MULI, PASENSYA NA PO IF WE ARE ALL NOT YET FULLY MOVING-ON SA DEATH NG PINAKAMAMAHAL NAMING DIREKTOR NA SI DIREK MARYO J. NU'NG APAT NA GABING LAMAY NI DIREK, ANG BATANG ITO KASI AY GABI-GABING NAROON AT NAGTATAGAL SA LAMAY- HANGGANG MAGDAMAG. AT SA HULING GABI NG LAMAY NI DIREK BAGO SIYA TULUYANG MA-CREMATE AT ILAGAK ANG ASHES NIYA SA HIMLAYANG PILIPINO, ANG NAKASAMA NG BLOGGER NA ITO BUONG MAGDAMAG HANGGANG SA UMAGA AY ANG BATANG SI YOGO SINGH. NASAKSIHAN NU'NG BLOGGER ANG SOBRANG PAGMAMAHAL NI YOGO SA "DADDY" NIYA, GRABE, HINDI NIYA ITO INIWAN HANGGANG SA MAHIMLAY ANG ASHES SA HIMLAYANG PILIPINO.
KITANG-KITA MO, AT NAPAIYAK KAMI SA MGA IPINAKITA NI YOGO SINGH. ANG NAGING TURING NIYA KAY DIREK MARYO J. AY TATAY NIYA TALAGA. AT NU'NG NASA LOOB ITO NG LOYOLA CHAPELS AT IN-ANNOUNCE NU'NG OFFICIATING PRIEST NA MAYA-MAYA LANG AY DADALHIN NA SA LOOB NG CREMATORIUM ANG MGA LABI NI DIREK MARYO J. PARA SUNUGIN, TUMAKBO NA ANG BLOGGER KASUNOD SI YOGO SA HARAP NG COFFIN NI DIREK UPANG MAKITA ITO SA HULING SANDALI. NAGSASALITA PA ANG PRIEST NU'N, KAYA PINAUPO MUNA SILA NG AKTOR NA SI REZ CORTEZ.
GRABE ANG EPEKTO NG PAGKAMATAY NI DIREK KAY YOGO. PERO ALAM NAMIN, MAKAKAYANAN ITO NI YOGO.
NASA IBABA ANG MISMONG MGA SALITA NI YOGO SA FB CHATBOX AT ANG AMING MGA NAGING KATANUNGAN SA KANYA. BASAHIN PO NInYO AT IIYAK DIN KAYO!
BABY YOGO WITH HIS 'DADDY"- DIREK MARYO J. |
YOGO WITH HIS "KUYA'S" AND THE LATE DIREK MARYO J. |
yogo: his other dad leaves.... |
yogo growing up |
yogo jumps back |
yogo will move on |
ROBERT SILVERIO (RS): ANU-ANO ANG MGA GREATEST MEMORIES MO KAY DIREK MARYO J., YOGO?
YOGO: "SI DADDY MARYO J PO SOBRANG MAPAGMAHAL NA DADDY AT SOBRANG
IBIBIGAY LAHAT NG GUSTO MO KAPAG ALAM NYANG SA TAMA MO DADALHIN
SOBRANG MAHIRAP PO SYANG KALIMUTAN PARA SAKIN PO KASE
NASANAY NAKONG PARATING NANDYAN SYA PAG KAILANGAN KO SYA PO.
SUPER SPOILED PO AKO SA KANYA AT NEVER PONG NAGALIT SYA SAKIN.
SI DADDY PO ANG NAGPAARAL SA AKIN SA LETRAN CALAMBA AT SYA DIN
PO NAGBIBIGAY NG MGA NEEDS KO AND THAT WAS WHEN I WAS 6 YEARS OLD PO AKO YATA...
AND THEN YUNG NEED NAMIN MAG-TRANSFER SA Q.C., THEN, INILIPAT NYA PO
AKO SA ANGELICUM COLLEGE NA SCHOOL.YUNG TOTOO PO AYAW AKO NI DADDY MAG ARTISTA. GUSTO NYA PO MAG ARAL LANG AKO.
TAPOS, EHH,GUSTO KO PO MAG ARTISTA. AYUN, NAPILIT KO PO SI
DADDY. WALA PO SYA NAGAWA KAYA AYUN SINUPPORT NYA PO AKO SA HILIG KO."
RS: KAILAN KAYO HULING NAGKITA'T NAGKAUSAP NI DIREK MARYO? ANO ANG HINABILIN NIYA SA IYO, YOGO?
YOGO: "LAST PONG MEET NAMIN YUNG JANUARY 23 PO SA TANGARINE RESTO NEAR
AT WEST MANSION SA OFFICE PO NI DADDY.
KINULIT KO LANG PO SYA NA MAGKITA PO KAMI THAT TIME KASE
DINALHAN KO PO SYA NG UNANG LUTO KO NG CHICKEN CURRY PO PINATIKIM KO PO KUNG
MASARAP YUNG LUTO KO. AND AFTER NUN, KWENTOHAN PO WITH KUYA ORLANDO, KUYA JEROME, AT YUNG ISA PANG KUYA PO.
YUNG UWIAN NAPO KAMI NAG-KISS AKO SA KANYA AT I LOVE YOU PO AT
NAG- 'I LOVE YOU, TOO' PO SYA.
HINDI KO PO AKALAIN LAST NA PO PALA YUN NAMING KITA DAHIL
KUNG ALAM KO PO SIGURONG HULI NA YUN HINDI PO AKO AALIS SA TABI NYA.
