documentary film ni dexter macaraeg, umani ng mga papuri sa nagdaang selebrasyon ng 50th anniversary ni nora aunor




Huli man daw at magaling, maihahabol pa rin. Naidaos na nu'ng nagdaang Sabado sa Sampaguita Gardens ang 50th anniversary ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Kasabay din iyon ng 100 years Centennial Celebration ng Philippine Movie Industry. Pero higit na nagpakinang sa mga nabanggit na okasyon at selebrasyon ang screening na naganap doon sa isang napakagandang documentary film ni La Aunor. At ito ay idinerek ni Dexter Macaraeg, isang true-blooded Noranian at international award-winning filmmaker/

Marami ang naging emosyonal habang pinapanood ang nasabing docu film. Kasi, tunay na nanggaling sa puso ang mga nasabing salita ng mga taong na-interbyu ni Dexter sa docu film na iyon. Lalong-lalo na si Mr. Bernardo Bernardo, na nagawa ding um-attend sa selebrasyon nuong gabi na yaon. Kasi, sabi ng mga bisitang nandu'n, pinakamaganda raw sa lahat ang mga nasabi ni Mr. Bernardo ukol kay La Aunor.

Hindi na yata malilimutan ni Dexter ang mga naganap pa- dahil sulit na sulit ang lahat ng pagpupuyat at pagpapagod mapaganda lamang niya ang kanyang docu film sa nag-iisang Superstar ng bansang Pilipinas. Kasama ang iba pang celebrity guests na sina Maricel Soriano, Cocoy Laurel, Teri Aunor. direk Elwood Perez, ang anak ni Nora na si Matet de Leon, at marami pang iba.

Siyempre naman, walang ibang sasaya pa gabing naganap ang mga Solid Noranian na pawang mga naka-gown ang mga kasuotan. It was a very personal evening for all of them.

Ang docu film na TAGAHANGA ay nakatkdang maglakbay pa sa ibang bansa sa susunod na taon. Inimbitahan na ito ng Los Angeles Film Festival, at sa buwan ng Nobyembre ay muli itong mai-screen sa University of the Philippines' Cine Adarna.

Ang TAGAHANGA ang alay ni Dexter para kay Nora Aunor.


(WORDS BY ROBERT SILVERIO, AND PHOTOS COURTESY OF MR. DEXTER MACARAEG)






























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...