DEREK DEE WITH INNER PEACE FOUNDATION MEMBERS |
DEREK WITH DAUGHTER MICHELLE |
derek dee with the TEAM CAROLLERS (except ms. blessie cirera and timmy basil who are pmpc members).... |
michelle dee with nikko vivero and e.z., the guitarists of TEAM carollers... |
"DEREK DEE, BUWENA-MANO SA CAROLLING NG TEAM!"
Puspusan pa rin ang mga rehearsals ng mga manunulat at potograpong pawang mga kabilang sa T.E.A.M. (The Entertainment Arts Media) para sa nalalapit nilang mga Christmas carolling sa mga artista't celebrities. Salamat naman at napakahusay ng koordinasyon ni katotong Nonie Nicasio at maganda ang attendance ng mga miyembro ng TEAM sa mga meetings nila.
Busy na kasi sila sa mga nalalapit pang mga carollings nila- at ang nagsilbing buwena-mano (at magdadala ng suwerte) sa kanilang mga carollings ay walang iba kundi si DEREK DEE- sa kanilang naging pagkanta sa Christmas program party ni Derek Dee at ng Inner Peace Foundation nuong Disyembre 4, Linggo.
Yes po, si Derek nga ang buwena-mano sa carolling ng TEAM (pero si Kuya BOY ABUNDA naman ang unang nagpadala ng cash gifts sa grupo, maski hindi na nila kinantahan ito- upon the coordination of Mr. Roland Lerum). Kaya naman, mas lalong napamahal ang mga miyembro ng TEAM kay Derek ngayon, pagkatapos nilang makapanayam ito a couple of weeks back para sa advocacy niya sa Hep-Cured (isang FB blog site na nagpo-promote ng awareness sa mga taong hindi pa nakakaalam na may gamot na sa sakit na Hepatitis-C, dahil si Derek ay gumaling na sa sakit na iyon pagkatapos niyang matuklasan ang gamot na Harvonil).
Apat na Christmas songs at isang surprise love song ang inawit ng TEAM para kay Derek at sa mga kasapi ng Inner peace Foundation (ang Foundation na pinasimunuan noon ng kanyang yumaong ina na si Mrs. Regina Y. Dee). Nagkaroon pa ng solo song number ang isa sa mga founding members ng TEAM na si Throy Catan dahil siya ang umawit ng surprise love song for Derek.
Ang TEAM ay kinabibilangan nina Pilar Mateo, Throy Catan, Boy Borja, Nene Riego, Roland Lerum, Nonie Nicasio, Miss Anne Venancio Bendanillo (ang patnugot ng X-Files tabloid), Robert Silverio, Jay Orencia, Allan Sancon, Glenn Regondola, Nimfa Chua, Joseph Gonzales, Archie Liao at si Mr. Obette Serrano.
Puspusan pa rin ang mga rehearsals ng mga manunulat at potograpong pawang mga kabilang sa T.E.A.M. (The Entertainment Arts Media) para sa nalalapit nilang mga Christmas carolling sa mga artista't celebrities. Salamat naman at napakahusay ng koordinasyon ni katotong Nonie Nicasio at maganda ang attendance ng mga miyembro ng TEAM sa mga meetings nila.
Go, go, go- TEAM!
(sinulat ni robert silverio)
MGA LITRATO: COURTESY OF INNER PEACE FOUNDATION, DEREK DEE & BOY BORJA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento