john: lovable in red |
john: multi-talented |
john: serious |
Seven years old pa lamang si John Mc Earl ay umaarte na siya, kumakanta at sumasayaw. Maaga niyang natuklasan ang kanyang mga talento at pinursigi niyang pag-ibayuhin at mas pagbutihin pa ang pagsasanay sa kanyang mga talento. Hindi siya nagsasawa dahil masaya siya sa kanyang mga ginagawa. Alam niya, napapasaya niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga talento niya.
At mas lumawak pa ang mga karanasan ni John sa pagdaloy ng panahon. Siyempre, na-"expose" na kasi siya sa publiko. Kumakanta't sumasayaw sa mga events, sa mga mall shows, at iba pa. Umaarte sa mga stage plays, short films at indie films. Paminsan-minsan, nagmo-modelo din siya. Kaya sa batang edad pa lamang, hayun at tila mas kuminang pa ng husto ang mga talento niya.
john as the poster boy and male lead in the film "HIWAGA" |
Kamakailan lang nga, marami siyang pinahangang media at press people nu'ng mapanood siya sa pelikulang Hiwaga (na showing na today, March 29 sa SM Cinemas at SM Cabanatuan). Kakaiba kasi ang ipinamalas na acting doon ni John. Paiiyakin ka niya sa galing ng atake niya sa karakter na ginampanan niya.
"Challenging po kasi 'yung role kaya ginalingan ko talaga", bungad na sabi ni John sa isang blogger during a free heavy lunch treat mula sa direktor ng pelikulang si direk Ricojohn Amparo sa isang mamahaling restaurant sa Fisher Mall. "Ang role ko kasi, bilang nag-iisang anak na lalaki at kailangang alagaan ko't protektahan ang mga kapatid kong babae- at, tatlong babae 'yun, nag-iisang lalaki lang ako. Namatay yung nanay namin at dinala kami sa bahay-ampunan hanggang sa lumaki ako at hinanap ko sila. Talaga pong dinama ko 'yung papel na ginampanan ko. Para sa akin kasi, bihira lang po 'yung mga ganu'ng klase ng papel sa pelikula, eh."
john: candid |
john: so cute in casual shorts |
john: boyish |
At dahil talagang totally devoted si John sa kanyang role sa pelikulang HIWAGA, lumabas lahat 'yung mga nag-uumapaw niyang damdamin sa karakter niya sa isang highlight scene ng pelikula. 'Yung Valedictory Address Speech niya na talagang patutuluin ang mga luha mo. Napaka-banayad ng acting doon ni John, pero TUSOK NA TUSOK.
"Salamat po ng marami sa mga papuri, tito Robert", reaksyon naman ni John. "Maski nga ako, Tito, talaga ring napaiyak sa eksenang iyon. Bigla na lang dumaloy mga luha ko sa mga mata ko. Basta nagsalita lang ako ng nagsalita, pero umiiyak ako."
Pang-Oscar awards ang mga ganuong tipo ng acting. Pang-international, 'ika nga. 'Yung hindi ka OA umarte, pero tumatagos. Ganun ang gustong klase ng acting sa mga international film festivals. Alam namin yan!
Anyway, let's get to know more about JOHN.
"Marami po ang nag-aakala na foreigner ako dahil sa apelyido ko", dagdag na sabi ni John. "I am very much a Filipino po, tito Robert. Sa Quezon province ako isinilang pero sa Maynila na ako lumaki at nagka-isip. Presently, Grade 10 na ako sa Blessed Adelaide Academy Catholic School. Fisteen years old pa lang ako. At bata pa ako, hilig ko na talaga ang kumanta. Basically po kasi, singer talaga ako at 'yun ang first love ko. Pero nung matuklasan kong nakakaarte din pala ako, sinubukan ko na rin."
Kung titignan mo on a "quick glance" si John, iisipin mong nagpapa-"cute" lang siya o kaya, typical na makulet na bagets lang. Pero there's something deeper about John. At ito ay ang malalawak at malalalim na mga karanasan niya sa buhay.
"Kabilang po kasi at miyembro po ako ng isang Foundation- ang T3 Community Foundation", kuwento ni John. "At doon po sa amin sa T3, ang ginagawa namin ay nagpupunta at naglalakbay kami sa mga bundok at gubat para tulungan ang mga native-born Filipinos, in short po, ang mga Aetas sa bundok na mga kapatid din natin at mga kadugo- lalo na po ang mga Lumads. Pinapatay na po kasi sila, pero ngayon, tinutulungan na namin sila para mabuhay. Kinakantahan ko din sila at sinasayawan kapag may outreach programs po kami para sa kanila. Dito mas lumawak ang mga karanasan ko. Masarap po kasing tumulong at magbigay."
Isang miyembro pa nga ng T3 Community, in person of Mam Faith Lacanay ang nag-attest sa blogger na ito na napakasipag ni John na magpunta sa mga Lumads at Aetas sa mga bundok. Lagi raw nagpiprisinta si John. Napakabait na bata raw. Si John ang tinaguriang "Ambassador of Goodwill" ng T3 Community.
At si direk Ricojohn Amparo naman, wala daw naging kahirap-hirap na idirek si John sa pelikula.
"With the help po of our Foundation, nakita ko po ang mga nangyayari sa mundo at sa mga tao sa paligid natin", sabi pa ni John. "Kahit moderno na ngayon, lalo na sa technology, 'yung mamuhay ng simple ay nakita ko ng mas malawak at mas malalim. Pati nga mga kalabaw, inaakap ko, kapag nagpupunta kami sa mga bukirin, gubat at bundok, Tito Robert. Sarap ng pakiramdam.
"Si direk Ricojohn po naman, napakabait niya bilang isang direktor", dugtong ni John. "Ginagawa niya ang lahat para tulungan ka at mas makaarte ka pa. Pag nagagalit siya, gusto lamang niyang makuha mo 'yung gusto niyang ipalabas sa karakter mo na ginagampanan. Kaya mas lalo ka namang magpo-focus para pagbutihin mo pa."
Last question, naitanong pa namin kay John kung sino ang crush niya. Heto ang sagot ni John:
"Dalawa po sila, eh", huling sagot ni John Mc Earl. "Sina Liza Soberano at Sarah Geronimo ang mga crushes ko. Type na type ko po sila."
E-hemmmm.... malapit na, John. At makakasama mo rin SILA.
Hindi ba, Christopher Novabos (John's handler)?
(sinulat ni robert manuguid silverio)
john with this blogger |
john with his handler christopher novabos and co-talent czel santiago |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento