tessie lagman: tuluyan nang papasok sa mundo ng pelikula....


tessie lagman: years of dedication to the radio world

tessie: radio icon

tessie: a taste for acting this time


film poster of tessie lagman's new movie


Nanghihinayang ang veteran radio icon na si Tessie Lagman dahil hanggang ngayon ay hindi pa naipapalabas "theatrically" ang pelikulang Butanding, na kung saan, bale dito sa pelikulang ito siya napabalik sa paggawa ng mga pelikula. Sumikat si Tita Tessie sa mundo ng radio broadcasting bago mag-Martial Law. At isa sa mga radio programs niya noon ang "Operetang Putol-Putol", isang drama-opera play sa radyo.

Maganda at challenging ang role ni Tita Tessie sa Butanding, Pero dahil up to now ay hindi pa rin maipalabas ito, hayan at ang dami nang nagawa ni Tita Tessie na acting jobs in a span of two years after shooting the film Butanding.

"Lumabas muna din ako sa isang short video film na kung saan ang role ko ay parang si Tita Techy, ang lola na mahilig sa viral world", bungad sabi ni Tita Tessie sa kaibigan niyang blogger. "Idinirek iyon ni Dustin Silverio at nagkaroon yun ng viral launching sa internet last year. Ngayon naman, heto at natapos ko na rin ang isa pang indie film ko entitled Batak Bata, na prinodyus ng mga estudyante sa P.U.P. at doon pa sa Pilar Village wherein I reside kami nag-shooting.

"Ang role ko sa pelikulang Batak Bata ay mommy ako ng isang bata na isinilang ko through artificial insemnation", dugtong na sabi ni Tita Tessie."Tapos ang tunay na tatay pala niya ay isang drug lord nu'ng matuklasan niya sa bandang huli. Si Ernie Garcia ang gaganap na tunay na tatay nung batang anak ko."

Ipapalabas daw ang pelikulang ito, ayon pa kay Tita Tessie, sa isang student film festival. Heavy drama raw ang pelikula at marami siyang heavy dramatic scenes dito.

"Kaya napasubo talaga ako sa pag-arte ng todo-todo", sey ni Tita Tessie."Tinanggap ko ang pelikula dahil may magandang mensahe ito para sa mga kabataan. Suporta ko na rin ito sa mga student film makers dahil yung partisipasyon ko sa pelikulang ito, iniaalay ko sa kanila. "

tessie, together with her barkada at her radio program will have special appearances in direk byron bryant's TOFARM FILM FEST ENTRY: "SINANDOMENG"


Samantala, may isang indie film pa na gagawin si Tita Tessie at magiging maganda muli ang papel niya doon. Kaya lang, hindi pa puwedeng i-reveal dahil maaga pa masyado. May special appearance din siyang gagawin sa pelikulang Sinandomeng, isang film entry sa Tofarm Film Festival at mula sa direksyon ni Byron Bryant.

"I am spreading my wings", pagtatapos na wika ni Tita Tessie. "Sa radio program ko sa DZRM, we sing live on radio kasama ang isang gitarista. Mostly mga Tagalog Kundimans ang mga kinakanta namin doon. Pero dito sa mundo ng pelikula naman, natuklasan kong hindi lang pala pagkanta ang talento ko. masarap din palang umarte

"And I never thought that I can act",huling dugtong ni Tita Tessie. "Late bloomer ako when it comes to acting- and now that I got a taste of it, I don't want it to end."


Korek ka po, Tita tessie.


(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...