline and determination at the same time", dugtong na sabi ni Lance. "As I've said before in my past interviews with media people, it's the responsibility sa aming mga actors ang pangalagaan ang aming mga pangangatawan. We're always in front of the cameras, you see,  being photographed at and being idolized by the fans and followers of us. So, kailangang maging responsable din kami sa aming mga sarili."

Right now, napakaganda ng feedback sa bagong kanta ni Lance na ang pamagat ay SANA. Marami na ang nagre-request na mai-download ito. Kaya sa tuwina, nagugulat talaga si Lance and it made him feel more inspired to write and compose another song at once, very soon.

"Ang lyricist ng kantang Sana, is Mr. Eric Arboleda", kuwento pa ni Lance. "Nilagyan ko ito ng melody and I made the music kinda' more  upbeat and positive, 'yun bang hindi masyadong malungkot or gloomy. Kasi, it deals with friendship and love, eh. I thought, lagi na lang malungkot kapag ganu'n ang lyrics, that's why I changed the mood this time.

"Si Eric Arboleda, siya rin ang lyricist ng unang-unang hit song noon ng brother kong si Rannie Raymundo na ang pamagat ng kantang 'yun ay Hanggang Kailan. Now, siya naman din ngayon ang sumulat ng lyrics nitong new song kong Sana."

Kamakailan lang ay nagdaos ng birthday si Lance (last June 4.---rms.*) with a simple dinner bonding with his family members. Sobrang dami ng mga taong bumati sa kanyang Facebook Timeline wall. Which only means na talagang well-loved as a person si Lance.

"I thank them all for their very wonderful greetings", pagtatapos na wika ni Lance. "Sobrang nakakataba ng puso ko na malaman na marami ang nagmamahal sa akin. Kaya I do promise myself to give back all the love and support they're giving  to me."

Truly, everybody loves you, Mr. Lance Raymundo.





(sinulat ni robert manuguid silverio)


PARANORMAL EXPERT ZERNAN MATAYA GOES BACK TO ACTING, AND CONQUERS MODELLING....




It's been a while since Paranormal Expert Zernan Mataya acted in front of the cameras. Not so many years back, he appeared already in some indie films and became an assistant for veteran scriptwriter Ricky Lee. He met a lot of showbiz personalities back then. But since he's got other things in mind at that time, he decided to pursue other fields- and a lot more wider horizons.

Just early this year, Zernan co-authored and designed a coffee table book entitled AT YOUR SERVICE, wherein his great Photography shots was all throughout the book, as captured the great many tourist spots and scenery all-over the Philippines.

To add upon this, his "powers" as a great Paranormal Expert could be felt and seen on his Facebook accounts. He frequently sees ghosts and spirits, sometimes, angels, too- and he could communicate with them. And lately, Zernan has been receiving "signs" of an impending catastrophe like earthquakes and tsunamis. If you follow him on his FB and other social networking accounts, you would see his reliability on predictions which were accurate and factual.

And now, Zernan seemed to miss the acting field. He's currently taping now a TV teleserye wherein he had to shave his titillating beard. His character on that TV teleserye seemed to be a little wholesome and nice, but Zernan won't reveal it yet and even the title of his new TV teleserye, as requested upon by the people involved in the production.

But hey, something more surprising came. Just recently, Zernan had a ramp modelling stint for a certain brand of garments. He was fantastic. Absolutely fabulous, as he walked like a true model along the stage and aisle, oh, my. Grabe talaga! Just look at the photos accompanying this article. Surely, you would know.

More power and more to come, Mr. Zernan Mataya!





(words by robert manuguid silverio)
PHOTOS, COURTESY OF MR. ZERNAN MATAYA (grabbed from his FB wall without any authorization).*









LOVING LANCE (A SPECIAL BIRTHDAY BLOG TRIBUTE TO LANCE RAYMUNDO)....



He came in my life so unexpectedly,

It was, as if, a God-given grace to be his friend, not just a celebrity whom I regularly interview and meet for lunch or dinner

And through the years of me knowing this very special person in my life,

I grew up, I became happier, more confident, more self-assured.

And to think, he's a lot younger than me, yet, I was the one learning from him, me changing for the better because of him....

He never hesitated to help me in times of emergencies and sorrows

He was always there, lending his hand

Lifting me up

Trying to put out the very best in me...

Like a mighty man with a Shining Armour,

Lance, like Lancelot in King Arthur's era- brave, strong, masculine, powerful.

Yes, Lance. My hero. My friend. My celebrity.

THAT'S WHY, LOVING LANCE WAS NEVER A HARD THING TO DO.
LOVING LANCE IS ONE OF THE GREATEST GIFTS OF GOD TO ME.


In the years to come,  I know.

Me and Lance will forever be friends.

As he will continue to share his life and his world as a celebrity to me-

As I believe, he will be accomplishing more greater tasks

In this second life that God has given to him after his accident a few years back...

There's a mission to fulfill.

And I am so proud and happy-

to be his friend



now

and






FOREVERMORE.


HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, LANCE RAYMUNDO!!!


from your friend,
ROBERT MANUGUID SILVERIO






RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...