Kitang-kita na ngayon ni Lance Raymundo ang kaibahan ng reception ng audience kapag mas makatao ang atake niya sa kanyang role bilang si Hesukristo sa Senakulong "Ang Martir sa Golgota". Dahil sa kanilang naganap na unang pagtatanghal last April 7 sa Greenfielf District, kitang-kita ni Lance na mas nakaka-relate ang mga tao na this time kapag hindi masyadong "holy" o banal ang pagganap niya sa role ni Hesus.
"Iba na ang concept ko as Jesus Christ this time around", sabi pa ni Lance sa kaibigan niyang blogger. "Totally, iba na. Kung nuon- pa-holy-holy pa ako, this time, mas normal na ako. You see, Robert, you learn as you go along the way, eh. Mas nakikita mo 'yung katotohanan. At iyon na ngayon ang in-apply ko.
"Kaya I got more excited this time playing Christ", dugtong na sabi pa ni Lance. "Oo, mas excited talaga. Kasi before, may kaunting nerbyos pa ako in portraying that role. Pero 'yun nga, natuto na ako. mas maganda pala yung approach na mas human si Kristo. Mas totoo pa at mas makatao."
Hindi na rin PERFECTION ang nais na makamtan ni Lance this time bilang si Kristo.
"I'm not thinking of perfection any more but rather honesty and sincerity", pagsasaad pa ni Lance. "|Kasi, kapag mas may sinseridad ka at pagiging matapat, mas epektibo mo palang magagampanan 'yung role. Hindi pala sa perpeksyon mo makukuha ang katotohanan."
Kapag nagpe-perform na daw ngayon si Lance sa Senakulong Martir Sa Golgota, nakikita na niya ang mga tao. Hindi na siya nag-iisa. Hindi tulad nuong singer pa lamang siya, kapag umaawit siya sa loob ng isang studio, tila wala siyang nakikita. Tila nag-iisa lang siya.
"Yan ang malaking kaibahan sa lahat", dugtong pa ni Lance. "I offer kasi my performance to the public and for the glory of God's goodness. Katoliko rin kasi ako and I want to interact with my fellow Catholic people. be more selfless and be more giving. It's also my thanksgiving to God."
Magkakaroon ng huling performance bukas ang Martir sa Golgota sa Plaza Hugo sa Sta. Ana, Manila. naging tradisyon na ito sa lugar na iyon kaya naman taon-taon ay inaabangan ito ng mga taga-Sta. Ana. At para kay lance na pangalawang beses nang gaganap sa papel na Hesus, isang senyales ito ng mas matindi niyang debosyon at pakikipag-relasyon kay Hesus.
"Personal na iyon at alam naman na ng lahat ang mga anngyari sa akin", pagtatapos na wika ni Lance. "In my own little way, I am spreading His goodness. And I am thankful he gave me that chance."
(sinulat ni robert manuguyid silverio)
PHOTOS ABOVE GRABBED FROM LANCE RAYMUNDO'S FB PAGES---*
PHOTO CREDITS: WILSON FERNANDEZ OF LIWAYWAY MAGAZINE |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento