Marami siguro ang nagtataka kung bakit ang daming FB Posts
ng singer-actor na si Lance Raymundo showing hin training some Martial Arts
skills, kasama pa ang ibang mga male hunks. It's been over a month now, lagi
siyang may mga FB posts na ganu'n. Ukol saan kaya ang rigid training niyang mga
iyon lately. Para saan?
"It's in line with my new big mainstream movie
coming-up next year, and we're gonna shoot na any day from now", paliwanag
na sabi ni Lance over a heavy dinner of tenderloin steaks. "Talagang rigid
ang training namin, kasama ang iba pang kasama sa cast ng film. We will have
kasi some action scenes in that film, eh. Mga Martial Arts, Arnis and the likes.
Grabe, talagang twice a week, nagte-training kami."
Ano ba ang film na ito, Papa Lance?
"Sorry, Robert, ayaw ng Viva Films, ni direk Jason Paul
Laxamana, at ng Supervising producer na si June Rufino na i-reveal ko ang
anything about the film, lalo na ang title nito", dugtong na sabi ni
Lance. "All I can say now is, may Martial Arts scenes kami doon and it's
one real big film!"
Kaka-suspense naman, Papa Lance. Parang ang sarap-sarap
panoorin ni Papa Lance doing all those big scenes in that mainstream film, lalo
na't may action scenes siya doon. Tiyak, aabangan ng lahat iyan!
In the meantime, after winning so many awards and
recognitions left and right, sobrang busy din si Papa Lance this Holiday
Season. Lagi siyang nai-invite sa mga hosting events, fashion events, and the
likes. Doing well din ang remake ng song na re-arranged mismo ni Papa Lance,
ang "Silent Night", na napakaganda ng kanyang Funk cover sa classic
song na iyon. Maski na ang supladang critic-reviewer sa Music industry na si
Ms. Baby Gil ay pinuri ang pagka-arrange ni Lance sa awiting "Silent
Night".
"It's a success, both critically and commercially",
pagtatapos na wika pa ni Papa Lance. "Hindi ko inaasahan na magiging
ganu'n kalaki ng scope ng success ng Silent Night ko. Maski sa viral world at
sa mga digital platforms, humahataw siya. Kaya magandang Christmas gift ito
para sa akin. Maraming salamat sa lahat!"
Talagang may malaking sorpresang ihahandog si Papa Lance sa
pagpasok ng taong 2020. It's gonna be Lance's year, for sure.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento