roeder: "it's hard to portray Simoun" |
blood brothers: jeffrey and roeder |
roeder: a passionate soul |
roeder: lucky to play LARGER THAN LIFE characters in a play |
roeder as Simoun |
Pang-labing-dalawang taon na palang nagpe-perform ngayon si Roeder Camanag bilang si Simoun sa dulang EL FILIBUSTERISMO. At para sa kanya, naging signature character na niya si Simoun, kasama ang Panginoong Hesukristo, na halos taon-taon din niyang ginagampanan sa Senakulong Daan Ng krus.
"Both are different roles and characters to pull-off", bungad na sabi ni Roeder sa isang panayam. "Totally different, I must say. Pero tunay namang isang malaking karangalan para sa isang tulad kong aktor sa Teatro na gampanan ang dalawang mga karakter na ito whom I consider as both Larger Than Life. Mapalad ako, dahil nagiging ako sila sa ilang mga pagkakataon kapag ginagampanan ko na sila sa entablado."
Pero mag-focus tayo this time muna sa karakter na Simoun (na siya ring si Don Crisostomo Ibarra, at ayon sa mga historians at scholars, walang iba kundi si Dr. Jose Rizal din). Gaano ba kahirap para kay Roeder na gampanan ang karakter na ito sa dulang EL FILIBUSTERISMO?
"Nu'ng una kong gampanan ang karakter na Simoun, ang yumao kong kaibigan na si direk Soxy Topacio pa ang direktor nuon ng El Filibusterismo", pagbabalik-tanaw ni Roeder. "That was, I think, year 2006 pa yata? Pero naging regular ko na siyang nagampanan every year nu'ng idirek na siya ng younger brother kong si Jeffrey since the year 2010.
"Actually, playing Simoun is really hard", pagpapatuloy niyang sabi. "Kasi, to put-up an incognito and a rather intriguing and anonymous character, and perform it on stage, kailangan mo ng maraming methods and forms. Isa kasi 'yun sa mga play-ups ng character na ginagampanan mo, eh.
"Simoun is a manipulator, more than anything else", anya pa. "And to perform a character na naka-shades all throughout the play at hindi makikita 'yung emotions ng mga mata, sadyang mahirap. Tapos, naka-ash blonde na wig ka pa at naka-hat ka pa. Feeling mo, nao-overpower ka ng costume mo keysa sa pagiging aktor mo.
"Pero nandu'n ang struggle, eh. Nandu'n ang challenge. Hindi man nakikita ang mga mata ko habang umaarte, ang ginagawa ko naman, pinapakilos ko ang iba pang mga parte ng katawan ko, tulad ng mga kamay ko at mga paa ko. 'Yun na lang halos ang umaarte. Hahahaha!", sabay tawa pa ni Roeder, na para sa isang blogger, ay napaka-effective sa paggamit ng method acting sa bawat dulang nilalabasan niya.
Naikuwento tuloy namin ng di-oras kay Roeder 'yung opinion ng isang blogger na nakapanood kay Donya Victorina (na ginampanan ng seasoned and veteran actress na si Ms. Sarah March sa dulang KANSER 2019 ni direk Frannie Zamora) na hindi raw nito makita ang emosyon sa mga mukha ni Donya Victorina habang umaarte dahil sa kakapalan ng make-up sa mukha. Hindi katulad sa Hollywood film na Joker, maski makapal ang makeup doon ng bidang aktor ay napansin pa rin ang emotions sa mukha nito dahil kapag Cinema, tight ang 'close-ups' at munting kibot lang sa mukha, napapansin na. Hindi katulad sa Teatro na malayo sila sa mga tao kaya kailangang mag-exaggerate ng movements sa mukha. Agree ba si Roeder dito?
"Opo, Sir Robert, agree ako diyan", sagot ni Roeder. "I really know that. Kaya nga what I do, ipinakikita ko minsan ang mga mata ko sa mga tao, niluluwagan ko ang shades ko sa mga mata, para makita nila ang emotions sa mukha ko. Ang hindi ko lang talaga maiaalis ay 'yung ash blonde week ko na trademark na talaga sa Simoun character."
Kasi nga, si Simoun ang unang Vice Ganda na laging nakasuot ng blonde wig! Hahahaha!
Pero may nais pang iklaro si Roeder sa madla:
"El Filibusterismo is a love story more than Kanser!", sabi pa ni Roeder. "Mas matindi ang pagka-love story effect ng El Fili keysa sa Noli Me Tangere. Kasi dito makikita ang tunay na hinagpis ng mga taong umiibig at nagmamahal. Basta panoorin nalamng nila ang dula, at doon nila malalaman na mas love story ang plot ng El Fili keysa sa Kanser."
Paboritong mga eksena ni Roder sa dulang EL FILIBUSTERISMO ang gubat scenes nila ni Basilio, at ang ending scene ng dula na kung saan ay nalaman ni Simoun na patay na si Maria Clara.
Pagdating naman sa kapatid niyang si direk Jeffrey Camanag, heto naman ang masasabi ni Roeder:
"Nag-mature na kami pareho as years went by", pagtatapos na wika ni Roeder. "Naunawaan na namin ngayon na pareho kaming artists kaya nagbibigayan na kami ng ideas. Hindi na rin kami madalas na magtalo na 'di tulad noon. Basta ang mahalaga, maibigay namin ang the best sa bawat dulang gagawin namin. 'Yun lang at wala nang iba pa."
Korek ka diyan, Roeder.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento