direk ricojohn amparo: angat sa iba!





Paano nga ba gumagaling ang isang direktor sa pelikula? Pani niya napapagtagpi-tagpi ang bawat eksena? Paano niya nailalahad ang mga mensaheng nais niyang maipadama?

Ito ang aming mga naging katanungan sa aming sarili nu'ng mapanood namin ang indie film na HIWAGA, sa direksyon ni direk Ricojohn Amparo (direk RCA). Kasi naman, malinaw naming naisagot sa aming sarili ang mga katanungan na iyon sa itaas, matapos naming masaksihan ng buo ang pelikulang HIWAGA. 

Dahil, gumagaling ang isang direktor ng pelikula kapag napapagtagpi-tagpi niya ang bawat eksena, o dili kya'y nailalahad niya ang mensaheng nais niyang maiodama- sa sariling estilo o atake niya bilang isang direktor. At si direk RCA, nagawa lahat iyon. Naipakita. Naipadama.

"Angat sa iba", iyan lamang ang masasabi ko ukol sa aking pelikulang Hiwaga", bungad na sabi ni direk RCA sa isang lunch treat nito kamakailan lang. "Oo, angat sa iba. In the sense that, lahat ng mga batang kasali sa pelikulang ito ay pawang mga hindi gano'n kasikat pa, pero lahat sila nagpakita ng kagalingan sa pelikula. Ito rin ang pelikulang walang EKSTRA, dahil lahat ng mga papel nung mga batang nagsiganap ay may kabuluhan, may saysay. Walang nasayang na mga karakter, lahat sila ay may ipinamalas na kakayahan."

direk rca with one of his talents named joshua

direk rca's pool of talents


Dagdag pang sabi ni RCA:

"Pinoy na Pinoy ang pelikulang Hiwaga", anya pa. "It's a family-oriented film. The story is something kakaiba, basta may kuwento siyang maganda na ipakikita. Hindi siya horror or suspense film gaya ng inaakala ng marami. Isa itong pelikulang may puso, maka-pamilya at may mabigat na mga mensahe."

Dito rin natin mapapatunayan na totoo pa rin ang ugaling Pinoy na: WALANG IWANAN. Sa modernong kultura na ngayon na puro high-tech at selfie's na, umiiral pa rin ang magandang tradisyon ng mga Pinoy na "Walang iwanan". At makikita ang mensaheng ito sa pelikula nu'ng magtagpo-tagpo na sa ending ng pelikula ang apat na magkakapatid na nagkita-kita ulit pagkatapos nilang magkahiwa-hiwalay sa bahay-ampunan. 

"Bast buo ang pananalig ninyo at may tiwala pa rin sa isa't-isa, hindi kayo tuluyang paglalayuin ng tadhana", muling sabi ni direk RCA. "At ang mensaheng MAHALIN NATIN ANG BUHAY NATIN. Dahil ito lamang ang biyayang ibinigay ng Diyos sa atin na hindi puwedeng kunin ng iba."

May mga kasunod nang pelikulang naka-lineup si direk RCA. Isa na rito ang next indie film na idinerek niya: ang Dibersyon. Mga kabatang artista muli ang mga magsisiganap dito. Nakatakda na rin ang isang proyekto na ipo-prodyus naman this time ni direk RCA at si direk Byron Bryant ang magdidirek. Kaharap mismo ang isang blogger nuong sabihin yun ni direk RCA.

"Basta ang mithiiin ko lang, makagawa ng mga pelikulang maipapakita pa rin ang kagandahan ng buhay at mga pangarap ng mga kabataan", pagtatapos na wika ni direk RCA. "Malinis ang intensyon ko. Kaming mga kabilang sa T3 Community Foundation, ang hangad lang namin ay makatulong sa mga batang artista at mailahad ang mga mensaheng nais naming ipahatid sa mundong ito."

Salamat at may isa pang direk RCA. Mabuhay!


(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...