"ang pagtulong ni direk maryo j. ay hindi matatapos dahil sa pagkamatay niya, he will continue to help maski nasa better place na siya now!"- spirit questor nick nangit

nick with direk maryo j. delos reyes (r.i.p.)
nick nagit's last photo with the late maryo j. delos reyes (r.i.p.)

nick guided a blogger.

Sobrang nagpapasalamat ang isang blogger sa Spirit-Questor and Psychic na si Mr. Nick Nangit sa nagdaang mga gabi ng mga lamay ni direk Maryo J. delos Reyes (R.I.P.) bago tuluyang nailibing ang magaling na direktor. Si Nick kasi ang umalalay, gumabay at nagpayo sa blogger na iyon na kaibigang matalik ni direk Maryo J. na huwag mag-breakdown sa pagkamatay ng direktor. Dahil sa magagandang spiritual advices ni Nick, nailagay sa maayos ang damdamin ng blogger na iyon. Kaya bilib talaga ang blogger na iyon kay Nick.

Sa isang interbyuhan, maraming nasabi si Nick sa blogger na iyon. At naririto ang ilan sa mga nasabi ni Nick, lalo na ukol sa pagkamatay ni direk Maryo J. delos Reyes:

"It's really very sad", sabi ni Nick. "Direk Maryo is so well-loved by almost everyone in showbiz industry. He has so many plans pa, so many dreams, so many things to do pa. So many projects din. Kaya lang, naputol lahat iyon dahil sa pagkamatay niya.

"You see, kapag may mga unfinished businesses ka pa sa mundong ito, hindi mo agad pupuntahan ang liwanag para akapin 'yun", dugtong na sabi ni Nick. "Ang pagtulong niya sa kapwa tao niya, hindi 'yun matatapos dahil lang sa pagkamatay niya. Although he's in the better place now- compared dito sa earth na kinalalagyan natin, 'yung puso niya, maiiwan para gabayan pa rin tayong lahat- lalo na ang mga kaibigan niya."

Ang napansin pa ng Spirit uestor na si Nick, nu'ng first night nght ng wake ni direk Maryo J.- may dalawang grupo daw ng mga nagsipagpunta duon.

"Oo, na-notice ko 'yun agad", wika pa ni Nick. "There were two groups and two kinds of people who went to direk Maryo J.'s wake", anya pa. "Ang unang grupo, sila 'yung nasa isang tabi lang at tahimik na umiiyak. I can say, sila talaga 'yung malalapit sa puso ni direk Maryo J. Hindi sila gaanong kumikilos sa kinauupuan nila dahil sa sobrang hinagpis. 'Yung ikalawang grupo, sila 'yung mga mahilig sa limelight. Mahilig silang tsumika. Sila 'yung mga ordinary friends lamang ni direk Maryo."


katrina

orlando

tintin

Napansin din ni Nick, na isang magaling na Psychic at Spirit Questor,- tatlong tao daw ang tunay na inaalala ni direk Maryo J. dahil baka tuluyang ma-depress ang mga ito sa pagkamatay ng direktor. Ang mga taong ito raw ay sina Orlando Sol, Katrina Halili at Tintin Ng.

"Mahal na mahal kasi nila si direk Maryo J. at sobrang affected sila sa pagkamatay ng direktor nila", sabi ni Nick. "Si Tintin, she tries it hard to hide her pains and sorrows, at mahirap gawin 'yun. Si direk Maryo J. ang security blanket ni Tintin at ngayong wala na si direk, baka magkaroon siya ng great inferiority complex. Si Orlando, sobra niyang mahal si direk Maryo J. at hindi pa niya matanggap ang pagkawala nito. While si Katrina, defensive siya sa feelings niya- pero very obvious na devastated siya sa pagkawala ni direk Maryo.

"Ang tatlong 'yan, dapat maalalayan ng husto dahil baka kasi bumigay", sabi pa ni Nick. "Baka mag-result sila into drinking or any kind of vices to escape their pains. Dapat masapo sila."

Bata pa raw si Nick, marami na siyang nakikitang mga multo and spirits. pero hindi niya alam na may Psychic ability rin pala siya, not until basahan niya ng cards ang yumaong dating head ng Spirit Questors na si Tony Perez. Nagkatotoo lahat ng mga sinabing readings ni Nick kay Tony, at magmula nuon, naging active Spirit Questor na si Nick.

"Pero ngayon, na-dissolve na ang Spirit Questors dahil nagkanya-kanya na kami", sabi ni Nick. "I am now on my solo path. Mag-isa ko na lang na tinatahak ang pakikipagsapalaran ko sa mga Spirits."

May kolum na sa diyaryong Arriba si Nick at mababasa doon ang kanyang mga predictions. Sa ngayon, todo-pasasalamat pa rin ang isang blogger kay Nick dahil sa Spiritual Enlightenment na ibinigay niya dito. More power sa iyo, Nick Nangit!




(sinulat ni robert silverio)

PHOTOS COURTESY OF NICK NANGIT'S FB PAGE;


nick: he sees spirits

nick: on his own now as a spirit questor

nick being interviewed by veteran movie scribe boy villasanta




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...