Kapag ang isang grupo ng mga artistikong indibidwal ay nagsama-sama sa isang malalim na pagtatanghal ng isang halos nakalimutan nang kasaysayan ng buhay at lugar, ang oras at dimensyon ng panahon ay nakakapunta sa iba't-ibang panig ng kalawakan.
At, sa bawat pagkislap ng mga bituin sa gabi, ang liwanag ay masisilayan pa rin. Kasama ang maliit na buwan sa kalangitan, ang musika'y tutugtog pa rin.
HATINGGABI, BAWAT PANGARAP.
Ito ang ikalawang rebyung ito na sentimental para sa dulang "Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (The Musical)".
Hatinggabi, oo, hatinggabi, bawat pangarap.
Tulad din ng lugar na Maynila na mas nabubuhay kapag hatinggabi na, ang panahon ay nakakapunta sa iba't-ibang panig ng kalawakan.
Kapag ang isang lumang bagay ay mas higit pang pinahalagaan, ang pag-akap ng bawat nilalang na nakasaksi sa lumang bagay na iyon ay mapapaiyak.
At, sa pagpapakita ng tunay na kalagayan at estado ng mga taong napadpad sa madidilim na panig ng mundo, sa hatinggabi ng kanilang buhay, may pangarap pa ring umiiral.
Dahil sa maitim na kulay ng gabi ay nagkakaroon ng sari-saring kulay.
Sa mga taong nasadlak sa kapahamakan, ang dugo'y dumadaloy.
At sa mga taong nagsasama-sama sa paghatak ng isang imbisibol na lubid ng pagkakaisa't pagpupunyaging mabuhay pa rin-
Ang mga pawis at dugong kumakalat ay nagsasama-sama.Nagkakaisa. Lumalaban. Nagsaad ng sari-saring ekspresyon ng masalimuot na gubat.
HATINGGABI, BAWAT PANGARAP.
Huwag mo silang kalilimutan. Mapunta ka man sa Quiapo o Sta. Cruz, sa Recto man o sa Sta. Ana, sa Ermita o Tondo.
Ang puso doon ay mamamatay maging tanga ka man o hindi. Dahil ang reyalidad ng buhay ay magiging balakid sa anumang magagandang hangarin.
Dahil sa hatinggabi, wala ang araw.
At ang mga natitira mo na lamang na mga pangarap...
ang mananatili-
MAGPAKAILANMAN.
(sinulat ni robert silverio)
mga litrato ni DENNIS SEBASTIAN, maliban sa lumang MAYNILA na litrato na na-google lang ng manunulat na ito.*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento