minsan, sa isang hindi inaasahang tao mo makikita ang kahulugan ng panaginip mo kay direk MARYO J.- at si THONNIE SANCHEZ 'yun...

THE LATE MARYO J. DELOS REYES (R.I.P.): HE LEFT SO MUCH INSPIRATION TO EVERYONE

THONNIE SANCHEZ: AN ULTIMATE DREAM TO PRODUCE A TRIBUTE FOR THE LATE MARYO J.





'Yung panaginip, hanggang ngayon, hindi mo pa rin makalimutan iyon. 'Yung panaginip mo sa isang kaibigan nu'ng nabubuhay pa man, nag-effort nang pabalikin ka sa kanya. 'Yung kaibigan mong mula sa malayo ay sumubaybay pa rin sa iyo, nag-alala ng husto sa mga bagay-bagay na pinaggagagawa mo nuon. 'Yung kaibigan mong hindi basta-basta lang- malaki at higante- nakakalula ang kinalalagyan- na siyang ikinatakot mo dahil hindi mo nakayanan ang intensidad ng pagmamahal niya sa iyo.

'Yung panaginip na iyon na kung saan, ang kaibigan mong direktor na yumao na, binigyan ka ng ISDA. Isang isdang nakabalot sa kulay-gintong gift-wrap. At hanggang ngayon, hindi mo pa rin malaman ang tunay na kahulugan niyon.

Sa dinami-dami ng mga taong nakausap mo na pawang nagmahal sa direktor na kaibigan mo- magmula pa nu'ng lamay at burol, libing, at sa mga panahong nagdaan pagkatapos ng kanyang pagyao, napakarami nila. Lahat sila, umiyak. Lahat sila, nadama mo, mahal na mahal talaga 'yung direktor na kaibigan mo. At, karamihan sa kanila, mayayaman talaga. Kayang-kayang sagipin ka, o bigyan ka ng trabaho, o kaya'y gumawa ng isang proyekto na kasama ka, sa ala-ala ni DIREK MARYO J.

Pero lahat ay naging ningas-kugon lang. Hindi ka rin naman kase nangulit sa kanila, dahil una sa lahat, hindi maalis 'yung impresyong mahirap ka lamang at baka isipin nila, gagamitin mo lamang sila, ganu'n... Kaya hinayaan mo na lang.

Pero bakit ganu'n? Sadyang laging may mga bagay-bagay na nagpapaalala sa iyo ukol sa direktor na kaibigan mo? Lalo na 'yung ukol sa panaginip na iyon. 'Yung unang panaginip na tunay na nagmarka sa iyo, dahil nasundan pa ng ilang mga panaginip ang unang panaginip na iyon sa direktor na kaibigan mo.

Sa dinami-dami nila, mayroong ISA. Naramdaman mo, gusto talaga niyang magka-tulungan kayo. At lalong mas gusto rin niyang gumawa ng isang proyekto bilang paggunita sa dakilang direktor na iyon. Na maski hindi siya kumita, okey lang. Dahil naramdaman mo, mas maigting sa PUSO niya ang makagawa ng isang bagay du'n sa direktor na nagbigay ng ibayong INSPIRASYON sa kanya at nagdala sa kanya kung nasaan man siya ngayon.

Ang taong iyon ay walang iba kundi si THONNIE SANCHEZ, ang may-ari ng STAR CREATION ARTIST MANAGEMENT.

'Hindi matatapos ang buhay ko hangga't hindi ko nagagawa iyon", sabi pa ni Thonnie sa iyo. "Iyon ang ultimate dream ko, ang makagawa ng isang TRIBUTE kay direk Maryo J. O di man, maski isang dula ukol sa buhay niya o isang major concert na ukol rin sa buhay niya. Mula pa nuon ay kinakausap na kita, Tito Robert. Dahil alam ko, mahal na mahal mo ang kaibigan nating iyon. Ang kaibigan nating nagbigay ng kahulugan sa pagkatao natin, nagbigay ng saysay, at nagmahal sa atin.

"Habang nabubuhay ako, Tito Robert, gagawin at gagawin natin 'yan", dugtong pa ni Thonnie. "Dahil 'yun bang maibalik man lang natin sa kanya ang kabutihang ipinamalas niya sa atin, mamamatay tayong nagawa ang bagay na nararapat para sa kanya.

"Kaya sana, Tito Robert, magtagumpay itong pakikipag-usap ko sa isang producer sa Taiwan", anya pa. "Kahit papa'no, baka kumita ako maski kaunti. Kahit papa'no, makakakilos na tayong dalawa."

MAY ISANG ISDA PA RING NATITIRA AT SI THONNIE SANCHEZ 'YUN.

**************************

"May isang isda pa ring NATITIRA. Agawin man nilang lahat ang mga isdang ibinibigay sa iyo ng mga kaibigan mo, may isang isda pa ring matitira  para sa 'yo. At, kung mawala pa rin ang isdang iyon, huwag kang mag-aalala, may isda pa ring darating. Dahil hindi mauubos ang isdang nararapat para sa iyo."

Minsan, narinig mo na ang mga katagang iyan. Hindi mo lang malaman kung sa anong dimensyon man o panahon.

************

Nabuo at napaunlad ni Thonnie Sanchez ang STAR CREATION ARTIST MANAGEMENT dahil sa inspirasyon at motibasyon na ibinigay sa kanya ng yumaong si direk Maryo J. nu'ng naging kasa-kasama siya nito- nuong mga panahong nabubuhay pa ang direktor. Ito ang nagturo sa kanya, nagbigay ng mga payo, ng lakas ng loob, ng pagmamalasakit.

Kaya ngayon, kahit papa'no ay may pangalan na ang talent management ni Thonnie, umigting pang mas lalo ang pagnanasa niyang bigyan ng Tribute balang-araw ang yumaong direktor- at,

Sa pagkakataong ito, isasama niya ang isang kaibigan ni direk Maryo J.-

Isang kaibigang nuon pa man ay nakaupo lang at naghihintay...

na samahan din SIYA.


MAGPAKAILANMAN.



Ako, si ROBERT MANUGUID SILVERIO.*



THONNIE SANCHEZ WITH ROBERT SILVERIO AND MR. FRANK RIVERA DURING VINCE TANADA'S BIRTHDAY BASH

THONNIE WITH HIS TALENTS

THONNIE HAVING A MEETING WITH MRS. ELAINE TANADA-CORONEL

THONNIE AT STAR CREATIVES OFFICE

THONNIE SANCHEZ WITH RODEL FRUTAS, ROBERT SILVERIO, ELAINE TANADA-CORONEL & VINCE TANADA
DIREK MARYO J. (R.I.P.): HIS LEGACY CONTINUES...





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...