direk lester: younger and unshaven |
direk lester with his camera |
direk lester: unshaven, unsctched. |
direk lester with veteran film director cloyd robinson |
DIREK LESTER IN MANY FORMS |
direk lester with indie film actor john remel flotildes |
Anyway, ngayong lahat halos ng mga taga-entertainment and film industry ay naka-quarantine, alam naming mas gumagana ang "innermost thoughts" nila. Kaya naman sa isang private message conversation kay direk Lester na may regular TV show din sa PTV-4, we asked about his "thoughts".
Hindi naman kami pinahiya ni direk Lester at sumagot siya ng napakagagandang mga salita sa ibaba na mas lalo pang lumikha ng magandang impresyon namin sa kanya.
Basahin ninyo sa ibaba ang mga "thoughts" ni direk Lester. Tumutusok. Malalim. Puno ng kahulugan.Kung ang lahat ba ng younger film directors natin ay tulad ni direk Lester, nakikitaan pa rin namin ng magandang kinabukasan ang film industry. Hindi siya pa-impress, hindi siya "elite" o "snobbish", lalong hindi pa-sosyal na siyang ikinaiinis namin sa karamihan ng mga younger film directors ngayon sa bansa- lalo na sa mundo ng indie films. Naglitawan doon ang sankaterbang "egoistic and ignorant" bunch of younger film makers, na ang pini-please lang ay ang mga sarili nila. Buti naman, sinang-ayunan na kami minsan ng isang Master film director sa katauhan ni direk Jose Javier Reyes (or Joey Reyes to many) sa opinyon naming iyon.
Kaya naman nang makilala namin si direk Lester, nagbago na ang aming pagka-dismaya sa younger film directors ngayon. Napunuan na niya, ika nga. Hehehe.
Cherish and enjoy direk Lester's wonderful thoughts below about ECQ's effects on the entertainment and film industry. READ ON!
DIREK LESTER DIMARANAN'S WORDS ABOUT COVID-19 AND ITS EFFECTS ON THE ENTERTAINMENT SCENE:
1. "One of the biggest lesson ng COVID 19 sa akin? Yung word na revision. Nagkaroon tayo ng panahon upang mareview ang mga dating ginawa natin at gagawin pa lang at i-revise kung ano ang mga dapat baguhin. Hindi lang sa script o trabaho pati sa direksyon na tinatahak ng bawat isa, kailangang magnilay-nilay at i-consider ang mga nasa paligid mo".
2. "Kung ito ay 'man-made' o 'God-made'? Kung ito man ay ginawa ng Diyos, siguro ay divine justice ito o karma sa atin. Kung ito naman ay gawa ng tao tingnan natin kung anong bansa ang mas tatamaan. Pahinog pa lang ang bunga. Tingnan natin kung sino ang pipitas at makikinabang".
3. "Kung paano babangon ang industriya ng entertainment pagkatapos ng lahat ng ito? Aminin man natin o hindi bago pa man ang Virus na ito ay mahina na ang industriya natin. Mas suportado kasi ng masa ang mga western movie. Mas natuto ang viewers sa kultura at tradisyon ng ibang bansa kumpara ng sarili nating bansa. SIguro magandang pagkakataon ang simulang ito para gumawa tayo ng pelikulang mas sumasaklaw sa bayan natin. Para bago pa man malimot ang lahat ay mapakita natin sa mga bagong henerasyon ang dating kultura, tradisyon at mga paniniwala na meron tayo. At sana suportahan tayo ng mga sinehan upang hindi naman masayang sa wala ang pera ng mga producer na nagtitiwala sa trabaho natin".
4. "Kung ako ang president regarding sa extension ng ECQ, i-extend ko talaga ito para sa ikabubuti ng nakakarami pero kailangan hayaan na magsimula uli ang ilang negosyo kung hindi ko naman sila isasali sa mga bibigyan ko ng ayuda dahil kapos na tayo sa budget".
5. "Yes may naiisip akong materyales pero hindi tungkol sa pandemic na marami na ang nakagawa. Mas magandang gawan ng istorya ang lockdown na nangyari sa atin. At kung paanong nangyari na nawalan ng silbi ang magagandang cellphone at branded na bag at ilang material na bagay".
6. "Mas lagi ko na silang nayayakap ngayon. Higit lalo ng matapos ang dalawang lingo kong self quarantine".
7. "Matapos ang mga pangyayaring ito. Naniniwala akong kayang bumangon ng mga Pilipino. Pero tingin ko ay magiging leksyon sa nakakarami ang pagkakaiba ng wants at needs. Dagdag ko na rin ang pagiging mabuti sa lahat ng makakasalamuha pa natin. May mga kilala akong pumanaw sa COVID19 at meron ding sa natural na sakit. Pero ang bottom line hindi man lang ako nakasilip sa kanila at nakapagbigay ng huling respeto".
8. "Mas naging intense ang pagiging film artist ko. Pero sa panahon ngayon mas nakita at naramdaman ko talaga ang kahalagahan ng necessity sa mga taong dati ay mas mahalaga ang luxury at social image nila. Magandang materyales pero nakakalungkot dahil sa panahon ng social media na tila pinaiikot ng paramihan ng likes at pagkukunyari, may takot pa rin at agam-agam ang iba sa totoong gusto nilang sabihin".
9. "Pagdating sa pagtulong sa kapwa. Sa totoo lang. Sa gaya kong freelancer at no work no pay maging ako ay nangangamba sa seguridad namin. May ipon tayo. May nadudukot pa naman. Pero di pa tayo tiyak sa itatagal ng ganitong sitwasyon. May mga natulungan ako pero tingin ko ay hindi na dapat pang ikwento ang kahinaan ng iba upang lumabas na mas malakas ako".
10. "Regarding sa resolution on how Advocacy films could withstand health crisis and social distancing. Sorry pero hindi ata resolution ang sasabihin ko kasi kaya namang gawan yan ng paraan. Mas gusto kong hamunin ang mga nagsasabi na ang ginagawa nila ay advocacy film, baka mas dagdag sa marketing nyo kung maglalagay kayo ng beneficiaries din sa advocacy nyo lalo sa panahon ngayon".
(THOUGHTS BY LESTER DIMARANAN, INTRO WORDS BY ROBERT SILVERIO).***
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento