Wala na sigurong tataba pa ang puso kundi ang taong naka-discover sa kanya. Pinigil nito ang kanyang mga luha at emosyon nuong nakita niyang pumipirma na sa kontrata ang anak-anakan niyang si Ram Rivera sa isang 3-year exclusive managerial contract sa Philmoda (Philippine Modelling Agency) Artist Management ng batikan at pamosong si Mr. Jojo Veloso. Kasama ang handler niyang si Robert Silverio (kami po iyon- r.s.*), naganap ang pirmahan sa opisina ng Philmoda, last October 17, 2017. Si Mr. Silverio ang tumayong Guardian ni Ram kaya kasama ito sa pagpirma.
Naroon din nu'ng hapon na iyon ang ilang miyembro ng Bratboys na kinabibilangan nina Xander Pineda, Vincent Dajie Amura, Victor Rosales at Owen Cruz. Nag-pictorial agad si Ram, at kinagiliwan siya ng mga direktor at staff ng Sixteen Degrees Entertainment Productions.
Magiging busy na si Ram starting by the month of November dahil kasali na siya sa mga activities na gaganapin sa Face of the Year 2018, pati sa mga acting workshops, dance lessons and voice lessons na isasagawa naman ng Philmoda at Sixteen Degrees Entertainment Productions.
"Pupunta kami sa Zambales next month dahil duon idadaos ang acting workshop ng Philmoda's new set of actors and actresses", sabi pa ni Jojo Veloso, head ng Philmoda. "Nagkataong taga-Zambales pala itong si Ram. Matutuwa ang mga kakilala namin doon sa Zambales dahil may kababayan silang kasali sa workshop namin."
Yes, the Warrior is a Child. Ram Rivera may still be that young and innocent, but he's brave enough to face the battles.
Goodluck, Ram. Nasa likod mo pa rin kami- every step of the way.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento