SOBRANG PINAHANGA NI LANCE RAYMUNDO SI DIREK NEAL TAN SA PELIKULANG "OKEY KA, FRIEND"!



director neal tan: awed by actor lance raymundo

lance raymundo: awrd-winning avtor-singer-host

Buwena- manong naging imbitasyon para sa amin sa taong 2020 ang imbitasyon ni direk Neal Tan sa amin na panoorin ang rushes ng bagong advocacy film niyang "Okey Ka, Friend" ng Oxigain Film productions. At sa pelikulang iyon, ang bida niya ay walang iba kundi ang actor-singer-model-host na si Lance Raymundo.

"Wala akong masabi kay Lance, napakagaling niya sa pelikulang ito!", bungad na sabi sa amin ni direk Neal Tan sa isang umagang pinapanood niya sa amin ang rushes ng pelikulang Okey Ka, Friend. "Hindi niya ako binigyan ni katiting na problema while we were shooting the film. Very cooperative siya at supportive sa aming lahat. At kapag take na, lagi siyang ready at kuhang-kuha niya ang karakter niya sa pelikulang ito bilang isang Professor na tutulong sa mga estudyante niyang may mental health issues."

Nagkataong in real-life ay Mental Health advocate itong si Lance, at iyon ang hindi alam ni direk Neal Tan, kaya naman nu'ng mapanood ng isang blogger ang mga eksena ni lance sa nasabing advocacy film, talagang seryoso at makatotohanan ang pagganap ni Lance.

"He is one actor who is really serious with his craft, kaya naman I don't wonder why he keeps on winning many awards and recognitions lately", pagpapatuloy na wika ni direk Neal Tan. "Sobrang pinahanga talaga niya ako sa pelikula naming pinamagatang Okey Ka, Friend! He fits the role to a 'T' talaga. Kaya sa susunod na mga pelikulang gagawin ko, hindi ko kalilimutang kunin ulit si Lance."

Sa ngayon, ayaw nang makipag-compete ni direk Neal Tan sa mga indie film makers na mas bata at baguhan keysa sa kanya. He is now resting on his laurels, being one of the pioneers of indie filmaking in the country.

"What I do now, I simply inspire the new breed of film makers", sabi pa ni direk Neal Tan sa pagtatapos ng isang simpleng kuwentuhan habang nanonood kasama ang isang blogger sa rushes ng pelikula niya. 

"Minsan, nagtuturo din ako sa kanila, nagga-guide, nagbibigay ng workshops on film directing. karamihan din sa kanila, humihingi ng mga payo sa akin. Mas nalilibang na ako gayon kasi sa bago kong hobby na Painting, eh. Pero kung may maganda pa ring offer na magdirek sa pelikula, why not? Pero hindi na talaga ako nagko-compete."

More power pa rin sa iyo, direk Neal Tan!



(sinulat ni robert manuguid silverio)


neal tan: will continue to inspire younger film makers

lance: captivating


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...