DELIA LANDAGAN, ANG TOKYO-BASED LADY JOURNALIST NA MALAPIT SA PUSO NGAYON NI NORA AUNOR...


nora aunor and delia landagan: friends forever!
nora: finally finds her true friend
delia: always excited to receive calls from the Superstar
nora aunor: the most famous Bicolana
delia: loves gourmet dishes



Maliit lamang ang mundo at tayo-tayo rin naman ang magku-krus ng mga landasin....

Dalawang Bicolana ang pinagtagpo ng tadhana dahil sa Facebook o Socaial networking sites.

Ang isang Bicolana na iyon, kinilala dahil sa kanyang napakagandang tinig, tinaguriang Superstar ng bansang Pilipinas.

Ang isa namang Bicolana, isang manunulat na nag-ibayong dagat at naging isang matagumpay na OFW sa bansang Hapon.

At ngayon, araw-araw silang nagtatawagan sa chat options ng Facebook. Hindi matatapos ang araw nila kung hindi sila nagkakausap. Vibes na vibes silang dalawa. Halos lahat na yata ng topics under the sun ay napag-usapan na nila.

Dahil parehong Bicolana, marami silang pinagka-pareho sa mga pananaw sa buhay, sa mga gusto at hindi gusto at sa mga paniniwala...

At isang matibay na FRIENDSHIP ang muling nabuo.

Ang Superstar ay sadyang naghahanap ng isang tunay na KAIBIGAN.

Sa wakas, natagpuan din niya ito.

Sila ay walang iba kundi sina Ms. NORA AUNOR, ang Superstar ng Pelikulang Pilipino at si Ms. Delia Landagan, ang Tokyo-based lady journalist.

Maski malayo sila sa isa't-isa sa ngayon, hindi naging hadlang ang mga dagat at bundok sa tunay na friendship na umiigting sa mga puso nila. Salamat sa modern-day technology na tulad ng Facebook.

"Sa pag-uwi ko sa Pilipinas, ang unang-unang bibisitahin ko ay si Ate Guy", sabi pa ni Delia sa isang blogger. "Gustong-gusto ko na siyang maakap, mahipo, muling makita sa personal. Hindi yung puro usapan na lang kami sa FB chat calls or video calls. Iba pa rin 'yung personal na kaharap mo na ang kaibigan mo.

"Isasabay ko na rin ang pakikipag-meet ko sa blogger na si Robert Silverio at kay direk Elwood Perez", dugtong ni Delia. "Bonding-bonding lang kapag may time. Si Robert kasi, kababata ko siya sa Roxas District, Quezon City noon. Kilala ko ang father niyang magazine editor na pumanaw na at ang mga ate niya. Magkakapitbahay kami noon sa Roxas District. Si direk Elwood naman, matagal ko na siyang hinahangaan bilang isang direktor. Kaya gusto ko rin siyang ma-meet ng personal."

Maski ano'ng pilit namin kay Delia na tanungin kung anu-ano ang pinag-uusapan nila ni Ate Guy, wala talaga itong kinukuwento. Ganu'n siya ka-discreet at ka-protective sa friendship niya sa kanyang idolo.

"Alam ko kasing marami nang beses na nasaktan si Ate Guy pagdating sa mga tao kaya ayokong sirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin", pagtatapos na wika ni Delia saisang blogger. "Ayoko nang muli pang saktan ang puso ng idolo ko. Iniingatan ko iyon. At sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil ako ang napili niyang tawagan araw-araw. Nakakataba ng puso talaga. At alam ko rin, handa akong ipaglaban ni Ate Guy."

Nakatitiyak kami, this time around, the Superstar has picked-up the right person to be close to her.
Kaya hihintayin na namin ang pagbabalik mo sa bansang Pilipinas, Ate Delia. Mabuhay!!!!



(sinulat ni robert manuguid silverio)

2 komento:

  1. Congrats sis Del sa bonding nio ng mahal nating Superstar⭐💖 I am indeed happy for you both true friendship!!!

    TumugonBurahin
  2. You have been an avid fan of our Superstar Ate Guy eversince, you did not leave her through thick and thin. You both deserve sincere frienship. Kudos!

    TumugonBurahin

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...