lance: a red-carpet success |
morisette amon and kiel alo: professionalism unbound |
Over a heavy lunch of large Italian sausages at Kenny Rogers restaurant at Rockwell in Greenfield Disrict, plus three large scoops of Mango ice cream, naging topic ng usapan namin ni Lance Raymundo, isang singer-actor-model, ang salitang PROFESSIONALISM at ang kahalagaan nito sa bawat celebrity na nakakaranas ng stress-related incidents. Katulad ng nangyari sa singer na si Morisette Amon almost a month ago, na nuong maitanong sa kanya ang ukol sa kanyang ama, after the interview sa kanya, nagkaroon ng matinding nervous breakdown ang lady singer.
Ayon kay Lance, kaparte na daw sa buhay ng isang artista at celebrity ang pag-cope-up sa mga bagay na ganu'n. Na maski malungkot ka daw, kailangan mo pa ring ngumiti at magpasaya sa mga tao. At maski anu pa man ang mangyari, kailangan mong ituloy ang show, no matter what.
"But in Morisette's case, I think we should understand her more fully", sabi pa ni Lance. "People have different labels in coping-up with stress. Maybe at that time, Morisette is at her weakest moment. Now that she realized the consequences of her actions, I guess, she'll be a much stronger person this time around. At kung maulit man ang ganu'ng incident, kaya na niya."
Lance recalled what happened to him at that time na namatay ang father niya last year at nagkataong may big concert hosting job siya sa Big Dome.
"I was at my dad's bed side in the afternoon, but I had to go dahil may rehearsals kami sa pagho-host ko ng isang Michael Jackson concert-tribute sa Big Dome", Lance recalled. "Nagpaalam ako sa dad ko na I have to go na muna for the rehearsal because the show must go on, dahil sa gabi na iyon ay concert na. When I was about to leave and go out of the door ng room niya sa hospital, suddenly, nag-pulpitate ang mga machines all-over his body. Parang hinintay lang niya ako na magpaalam. All his doctors rushed-in to his side to recover him. Pero wala na silang nagawa. He died sooner.
"I guess, at that very moment, my dad really needed me", pagpapatuloy na wika ni Lance. "So I called-up the Producer of our concert na si Tita Agnes Valencia. I told her what happened, but I promised her that I will be there on the concert 15 minutes before the actual time of the concert. I just needed to be at my dad's death at that very time for a couple more of hours. True to my promise, I arrived at the Big Dome, 20 minutes before the time of the concert. As an artist, alam ko ang katayuan ng mga producers. Sila ang mapapahamak kapag hindi ko tinupad ang trabaho. So, maski wala na ang dad ko at that time, ginawa ko pa rin ang trabaho ko."
Kaya naman makakaasa si Kiel Alo at ang mga producers ng concert ni Kiel sa Bacolod City na hindi bibitinin ni Lance ang pag-guest sa concert na iyon. Hindi siya maga-ala-Morisette Amon, that's for sure.
"Supporting my fellow male singers, I am very willing and happy to do that", muling sabi pa ni Lance. "I believe in Kiel's potentials as a great singer. Kung okey nga kay Kiel, mag-duet pa kami sa concert niya, eh."
Sa December 8 sa Bacolod City gaganapin ang concert na iyon ni Kiel. Next year, malamang rin na magkaroon ng sarili niyang concert si Lance. Just watch out.
In the meantime, happy si Lance sa success ng Funk version na ginawa niya para sa awiting Silent Night. It has reached, by this time, more than 20k views sa Youtube.Com- we mean, 'yung MTV ng song na Silent NIght, directed by Ms. Karen Jane Salutan.
"So far, so good", pagwawakas na sabi ni Lance. "Magandang early Christmas gift na sa akin iyan. Parang mas gaganahan ako ngayon na lumikha at gumawa pa ng mga bagong arrangements and new song compositions."
Indeed, what a great way to end the year 2019!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
lance: lifting for something big |
kiel alo: will get support from l;ance |
morisette: no more walkouts? |
lance: funks "si;ent night" |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento