lance: all set to portray JUDAS? |
The Judas Iscariot of the Holy Bible |
Hindi ba kayo marunong bumasa? O sadyang malabo na ang inyong mga mata? Totoo po. Totoo po ang nabasa ninyo sa itaas. At iyan ay ayon na mismo sa aktor na si Lance Raymundo!
Yup. Malaki po ang posibilidad na gampanan ni Lance Raymundo ang papel na Hudas sa darating na Mahal Na Araw!
"And I don't even have any second thoughts", wika pa ni Lance sa kaibigan niyang blogger. "I guess, it's high time for me to experiment on portraying other characters in the life of our blessed Jesus Christ."
Sa mga ignorante at walang alam diyan, maka-ilang taon na kasing nag-portray si Lance sa papel na Kristo sa isang Senakulo, sa isang theater group sa Sta. Ana, Manila. Ito ay nagaganap na taon-taon, bago pa man nangyari 'yung very tragic na facial accident ni Lance sa kanyang mukha.
Marami nang milagro at "very divine things" na nangyari sa buhay ni Lance na ma-a-atribute niya sa pagganap kasi niya bilang si Kristo, pero siguro, marami diyan ang hindi maniniwala at sasabihing OA lang si Lance. Kaya hindi na natin ita-tackle 'yun.
Hindi man namin naitanong kay Lance, siguro, naramdaman niya, na ang pagganap niya bilang Kristo ay sapat na. Ganap na. Kaya pinag-aaralan naman niya ngayon ang gampanan ang papel ni Hudas.
"Let's just wait and see how my fans and friends will react to this", muli pang sabi ni Lance. "But in the meantime, I'm already pretty excited about portraying Judas. It's a very challenging role. His character is so sympathetic, and the most misunderstood. It's only Jesus Christ who understood him pretty well, even though He was betrayed."
Sa tuwina, nage-eksperimento kasi ang mga maka-Sining na alagad ng Diyos. Mga aktor, singers, and the likes. Mas gusto nila ang mas malalawak na hamon at mga pagbabago sa mga karera nila. To further explore and move on.
"Playing Judas soon, I guess, I will still offer it to God Almighty", nasabi pa ni Lance sa bandang huli. "I will make people understand how it is to be human, to be tempted by 30 pieces of silver coins, and to be affected by your guilt in the end. Being human, you must know the results of your evil ways and the consequences. It's a great kind of character that I'll gonna portray soon."
Pagkatapos ng Valentine's Day, one month after, Holy Week naman. Sa mukat-mukat mo, nariyan na. Kaya magsimula na tayong magtika, maghanda. Sabi nga ni Kristo: "You do not live by bread alone."
Dahil tulad ng isang Lance Raymundo, may mas malawak pang kahulugan ang bawat bagay sa mundong ito.
Hindi ba, Ms. Beni Saunders?
(sinulat ni robert manuguid silverio)
photos by mr. wilson fernandez of manila bulletin and mr. lance raymundo himself
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento