neal tan: true artist |
direk neal tan with his "forever" |
direk neal tan with rayver cruz and other female stars of "men in uniform" |
direk neal tan with the cast and staff of "men in uniform" |
wedding scene of empress schuck and rayver cruz, with direk neal |
a scene from the movie "men in uniform" |
direk neal instructs his actors |
drew, rayver, an officer and direk neal tan |
direk neal and rayver |
Marami na ang nananabik na makapanood ule ng isang Neal Tan movie. Iba kase ang touch and texture ng mga pelikula ni direk Neal Tan. May rugged approach na malalim. May commercial appeal din. Ilang beses na rin niyang napatunayan ang lakas niya sa takilya. At kung susuriin din ng mga kritiko, aprub sa panlasa nila.
Huli naming naka-bonding si direk Neal Tan nu'ng magturo siya ng Acting Workshop sa mga candidates ng Face of the Year 2018 ni Jojo Veloso. Hindi nagbago ng pag-uugali si direk Neal, mabait pa rin sa mga media people and old time friends. Kaya naman, patuloy itong gagawa pa rin ng pangalan sa larangan ng movie-making, sa angking kagandahan ng kanyang pag-uugali.
Hindi katulad ng ibang indie film directors diyan na akala mo na agad ay mga kung sino! Nanalo lang sa mga nameless international award giving bodies, feeling nila, sila na ang sasagip sa movie industry! Kung makapag-isnab at makapanglait ng press people ay gano'n-gano'n na lang. Ni hindi na nga marunong makisama, nakapagsabi pa ng mga hindi magaganda sa mga press people. Kay lalayo sa naging pag-uugali ng mga Master film directors na tulad nina Maryo J. delos Reyes (RIP), Celso Ad Castillo (RIP0, Ishmaehl Bernal (RIP) at Lino brocka (RIP). Ang mga dakilang direktor na ito ay sobra-sobra kung makisama sa press people!
Si direk Neal Tan, napakabait sa press. Lalo na sa TEAM member (The Entertainment Arts Media) press group na kung saan, nagbigay pa siya ng pang-raffle sa mga ito nu'ng nagdaang Christmas season of 2017.
Anyway, may bagong film ngayon si direk Neal Tan (ang direktor na mahilig sa mga advocacy films and also 'yung mga socially-relevant films). This time, a story about our Policemen na lagi na lamang nakikita sa maling pamamaraan ng publiko. Sa totoo lang, 'unsung heroes' ang mga Policemen natin. Dapat din silang bigyan ng tamang pagpapahalaga.
Kaya naman sa pelikula ni direk Neal Tan, na ang pamagat ay MEN IN UNIFORM, matutunghayan muli ang pagka-bayani ng mga Pulis. Bida rito sina Rayver Cruz, Alfred Vargas, Empress Schuck, Jeric Raval, Rommel Padilla at marami pang iba. Ipakikilala naman sa pelikulang ito ang mga bagong alaga ni Jojo Veloso na sina Polo Laurel at Omar Wency de Bangco.
More power to you, direk Neal Tan! Tatagal ka pa sa mundo ng pelikula, hindi tulad ng ibang indie film makers diyan na kay yayabang. Lalo na yung isang matabang assistant ng isang babaeng nakaupo sa puwesto! Sobrang yabang nu'n. Hehehehe.
(sinulat ni robert silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento