direk neal 'buboy' tan: "we all need one another" |
direk buboy: "film arts will move on" |
direk buboy: a kindred spirit |
Isa si direk Neal "Buboy' Tan sa mga Pinoy celebrities na hinangaan namin ngayong umiiral pa ang Covid-19 Pandemic sa bansa. Sa kanyang mga FB posts, mai-inspire ka, you would feel positive in life, at mas lalo mo siyang hahangaan. Lalo na when it comes to Artistry, you would feel enthralled sa kanyang mga piano music renditions and covers sa mg FB videos niya. Maiinlab ka naman sa mga romantic posts and pictures niya kasama ang kanyang 'Forever', a young man named Mark, in which they are celebrating now their 8 years of togetherness.
At dahil may ECQ pa, natuwa kami dahil mabilis na nasagot ni direk Buboy ang na-PM namin sa kanyang mga new interview questions na pawang mga katanungan ukol sa Covid-19 health crisis at sa epekto nito sa Film and Entertainment industry.
Kaya hayan, look ninyo below ang aming Special Q & A (Question & Answer) kay direk Neal 'Buboy' Tan. Read on and cherish!
ANO ANG LEKSYON SA IYO NG COVID-19, DIREK NEAL?
NEAL: My biggest lesson is: Di dapat tayo nagkakanya-kanya, lahat tayo ay may obligasyon sa bawat isa.
AS A WRITER AND A FILM ARTIST, DO YOU FEEL THAT COVID-19 IS MAN-MADE OR GOD-MADE?
NEAL: Covid 19 is definitely man-made. Kailanman hindi ito naging kagustuhan ng Diyos.
PAANO MULING MAKAKATAYO NGAYON ANG FILM ARTS, AND ENTERTAINMENT ARTS AT THEATRICAL ARTS PAGKATAPOS NG ECQ? ANO ANG MGA SUGGESTIONS MO PARA MULING MAKATAYO ANG ATING INDUSTRIYA
NEAL: Nandiyan pa rin naman 'yan, hindi naman babagsak o hindi puwedeng mawala ang entertainment business. After this pandemic back to normal ang lahat. Makakabalik ang entertainment industry sa kabila ng mga pangyayari.
KUNG IKAW ANG PRESIDENTE, SA PALAGAY MO BA, DAPAT NANG I-LIFT-UP ANG ECQ SA APRIL 30?
NEAL:
If Iam the president syempre depende sa magiging sitwasyon at rekomendasyon ng nasa poder. Di lang naman ang Presidente ang nagdedesisyon, maraming factor ang dapat i-consider kapag nabawasan to the maximum level ang cases, so, why not? Wala rin naman may gusto sa ECQ.
SINO ANG TAONG UNA MONG AAKAPIN KUNG SAKALI MANG MA-LIFT NA RIN ANG SOCIAL DISTANCING?
Kung puwedeng yakapin ang lahat ng tao yayakapin ko! Pero for sure kung sino lang ang makaharap ko kahit sino pa siya yayakapin ko Hehe...
MAS LALO BANG NAGING INTENSE ANG PAGIGING FILM ARTIST MO AT PAGKA-PILIPINO NGAYONG MAY COVID-19 PA?
Yes, definitely. The more na nagkaroon ako ng mahabang oras sa pagpipinta, pagtugtog at pakikinig ng music. Ngayon ko lubos na pinahalagahan ang pagmamahal ko sa ARTS.
MAY NAIISIP KA BANG FILM MATERIAL UKOL SA COVID-19 PANDEMIC?
Actually, after watching noon sa Korean movie na the Flu, may nabuo akong kuwento about sa ating mga frontliners.
ANO ANG MGA TULONG NA NAIIISIP MO NOW PARA SA KAPWA MO PILIPINO?
Sa ngayon since we are still under ECQ, bukod sa immediate na tulong sa pagbibigay ng pagkain at maliliit na ayuda sa mga taga dito sa area namin, and in my own personal capacity siguro through social media ay yung makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng mga posts at advises sa mga friends natin- lalo na sa Facebook.
LAST QUESTION: DO YOU HAVE RESOLUTIONS ON HOW ADVOCACY FILMS COULD WITHSTAND THIS TEST OF HEALTH CRISIS AND SOCIAL DISTANCING?
Siguro after this pandemic marami tayong pwedeng natutunan na dapat malaman ng mga kabataan lalo na sa mga wala pang muwang sa panahong ito na minsan nangyayari ito at maari pang mangyaring muli na dapat isa-pelikula o i-dokumento ang trahedyang ito at ang mga tamang gagawin like social distancing, di lang tamang pag-iingat o paghuhugas ng kamay, kungdi ang pagsunod at pagsuporta sa pamahalaan para maging handa pa tayo kung sakaling mangyari ulit ang ganito.
DIREK BUBOY WITH IZA CALZADO |
direk buboy with FOREVER |
direk buboy with fanny serrano |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento