PAUL JAKE PAULE: DIRECTS A DARK PLAY |
paul jake: performs as kabesang tales in "el filibusterismo" |
paul jake: deep, profound, magnificent |
Unahin na muna nating talakayin ang isang dulang ididirek ni Paul Jake Paule para sa Artist Playground na magkakaroon na ng pagtatanghal sa darating na Oktubre 26 at 27 sa Arts Above Building sa may West Avenue, Q.C. Ang dulang iyon ay biglaang ginawa nina Paul Jake para sa mga interns ng College of the Holy Spirit, isang dulang tumatalakay sa mga relevant issues ngayon ng lipunan- na sadyang "Nakakapagpabagabag" na.
Mga isyung tulad ng suicide, mental health, Sogie Bill, drugs, traffic, depression, at iba pa. Kaya nga ang pamagat ng dula ay: NAKAKAPAGPABAGABAG.
"Wala na sana kaming gagawing bagong dula hanggang sa pagtatapos ng taon dito sa Artist Playground, kaso po, dumating itong offer para sa mga interns ng College of the Holy Spirit, so we created this project for them", bungad na sabi ni Paul Jake sa isang script-reading ng isa pa niyang dula para sa Gantimpala Theater. "Kakaiba po ang gagawin naming attack sa dulang ito, very presentational. Kasi, the actors will speak directly to the audience. Parang kausap lang nila ang mga manonood while they deliver their dark monologues all throughout the play.
"Isa itong advocacy play", dagdag na sabi pa ni Paul Jake. "At isa mga tatalakayin namin dito ay ang iba't-ibang opinyon ng mga tao sa SOGIE BILL na naging kontrobersyal lately dahil sa pro's and con's na mga opinyon. Tatalakayin din dito ang mental health awareness, drugs, AIDS at ang suicide. Ginagawa namin ito para ma-aware ang mga tao at makaiwas sa masasamang dulot ng mga maling persepyon ng mga tao ukol sa mga issues na iyon."
Para ma-set pa ni Paul Jake ng husto ang 'proper mood' sa dark play na Nakakapagpabagabag, maglalagay siya ng mga actual videos na naging viral talaga ukol sa mga issues na nabanggit. Hindi ba, napaka-realistic tlaga ng approach niya?
"Mapi-feel nila ang chaos, ang reality", sabi pa ni Paul Jake. "It's really a dark play to end with, at may kakaibang house music din kaming ilalagay para mas madama nila. Panoorin nila ang play at marami silang matututunan."
Sa totoo lang, ilang beses na kaming pinahanga nitong si Paul Jake pagdating sa pagdidirek. Napakalalim kasi ng mga approaches niya sa bawat bagay at kamangha-manghang at a young age, tipong napakalawak din ng tingin niya sa mga bagay-bagay- mapa-Supernatural man ito o hindi.
Samantala, sa pagiging aktor naman ni Paul Jake, abala na din siya ngayon sa rehearsals ng dulang EL FILIBUSTERISMO, ang Season-Ender na play taon-taon sa Gantimpala Theater Foundation.
"Ako ang gumaganap na Kabesang Tales sa dulang El Filibusterismo", pagsasaad ni Paul Jake. "Si Kabesang Tales ay para bagang counterpart ni Elias sa dulang Kanser na basically ay rebellious, matapang at lumalaban para sa bayan. Isa rin siyang tragic character sa dula, dahil biktima siya ng land-grabbing nuong panahon ng Kastila.
"Si Kabesang Tales din, nagre-represent sa bawat lalaking Pilipino na may pamilya at nagmamahal sa pamilya", pagtatapos pa niyang sabi. "Kaya I am sure, marami ang mag-emphatize sa akin sa character na ito. Pang-apat na pagkakataon ko nang gagampanan ang papel na Kabesang Tales, at kada taon, mas lalo kong pinaghuhusayan na gampanan ang papel na yon."
Isang aktor at isa ring direktor. Iyan si Paul Jake Paule. Tunay na ipagmamalaki ng bawat alagad ng Sining!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento