morris with his director at "el filibusterismo"- direk jeffrey camanag |
morris in a glamour shot |
morris outside an acting field |
morris sevilla at work being an actor |
morris in an adventure |
Napakahalaga ng papel na ginampanan ng batang si Basilio sa nobelang Noli Me Tangere at sa dulang Kanser ng Gantimpala Theater Foundation. Kasi, si Basilio ang simbolo ng bawat kabataang Pilipino, at sa mga palad nila nakasalalalay ang kinabukasan ng isang bayan.
Kaya naman sa nobelang El Filibusterismo, na ginawang isang dula sa Gantimpala Theater Foundation, marami ang nananabik na makita muli si Basilio sa pagpapatuloy ng isang makasaysayang istorya na nauukol sa kadakilaan ng isang bayan. Hindi namatay si Basilio sa dulang El Filibusterismo, bagkus, patuloy siyang lumaban at humarap sa buhay.
At, sa dulang EL FILIBUSTERISMO ng Gantimpala Theater Foundation, sa aktor na si Morris Sevilla naisa-alang-alang ang sensitibong papel.
"Ilang pagkakataon ko na rin pong ginagampanan ang papel na ito", bungad na wika ni Morris sa isang biglaang panayam. "Pero habang patuloy kong ginagampanan ito, mas lalong umiigting 'yung passion ko sa character na Basilio. Mas lalong tumitindi ang init ng pagganap ko. Hindi po ako nagsasawa."
Actually matagal-tagal na rin palang aktor sa Teatro itong si Morris. Napaka-'low key' lang kasi niya, kung tutuusin. Maski sa personal, kapag makita mo siya sakali, hindi mo iisiping datihan na siya dahil masyado siyang simple, tahimik na nasa isang sulok lang, walang ere, banayad kung kumilos.
Kunsabagay, ganyan naman talaga ang mga beterano nang mga artista. Habang dumadaloy ang panahon, mas lalo silang nagiging mapagkumbaba.
"Nakalabas na ako sa lahat ng 4-Classics play ng Gantimpala Theater Foundation", dagdag na wika ni Morris. "Sa Ibong Adarna, Kanser at Florante at Laura. Outside GTF, lumabas na rin ako sa mga dulang Beauty & The Beast, Binondo The Musical, at iba pang mga dula sa Tanghalang Sta. Ana.
'Halos sa Teatro na po nakaukol ang buong buhay ko", dugtong na sabi pa ni Morris. "Hindi ko ito ipagpapalit sa anumang iba pang mga karera sa buhay. Ito na talaga ang napili kong propesyon na aakapin ko't mamahalin habang buhay."
Hindi naman nagsisisi si Morris na ang pag-arte ang napili niyang propesyon dahil ito naman ang gusto niya gawin talaga. Buti na lamang, kahit papa'no, may mga iba pang mga 'raket' sa telebisyon si Morris na nagpapa-sustain sa economic needs niya. Lumalabas din kasi siya sa mga teleseryesng tulad ng Ang Probinsyano, Pepito Manaloto, Ika-Anim Na Utos, at iba pang mga past TV guestings.
"Kung walang ginagawa sa Teatro, sa TV naman ako lumalabas bilang isang supporting actor", wika pa ni Morris. "Basta seryoso at dedikado ka naman sa mga gawain mo, nakikita 'yun ng Diyos at pagpapalain ka Niya."
Huling tanong kay Morris, gaano ba kahalaga ang El Filibusterismo na nobela at dula sa puso ng bawat Pilipino?
"Sadya pong mahalaga na matuklasan natin ang mga tunay na mga pangyayari sa lipunan", huling sambit ni Morris. "Dito natin kasi higit na makikilala ang mga sarili natin, eh. Ipag-ibayuhin pa natin ang pagtuklas sa pagka-Pilipino natin, hindi malayong marating din natin ang tunay na nasa ng damdamin at kaisipan nating lahat."
Very well said, Morris.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Naks!
TumugonBurahin