"HUWAG MO SILANG IIWAN....
SA ANUMANG LABAN NILA, SANA AY MASAMAHAN MO SILA, SA ANUMANG MALIIT NA BAGAY NA MAGAGAWA MO...
HANGGANG SA PAGLAKI'T PAGTANDA NG MGA FANS KO, SANA MASUBAYBAYAN MO PA RIN SILA, IKAW NA ANG PANGALAWANG AMA NILA AT MALAPIT NA KAIBIGAN, ITURING MO NA RIN SILANG KAPAMILYA...
'YUNG MGA BITUIN NA KASAMA KO PATI NA RIN ANG MGA NASA LIKOD NILA AT MGA KASAMAHAN NATIN SA MUNDONG GINAGALAWAN NATIN, HINDI KA RIN NAMAN NILA PABABAYAAN, HUWAG MO LANG SILANG AAWAYIN....
SANA, MAPASYALAN MO NAMAN KAHIT MINSAN PANG MULI ANG AMA AT INA KO- MGA KAMAG-ANAK, SAMPU NG LUGAR NA PINAGPAPAHINGAAN KO....
MAGING MALAKAS KA, ITAAS MO ANG IYONG NOO, DAHIL WALA KA NAMANG GINAWANG MASAMA SA AKIN...
MAGING MATIBAY KA, MATIKAS, MATIGAS...
HUWAG KA NANG IIYAK DAHIL NADADAMAY SILA SA PAG-IYAK MO...
AKO ANG MARTILYONG PUPUKPOK SA IYO, BASTA, MANATILI KA LANG...
AT KUNG TUMALSIK KA MAN O MADAPA,
AKO PA RIN ANG DADAMPOT SA IYO.
HUWAG KANG MAG-ALALA, MAGBABALIK PA RIN AKO...
BASTA SAMAHAN MO LANG SILA AT WALANG KAMU AALIS O LALAYO...
DAHIL NANDITO LANG NAMAN AKO-
HABAMBUHAY."
(isang habilin, isang panaginip, isang pagibig.... na isinulat ni robert manuguid silverio).*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento