cinema one executive ronald arguelles, john lloyd cruz, charo santos-concio, a female executive & direk lav diaz at 73rd venice international film fest |
charo santos: overwhelming comeback |
Mula pa nuong mapanood namin si Ms. Charo Santos, nuong fresh discovery pa lamang siya at ipinakilala sa pelikulang "Itim" ni Mike de Leon, isang tatak na TUNAY NA AKTRES na kaagad ang impresyong ibinigay niya sa lahat. Isang napakagandang panimula nuon para sa isang baguhang artista. Unang pelikula pa lamang niya iyon, AKTRES na agad ang bansag sa kanya. At isang Mike de Leon pa ang nag-direk.
Lumipas ang mga taon, mas lalo pa naming hinangaan si Charo Santos, sa mga pelikulang "Brutal", "Kakakabakaba Ka Ba?", "Kisapmata", "Hindi Mo Ako Kayang Tapakan", at iba pa. Pawang mga de-kalidad na pelikula, at masasabi mong ang panlasa ni Ms. Santos sa mga pelikulang gagawin niya ay KAKAIBA. With that, we could say na isa siyang hindi basta-bastang aktres at alagad ng sining.
After many years of hosting her TV show sa channel 2 na "Maalaala Mo Kaya?", finally, napapayag na rin si Ms. Santos na gumawa ng pelikula- an artistic break, far from her stressful hob as one of channel 2's executive heads. And we feel, it's high time for her to just that.
"Ang Babaeng Humayo" will have its opening day on Wednesday, September 28. At ito ang comeback film ni Ms. Charo Santos, sa direksyon ng napakagaling na si Lav Diaz. Kasama ni Ms. Santos sa pelikulang ito si John Lloyd cruz sa isang nakakagulat na papel!
Trailer pa lang ng pelikula, tumaas na ang balahibo namin. Napakaganda ng mga eksena sa trailer, and shot in very artistic "black & white" texture.
"ANG BABAENG HUMAYO" ay isang tunay na karagdagan sa pagka-artistiko ng bawat Pilipino. Panoorin!
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento