Huwag naman po sanang bigyan ng malisya ng iba ang titulo ng aming artikulo. Hindi porke't sweet sa isa't-isa ngayon ang mga Broadway stars na sin Lea Salonga at Gerald Santos, eh, may ibig nang sabihin 'yun. Sa mga makikitid ang pag-iisip diyan, hindi po kami gumagawa ng tsismis! The title simply suggests na sweet sa isa't-isa ngayon sina Lea at Gerald dahil pareho silang nakasama sa hit musical Broadway play na Miss Saigon, and with that reason alone, 'yung friendship nila ay mas nagkaroon ng iba't-ibang kulay.
Lea looks at Gerald as a younger brother and younger colleague also in the singing profession. At ang paghanga nila sa isa't-isa bilang magagaling na performers ang siyang naging dahilan kung bakit tunay naman silang sweet na sweet talaga sa isa't-isa. Hindi ba, Oliver Oliveros?
Sa totoo lang kasi, marami ngayon ang nakakapuna ng pagiging sweet sa isa't-isa nina Gerald at Lea. Hindi na maikukubli o made-deny pa iyon. Kalimitan kasi, mga media people na ang nakakapuna.
"It's an honor on my part na maging sweet po sa akin si Lea", very humble namang nabanggit ni Gerald sa isang blogger. "She's like an elder sister to me who supports me, boosts me up, lifts me up and cheers me up. She also writes me beautiful notes every now and then that further inspires me to do my best. Ang sarap palang maging ka-close at kaibigan ang isang Lea Salonga!"
Sa mga taong hindi pa kasi nakakaalam, si Lea ay gumanap na Kim sa Miss Saigon ng kung ilang taon, at si Gerald naman ay Thuy sa last previous years ng Miss Saigon UK Tour. Pareho nang recognized international Broadway talents ang dalawang ito.
And the good news is, magkakasama na for the first time sina Gerald at Lea sa dulang Sweeney Todd ng Atlantis Theatrical. Sa buwan ng Oktubre itatanghal ang dula sa Solaire Theater. In-announce na formally ng mga taga-Atlantis Theatrical ang balitang ito at tunay na marami ang nalugod at nasiyahan.
"How cool is that! I will be working with Lea Salonga in this play, and Lea is one of my inspirations talaga sa career ko", nasabi pa ni Gerald. "Sobrang challenge ulit ito sa akin. Tiyak niyan, na bukod sa challenges, I will also be very happy working with Lea and the rest of the cast and staff of Sweeney Todd."
Masasabi ni Gerald, ang pagganap bilang Anthony Hope sa dulang Sweeney Todd ang magsisilbing biggest theater role niya to date sa bansang Pilipinas.
"Kakaiba kasi ang papel na iyon, dahil ang dulang Sweeney Todd ay isang Tony-award-winning play", huling sabi ni Gerald. "I simply promise to give all my best. Ayokong mag-fail ang napakataas nilang expectations nila sa akin ngayon."
Isa pa lamang ito sa magagandang pangyayari na maganap kay Gerald. Definitely, more to come .... SOON!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento