SI LANCE, ANG HESUS NG AKING BUHAY, AT ANG SENAKULONG "MARTIR SA GOLGOTA"...







Lahat ng nangyayari sa mundong ito ay tunay namang may KADAHILANAN.

Kung bakit kung minsan, hindi natutuloy ang mga naka-plano nang mga bagay.

Kung bakit kung minsan, kailangang may mawala para malaman mong 'yung bagong darating, 'yun pala ang mas nararapat.

Kamakailan lamang, sa buhay ng ACTOR-SINGER na si Lance Raymundo, nangyari 'yung mga bagay na naka-iskedyul na sana, pero naatraso pa ang mga kaganapan.

KAYA NAMAN, may dahilan nga siguro kung bakit nangyari iyon.

Na, siguro, gusto pa rin ng ating Poong Hesukristo na si Lance Raymundo ang muling gumanap bilang si HESUS sa dulang MARTIR SA GOLGOTA ng Tanghalang Sta. Ana.

Na siguro uli, dahil sa nagampanan ni Lance ng makatarungan ang papel ni Hesus na ating Panginoon, sobrang natuwa ang Nasa Itaas, at gumawa Siya ng mga pangyayari para mabalam ang isang pelikulang nakatakda na sanang i-shoot ni Lance sa buwan na ito ng Marso.  (O, baka naman naka-karma lang 'yung direktor na nakatakda sanang magdirek ng pelikula? Hay, nagtatanong lang po. Question mark po iyan.---r.s.*)

Anupaman, talagang may dahilan ang bawat pangyayari, ang bawat bagay.

Maski nga ang paglaglag ng mga dahon sa isang puno, may dahilan iyon.

At tanging Diyos lamang ang nakakaalam.


***********    **************    *************


Hiling na lang namin sa mga taga-Tanghalang Sta. Ana, huwag naman sana silang ganu'n ka-suplado sa isang manunulat na bisita ng aktor na si Lance Raymundo.

Dahil maski ba si Lance ang may bisita dito, karapatan din nilang bigyan ito ng upuan kapag naroon na sa Plaza Hugo para saksihan ang pagsasanay nila, o dili kaya, huwag tatalikuran kapag kumakausap ng isang supladang STAFF nila.

Tahimik lang naman 'yung manunulat at uupo lang sa isang sulok. Pagkadaka'y lalapit lang kay Lance para kapanayamin ito, pagkatapos ay aalis na. Ganu'n lang. Pero huwag naman sana siyang tatalikuran na lang basta.



************   **********   **********


Sabi nga ng contest sa Eat Bulaga na "Huwag Kang Judgemental", hindi mo basta-basta maidya-judge ang isang tao based lamang sa kasuotan niya, histura, asal, o impresyon. Baka nagkakamali ka.

Maso-sorpresa ka, hindi pala 'yung tao na 'yun ang nakikita mo sa kanya.

Dahil baka hindi mo rin alam, si HESUS na pala iyon na nagpapanggap lamang sa katawan ng ibang tao o nilalang.

Sapagkat si Hesus Ng Aking Buhay, ni kailanman ay hindi ako hinusgahan.

Ni kailanman ay hindi ako nilait.

Ni kailanman ay hindi ako tinalikuran.



*********   *********  *********


Salamat at may Tanghalang Sta. Ana pa rin na taon-taong pinapairal ang kaganapan ng buhay at mga sakripisyo ni Kristo ng ating Panginoon taon-taon sa masang Pinoy sa Plaza Hugo venue nila, at maging sa mga sosyal na tao sa Greenfield District venue naman nila.

Ang kanilang pagtatanghal ay LIBRE, walang bayad. Lahat ay inuukol lamang nila sa Panginoon.

Hindi nila pinagkakakitaan ang kanilang mababang gawain ng pagtatanghal, alang-alang sa Panginoon.

Pero sa kalidad ng Senakulong "Martir Sa Golgota", ang mga dulang tulad nito ang may karapatang itanghal sa Cultural Center of the Philippines. O kaya ma-nominate sa mga award-giving bodies na tulad ng ALIW awards o BroadWayWorld awards at maging ng L.E.A.F. awards. Dapat masaksihan ng mga taong nasa likod ng mga award-giving bodies na iyon ang kagalingan ni Lance sa pagganap bilang Hesus at ang napakagandang direksyon ni Lou Veloso sa Senakulong "Martir Sa Golgota".


*******     ***********   *********


Opo, si Lance muli ang gaganap na HESUS sa taong ito.

Siya muli ang ginusto, ang pinili, ang inatasan.

Dahil wala na nga sigurong makakaganap pa ng isang SAKTONG KRISTO para sa isang dula kundi si LANCE lamang


at,




MAGPAKAILANMAN.






(sinulat ni robert manuguid silverio)
ILAN SA MGA LARAWAN AY KUHA NI: WILSON FERNANDEZ














Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...