Lance: No Jesus portrayal this year because of Corona Virus |
A yearly Jesus play sacrifices performances because of Corona Virus |
Nag-release na ng official statement ang Tanghalang Santa Ana na pag-aari ng beteranong aktor at direktor na si Lou Veloso, na hindi na matutuloy ang mga schedule of performances ng Senakulong MARTIR SA GOLGOTA, na ipinalalabas nila taon-taon at kung saan, sa nakalipas na mahigit tatlong taon na, ang singer-actor na si Lance Raymundo II ang gumaganap na Hesukristo.
Maski ba naka-dalawang araw na rehearsals na si Lance, kasama ang mga kapwa aktor niya sa nabanggit na Senakulo, pero dahil sa THREAT ng Corona Virus, mas minabuti na lang ng mga taga-TSA (Tanghalang Sta. Ana) na ikansela na ang mga pagtatanghal ng Senakulo na alay nila kay Poong Maykapal.
Libre kasi ang pagtatanghal ng Senakulo taun-taon, eh. At naging panata na rin ni Lance na gumanap na Hesukristo- na ayon pa sa kanya: "Labas na ito sa acting jobs ko", anya. "I don't consider portraying Christ as part of my acting job. I simply dedicate it to God."
Pero 'yun nga, hindi na baleng hindi makapag-dedicate kay God si Lance ng isa pang performance bilang Kristo, mas mabuti pa ring makapag-ingat-ingat sa pagkalat ng CORONA VIRUS sa bansa. Nakaka-tense na, eh.
Kahapon, sa isang exclusive lunch date with Lance sa Greenfield District, napag-alaman namin na takot na siyang magpunta sa isang mall sa Mandaluyong. Nabalita kasing may nga na-infect nang mga tao sa mall na iyon ng deadly virus na nabanggit. Aware din kasi si Lance sa latest updates sa Corona Virus at may mga reliable sources siya.
Kaya nu'ng kausap niya sa celphone ang handler niya sa Viva Artists Agency na si John Navarro, at sa mall na iyon sa Mandaluyong nakikipag-set ng meeting sa kanya, sinabi ni Lance na takot na siyang magpunta sa mall na iyon at ibahin na lang ang venue ng meeting nila.
Ang nangyari sa Viva office na lang ginanap ang meeting.
"God offers us so many reasons", tanging nasabi ni Lance. "Makansel man ang pagganap ko bilang Kristo, naniniwala akong malalabanan natin ang pagkalat ng Corona Virus. Magtulungan tayong lahat. May awa ang Nasa Itaas sa atin".
Korek ka jan, Papa Lance!
(sinulat ni robert manuguid silverio, mga larawan ay mga pag-aari ni Lance.*)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento