ced: a break from Pontius Pilate character this year |
ced in a nice hair cut |
ced: ruggedly handsome |
ced as a corrupt cop in his new indie film |
ced with his "dolce far niente wellness spa" family |
Isa sa mga hindi namin malilimutang pagganap sa entablado ay 'yung kakaibang pag-arte na ipinamalas ni Ced Torrecarion bilang Pontio Pilato sa Senakulong Martir Sa Golgota ng Tanghalang Sta. Ana (na ginaganap taon-taon sa Plaza Calderon, Sta. Ana, Manila). Kaya naman nu'ng muli namin siyang makita para kapanayamin, ang tinanong namin agad sa kanya ay kung muli ba niyang gagampanan ang papel na Pontio Pilato sa taong ito?
"Hindi na muna siguro", naging maagap na kasagutan ni Ced Torrecarion. "Kasi, for the past 7 years already, I have been portraying it na. Kaya this year, I wanna' have a break na muna. For personal and important reasons, pass muna ako this year.
"When I first portrayed the Pontius Pilate character, I really prayed to God that I will be able to portray the role effectively", dugtong na sabi pa ni Ced. "Nu'ng unang in-offer sa akin ni direk Lou Veloso ang character na iyan, I accepted it at once and it became my vow to the Lord. At that time kasi, my mom was battling with the Cancer sickness. Naging panata ko sa Diyos na gagampanan ko ang papel na Pontio Pilato para sa Diyos, at para matulungan Niya ang mom ko na may sakit noon na Cancer. My mom died more than a couple of years back, but I haven't stopped portraying Pontius Pilate. I feel, this time, pahinga naman ako.
"Hindi natin nakita kung ano ang hitsura at ang pananalita ni Pontio Pilato", anya pa. "At 'yun ang naging hamon para sa akin. At base naman sa mga nakapanood na sa akin sa pagganap ko sa papel na iyon, halos lahat naman ay pinuri ako."
Nagkaroon din ng pasumandaling 'break' si Ced sa mga pagganap niya sa mga 'dark characters' nu'ng medyo maiba naman ang role niya sa katatapos lamang na teleserye sa channel 2 na Starla, kung saan ang naging papel niya doon ay isang married man with 'extra-marital' affairs.
"Naging happy ending naman ang role ko doon, dahil sa pagtatapos ng teleserye ay bumalik ako sa asawa ko", kuwento pa ni Ced. "Naghihintay ako muli ngayon ng panibagong offer para sa isang teleserye. Kaya heto, medyo may time ako ngayon sa business namin- ang Dolce Far Niente Wellness Spa at sa sports ko na basketball."
Ced is glad to announce na may bagong Promo Offer ngayon sa DOLCE FAR NIENTE WELLNESS SPA:
"For only 450 Php., they can avail for our One Hour Body Massage with a bonus package of Gold Collagen Mask treatment", anya. "It's like hitting two birds in one stome. Nakapag-body massage ka na, kikinis pa ang mukha mo at gaganda sa aming Gold Collagen Mask na ginagamit ng karamihan sa mga artista ngayon. Kaya sana, habang existing pa ang promo namin na iyan, mag-visit na sila sa Dolce Far Niente Wellness Spa sa mga branches namin sa Road 3, project 6 at sa Victor St., Guadalupe Viejo, Makati."
Meanwhile, natapos na rin ni Ced ang isang indie film na dinirek ni Richard Sanchez at pinamagatang Behind The Maskara.
"Isang corrupt policeman ang papel ko dito", kuwento ni Ced. "Ang setting ay sa probinsya at under ako sa payroll ng mga Hacienderos doon. Kontrabida ulit ang role ko sa pelikula."
Ang dream role pala ni Ced na magampanan someday ay ang role ng isang Psychotic.
"I love portraying offbeat characters kasi, mas may challenge for me", muling sabi ni Ced. "Dahil na rin siguro may theater background ako at mas sanay ako sa mga mas mapanghamong papel, kaya I find offbeat characters really challenging to portray."
At 'yung huling tanong namin kay Ced na payag na ba siyang magpa-seksi sa mga pelikula o TV roles, heto naman naging sagot niya:
"Paghahandaan ko pa", huling sambit ni Ced. "I need to go to the gym muna. As of now, hindi pa ako ready. I need to shape-up first."
(sinulat ni robert manuguid silverio)
**photos courtesy of Ced Torrecarion's FB Page
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento