robinson andres: patuloy ang pag-land sa top finishers ng ultramarathon races!


LAGUNA TO QUEZON 53KM ULTRAMARARON 2017

LAGUNA TO QUEZON 53KM ULTRAMARARON 2017


ABDUM 104KM ULTRAMARATHON 2017 (ANDRES BONIFACIO 104KM ULTRAMARATHON 2017)


PAMPANGA 61KM ULTRAMARATHON 2017 

PAMPANGA 61KM ULTRAMARATHON 2017 
CDH RESOLUTION RUN 2018 (32KM)0

Hindi na talaga paaawat ang mabait naming kapitbahay na si Robinson Andres. Talagang hindi siya titigil sa ultimate passion niya sa buhay- ANG PAGTAKBO SA MGA ULTRAMARATHON RACES. And take note, sa edad niyang 59 years old, aba naman, lagi siyang isa sa mga top finishers sa bawat Ultramarathon races na sinasalihan niya. Hindi naging balakid ang kanyang edad para matalo niya ang iba pang mga bagets na contestants. One of a kind, di ba?

Ngayon, naghahanda na si Robinson para sa padating niyang pagtakbo sa Sanctuario de Tarlac 50k Ultramarathon race. Sa Kapitolyo ng Tarlac City magissimula ang run. Tiyak niyan, lalampasuhin na naman ni Robin ang mga kalaban niyang bagets. Hehehe.

Last year, sankaterba ang mga Ultramarathon runs na sinalihan ni Robin. Kaya naman padagdag na ng padagdag ang kanyang mga medalya at trophies. Hindi na magkasya sa malaking aparador niya sa bahay nila sa Kingsville Subdivision.

Heto po ang mga races na sinalihan ni Robin last year:

Last year of November 25 and 26, 2017 ay sumali siya sa Andres Bonifacio Day (ABDUM) 100km. Ultramarathon. Nagsimula iyon sa Lipa City, Batangas at natapos sa Lumban, Laguna. Ang naging ranking niya ay 18th place out of 148 contestants. Ang running time niya ay 16 hours, 7 minutes and 8 seconds.

Nu'ng October 22 naman ng taong 2017 (last year din) ay sumali din siya sa Laguna to Quezon 53km. Ultramarathon.

Last December 2017 naman, sumali din siya sa Pampanga 61 km. Ultramarathon na dumaan sa Angeles City, Pampanga at umikot hanggang San fernando. Ang finish line ay ginawa sa Bren Guia Complex. Ang ranking niya ay nasa number 38 out of 23o contenders. Ang running time niya ay 8 hours and 27 minutes.

May isa pa palang sinalihan si Robin sa pagsisimula ng taong 2018. Ito ang CDH 32km. Ultramaraton. Natapos niya ang takbo sa tatlong oras at 40 minutes lamang!

At nitong katatapos na buwan ng Pebrero, sumali din si Robin sa SFC Silver Run na 25km. He finished number 13 out of 27o runners and contenders. Ginanap ito sa Camp Aguinaldo, Q.C.

Ano nga ba ang sikreto ni Robin sa kanyang galing at resistensya sa pagtakbo?

"Lagi ka lang mag-training", sagot ni Robin. "Everyday training ka dapat. Ganu'n talaga ang mga athletes, eh. And I have one slow long distance run every Sunday. Ang rest day ko lang ay Saturday. Then, every Monday, may recovery run ako sa Marikina Sports Complex for 3 kilometers."

Padami din ng padami ang mga fans ni Robin, kaya heto ang mensahe niya para sa mga ito:

"Kung hilig din ng mga fans ko ang pagtakbo, I can say that they just have to keep on running", pagwawakas na wika ni Robin. "They have to keep safe always. Listen to their body carefully and never give up."

Sige lang ng sige, Robin!



(sinulat ni robert silverio)


robin's medals

robin's trophies

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...