SA BUHAY NG TAO, NAKAPAGTATAKA KUNG BAKIT ANG MGA TAONG BUO ANG PAGMAMAHAL ANG SIYA PANG NABIBIGO SA LARO NG PAGIBIG. KUNG BAKIT ANG MGA PINAGBUKLOD NG TADHANA, ANG SIYA PANG NAGHIHIWALAY. KUNG BAKIT ANG MGA TAONG MAY SIGLA AT PERPEKTONG PAGTINGIN SA BUHAY ANG SIYA PANG NAMAMATAY.
SADYANG LAGING MAY KAKULANGAN ANG LAHAT. HINDI PERPEKTO ANG BUHAY NA ITO. KAILANGAN MONG MAY MAISAKRIPISYO, UPANG MABUHAY.
ANG TAO AY LAGING NAUUHAW. DAHIL SA SOBRANG MGA GAWAIN NIYA, NALILIMUTAN NA RIN NIYA MINSAN ANG SARILI NIYA. AT SA KAIBUTURAN NG KANYANG PUSO, HAHANAPIN AT HAHANAPIN PA RIN NIYA ANG KANYANG KALIGAYAHAN.
MAAARING SOBRA-SOBRA PA NGA ANG NAIBIGAY SA KANYA. KAYA TULOY SIYA ANG LAGING NAKIKITA. ANG ISANG PUTING PAPEL, KAPAG NILAGYAN MO NG ISANG ITIM NA TULDOK, HINDI NA IYON MAGIGING GANAP NA PUTING PAPEL HABAMBUHAY.
KAPITAN LANG NATIN ANG DIYOS NA LUMIKHA SA ATING LAHAT. MAGING BUO ANG ATING PANANALIG- MAS MATIBAY SA MGA BUNDOK AT MAS MAALON SA TINDI NG PAGMAMAHAL.
SA BANDANG HULI, ANG PUSO PA RIN NATIN ANG MANANAIG, DAHIL IYON ANG MAGPAPASAYA NG HIGIT SA ATING PAGIGING ISANG NILALANG.
SALAMAT PO. AT MALIGAYANG PASKO PO SA INYONG LAHAT.
MULA KAY ROBERT MANUGUID SILVERIO
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento