LANCE RAYMUNDO, GUSTONG I-REPRISE ANG PAPEL NA ROMEO SA DULANG "ROMEO & JULIET" NG GANTIMPALA THEATER FOUNDATION









Minsang nakipag-kuwentuhan sa amin ang actor-singer na si Lance Raymundo sa isang posh restaurant sa Greenfield District in Shaw Boulevard, Mandaluyong, nabanggit niya na ang isa sa mga bagay na gusto niyang gawin at balikan ay ang ma-reprise ang role na ROMEO sa dulang ROMEO & JULIET ng Gantimpala Theater Foundation. Naging topic muna kasi ng usapan namin na dapat ay sa mundo ng Teatro siya magka-award next year para sa Senakulong Martir Ng Golgota ng Dulaang Sta. Ana. Kaso mo, sa pagiging host siya na-nominate this year sa Aliw Awards. How we wish, mapansin ng mga award-giving bodies like the Aliw Awards ang angking kagalingan ni Lance sa pagganap bilang Hesukristo sa dulang Martir Ng Golgota. Kaya sana, next year, mapansin na siya. Sa lahat kasi ng bagay na ipinamalas ni Lance sa pamamagitan ng kanyang talento, doon sa nabanggit na dula kami sobrang na-impress sa kanya.

Anyway, ipinangako naman ni Lance sa blogger na ito he will again portray Jesus Christ next year sa nabanggit na dula, maski ba ayon sa mga advanced schedules na niya next year, talagang fully-booked at malamang na nasa ibang bansa siya by Holy Week of 2020. Pero since nakita ni Lance ang pagka-malungkot sa mukha ng blogger na kausap niya, bigla niyang sinabi naman ito: "Aayusin ko maige ang skeds ko next year, Robert, para magampanan ko ule si Jesus Christ. Don't worry, Rob, panata ko na rin 'yan- ang magampanan si Hesukristo taon-taon."

Wow naman. Anyway, back to Lance's desire na magampanan muli ang role na Romeo sa dulang Romeo & Juliet ng Gantimpala Theater Foundation, heto ang sabi niya:

"It's so cool to portray Romeo", sabi ni Lance. "I am also a romantic person kasi. Nu'ng time na ginawa namin ang play na iyon sa Gantimpala, talagang very memorable sa akin. Si Adriana Agcaoili ang Juliet ko sa dulang iyon. At nag-tour ang play na iyon sa madaming schools and venues. It's one of the most widely-appreciated plays ng Gantimpala.

"Kaya kung tatanungin mo ako what I really wanna portray again aside from Jesus Christ, 'yun nga, I wanna portray Romeo again. You know what, we rehearsed for almost two months, nag-aral pa kami ng Fencing at Shakespearean accent and words. Kaya kung mabasa man ito ng mga taga-Gantimpala, I wanna let them know, if they will restage Romeo & Juliet again soon, I'm still here to portray the role of Romeo."

Kung sakali mang hindi na puwede si Ms. Adriana Agcaoili na gumanap sa papel na Juliet dahil busy na ito these days sa Corporate job niya, we suggest Ms. Jernice Matunan ang gumanap na Juliet. Nu'ng mapanood kasi namin siya sa dulang El Filibusterismo, gandang-ganda kami sa mukha niya at tiyak babagay siya kay Lance. (Sorry po, Mr. M.K.A., Hihihihi. Hindi naman po mang-aagaw si Papa Lance. Kapag katrabaho niya, hindi niya nililigawan. So don't worry, Mr. M.K.A.---r.s.**)

Wow. Parang kaka-excite panoorin ni Papa Lance sa papel na Romeo, ha. Tiyak niyan, maraming mga estudyante ang kkiligin kapag napanood na si Lance bilang Romeo. Kaya paging Sirs Jun Pablo, direk Jose Jeffrey Camanag and actress Adriana Agcaoili na mga resident artists ng Gantimpala, what about coming-up with the restaging of the play ROMEO & JULIET next year? Gawin sanang Musical, para mas bongga!

Sa ngayon, abala si Papa Lance sa mga iba't-ibang fitness training niya in line with a big movie project na nakatakda niyang gawin next year. Ayaw munang pabanggit ni Lance ang titulo ng movie project niyang iyon. Basta surprise lang daw muna.

"I guess the coming year of 2020 will be such a surprising year for me. They better watch out!", pagtatapos na wika pa ni Lance Raymundo.



(sinulat ni robert manuguid silverio)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...