ISANG PAGYUKO KAY JOE GRUTA: ANG BETERANONG AKTOR SA TEATRO AT PELIKULA


joe gruta as padre florentino

joe gruta: a living TREASURE in theater acting

JOE GRUTA: A VERY HUMBLE ACTOR

JOE GRUTA IN HIS YOUNGER YEARS

mr. joe gruta with co-actor roeder camanag in a scene from the play "el filibusterismo"

Kung sino man ang tunay na orihinal at antigo sa dulang EL FILIBUSTERISMO (ng Gantimpala Theater Foundation, na hango sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal), siya ay walang iba kundi ang beteranong aktor na si Joe Gruta.

Naka-ilang palit na ng direktor ang dulang EL FILIBUSTERISMO in a span of more than 10 years, pero hayan at nanatili pa rin si Joe Gruta sa pagganap sa dulang iyon, sa papel na Padre Florentino.

Isang pagpupugay, matinding respeto, pagsasa-alang-alang at pagmamahal ang ibinigay sa kanya ng mga taga-Gantimpala Theater Foundation dahil hindi siya pinapalitan sa pagganap sa papel na Padre Florentino, maski ba ilang direktor na ang humawak ng dula, siya pa rin ang inilalagay sa papel na iyon.

ISANG PAGYUKO SA ISANG DAKILAT AT BETERANONG AKTOR- SI MR. JOE GRUTA.

"Nagsimula akong gampanan ang papel na iyon nu'ng itanghal ang dulang El Filibusterismo sa Metropolitan Theater, maraming taon na ang nakakaraan", bungad na sabi ni Mr. Joe Gruta sa isang panayam. "At magmula noon, maski ba naka-ilang direktor na akong pumailalim sa dulang ito, ay ako pa rin ang kinukuha nila palagi at walang palya para gampanan ang papel na Padre Florentino.

"Ang unang-unang naging direktor ko sa El Filibusterismo ay ang mismong Founder ng Gantimpala na yumao na, walang iba kundi si Tony Espejo", pagpapatuloy na sabi ni Joe Gruta. "Tapos, naging sina Spanky Manikan, Dindo Angeles, Roobak Valle, at ngayon, si Jose Jeffrey Camanag. Kaya tunay namang nakakataba na puso ang pagpapahalagang ibinibigay pa rin nila sa akin magpasa-hanggang ngayon ang magampanan taon-taon ang papel na Padre Florentino."

Pero sino ba si Padre Florentino at gaano kahalaga ang papel na iyon sa dulang EL FILIBUSTERISMO?

"Si Padre Florentino ang Kura Paroko ng mga Pilipino nuong panahon ng mga Kastila", pagbibigay-linaw pa ni Joe Gruta. "At nu'ng siya na ang Kura, panahon na iyon na kailangan na ng kasarinlan ng mga Pilipino sa pananampalataya. Hanggang sa makilala niya si Simoun, ang pangunahing tauhan sa dula.

"Mabait na Pari si Padre Florentino", dagdag na sabi pa ni Mr. Gruta. "At sa mga naging pag-uusap nila ni Simoun, doon naka-focus ang istorya ng dulang El Filibusterismo. Sa kanya din nangumpisal si Simoun ng mga nagiging pagkukulang niya sa Relihiyon. At hanggang sa bandang huli, naging isa siyang tapat na kaibigan, at hanggang sa pagtatapos ng dula, ipinagtanggol niya si Simoun."

Sa tinagal-tagal ng karera ni Joe Gruta sa Teatro, nakalabas na siya sa halos lahat ng theater groups sa bansa- tulad ng PETA, Tanghalang Pilipino, at iba pa. Pero dito sa Gantimpla Theater siya nagtagal talaga ng husto.

Lumabas na rin si Joe Gruta sa mga klasikong palabas sa telebisyon na tulad ng Balintataw, at iba pang mga popular na palatuntunan noong mga huling dekada.

Sa mundo naman ng pelikula, naidirek na rin siya ng halos lahat ng mga dakilang direktor sa pelikula. Lumabas na rin siya sa mga klasikong pelikula na tulad ng Himala, Mumbaki, Maynila Sa Kuko Ng Liwanag, Cadena de Amor, to name a few.

"Ang pag-arte na talaga ang naging kasa-kasama ko sa buong buhay ko", pagtatapos na wika ni Sir Joe Gruta. "Mabubuhay at mamatay ako na umaarte. Hindi ko na ito maipagpapalit pa sa anumang yaman sa mundo."

BOW KAMI SA IYO, MR. JOE GRUTA!!! FOREVER!!!




(sinulat ni robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...