mommy renee garcia, nagbibigay ng chance sa OJT's na maging co-anchor niya sa radio program


mommy renee: on air

with fellow radio anouncers which includes arnold clavio

young student practioneers swarm all over mommy renee

renee garcia: picture perfect

the june 13 episode of YOUTHALKS WITH GUESTS AND ojt's

with pretty and handsome OJT's, actor LANCE RAYMUNDO , mommy renee and blogger ME, after an episode of YOUTHALKS at dzrm

mommy renee with blogger ME, direk arnel felix, jojo and rebecca


Napaka-supportive ni Mommy Renee Garcia sa mga student-practitioneers and OJT's niya sa programang YOUTHALKS, isang daily youth-oriented program aired from Mondays to fridays sa DZRM. Kasi naman, binibigyan ni Mommy Renee ng malaking participation sa kanyang radio program ang mga kabataang ito't mga estudyante na nagpa-practice maging mga radio anouncers din na tulad niya balang-araw.

"Lalo nu'ng last time na mamaos ang boses ko dahil sa fever", kuwento ni Mommy Renee sa friend niyang blogger. "Halos sila na ang naging DJ sa radio program ko. Ginawa ko silang mga co-anchors ko sa programa. At nagulat naman ako dahil lalong tumaas ang ratings ng radio show ko dahil halos lahat ng mga kamag-anak nila ay nakinig sa aking programa. Hahahaha!"

Pero nuon pa naman kilala ang radio program na YOUTHALKS. Malawak ang coverage nila- from Basilan to Jolo, at laging number one early evening time slot.

"They all love kasi the format of my radio show", anya pa. "It's really very educational at nagbibigay kami ng mga topics na ikasisiya ng mga young listeners ko. At kung minsan, naggi-guest din kami ng mga celebrities na lalong nagpapasaya sa programa."

Walang dull moment sa radio show ni Mommy Renee dahil ang galing ni Mommy renee sa mga ad-libs na nakakatawa talaga. Nariyang magpa-sweet siya, magbiro, magpa-cute sa pagsasalita. Kaya hahagalpak ka talaga ng tawa.

"Siyempre naman, hindi ka lang makapagsalita ng ilang segundo sa programa mo, baka ilipat na ng listeners sa ibang channel, eh", sabi pa ni Mommy Renee. "Kaya continuous ako sa pagsasalita. Ginagawa ko ang lahat para maaliw ang listeners ko."

Masaya din si Mommy Renee dahil sinusuportahan ngayon ni presidente Duterte ang lahat ng mga government-owned radio stations. Pati radio booths, PIA building, facade at iba pa, pinaayos na ni Presidente. kaya kapag papasyal ka ngayon sa radio station nila, very comfortable ang feeling mo dahil renovated na at wala na yung mga bats na bumabahay na dati sa PIA building (where DZRM is located).

"How I wish they will continue listening to government-owned radio stations", pagtatapos na wika ni Mommy Renee. "Kasi ang Public Service namin sa kanila ay wagas at dalisay".

Yun lang.


(sinulat ni robert silverio)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...