TAPOS PO YUNG JAN. 27 (this is the same night of direk maryo j.'s death---rs*) NIGHT 9:30 PM KAUSAP KO PO SYA SA CHAT
NAG-SEND PO SYA NG QUOTES. TAPOS NAG-RESPONSE PO AGAD AKO KAY DADDY NA: "THANK YOU, DADDY! I LOVE YOU PO AND ALWAYS. INGAT KA, HA?"
TAPOS NAG-SEND AKO PIC PO SA KANYA NA NEW HAIRCUT AKO AT
SABI KO: "DADDY, POGI KO OH."
YUNG RESPONSE SA KIN NI DADDY: "MAY BIGOTE KA NA...SAGOT KO
NAMAN PO NG PABIRO, "YAYY, BIGOTE AMMPPP"... SABAY SMILE KO.
SABI KO PA PO DADDY BIGOTE IS MY ASSET! LOL! TAPOS NA-'SEEN' NYA
LANG PO TAPOS PARANG MAY HINIHINTAY S'YANG I-SEND KO PO SA KANYA...
TININGNAN KO PO YUNG SINEND SA KIN NA QUOTES NI DADDY YUN PALA
NEED KO DIN FORWARD SA KANYA PO SO, AYUN NA-FORWARD KO NA PO AGAD DIN SA KANYA
NA-'SEEN' NYA ULIT TAPOS KINUKULIT KO PO SYA KASE ACTIVE PO SYA
SA MESSENGER.. PINADALHAN KO NG MGA JOKES PO AT NA-'SEEN' NAMAN PO NYA, PERO AFTER
A WHILE NAG- OFF NA PO SYA PAGKASABI KO ULIT NG: "I LOVE YOU, DADDY! INGAT DADDY!"
NATULOG NA PO AKO... INAAYOS KO YUNG BED NU'NG BIGLANG NAAMOY KO PAWIS
NI DADDY NA PARANG DUMIKIT SA ILONG KO PO AT YUNG FAVE NYANG PABANGO NG GABI
DING YUN PO NG ARAW NA KAUSAP KO SYA MGA 11 PM OR 12 MIDNIGHT PO NON.
TAPOS NAG-OPEN PO AKO NG FB KASE DI NA PO AKO INANTOK BIGLA
NAKITA KO SA MESSENGER KO MAY MESSAGE ISANG MASCULADOS NA SABI NYA
YOGO ALAM MO NA BA BALITA? SABI KO NAMAN, SAN KUYA? SAGOT ULIT NI KUYA SA TATAY
NATIN? SABI KO NAMAN PO ULIT HUH SI DADDY KUYA BAKIT PO KAUSAP KO LANG SYA KANINA, SABI KO SA KANYA PO. AYUN PO BIGLANG SINABI NI KUYA MASCULADOS NA INIWAN NA TAYO NG TATAY
NATIN. SOBRANG SHOCK AKO DI KO ALAM KUNG MANINIWALA PO AKO KASE KAUSAP KO PA NGA
LANG PO SYA SOBRANG GUMUHO YUNG MUNDO KO!!! UMIYAK NG GABI NA YUN AT TINANONG KO
SARILI KO: "BAKIT DADDY HA ANG DAYA MO PO HA DADDY!!!"
RS: ANO ANG MGA PINAKA-NATUTUNAN MO SA DADDY MO? ANG MGA NAGING PANGARAL NIYA SA IYO?
YOGO: "YUNG NATUTUNAN KO SAKANYA SIGURO YUNG PAGMAMAHAL NA KUNG
PAANO SYA MAG- ALAGA EVEN SA MGA TALENTS NYA PO AT FRIENDS.
'YUNG SOBRANG SWEET SYA PO AT LAGI NYA SINASABING MAG- IINGAT
LAGI AT MAG- ARAL NG MABUTI.
GUSTO KO MAGING DIREKTOR KAGAYA NYA PO."
RS: MAGPAPATULOY KA PA RIN BA SA PAG-AARTISTA MO MASKI WALA NA ANG DADDY MO?
YOGO: "YESSS PO ITUTULOY KO PO YUNG PAG ARTE KO SA TV KUNG MAY MGA
OFFER PO SA 'KING PROJECT SI DADDY PO- YUN ANG GAGAWIN KONG INSPIRATION NGAYON SA BAWAT
PAG- ARTE KO PO.
KUNG ANO PO YUNG NASIMULAN KO GAGAWIN KO PO NG MAAYOS PARA
KAY DADDY."
YOGO: "SI KUYA JASON ABALOS PO YUNG PINAKA-CLOSE KO NA ACTOR LAGI
KAMI NAGKIKITA PO."
RS: ANO BA ANG HULING TELESERYENG GINAWA MO SA CHANNEL 2?
YOGO: "HULI KO PO IS YUNG IKAW LANG ANG IIBIGIN NI KUYA GERALD
ANDERSON AS YOUNG GERALAND PO AKO."
RS: LAST QUESTION KO NA ITO, YOGO.ANO ANG MGA PAGBABAGONG GAGAWIN MO NGAYON, YOGO, PARA MAPATUNAYAN MO SA DADDY MO NA HINDI SIYA NAGKAMALING GINAWA KA NIYANG ARTISTA?
YOGO: "SIGURO PO YUNG MGA PAGBABAGO KO PONG GAGAWIN YUNG LAGI NYANG
SINASABI SAKIN NA MAKINIG SA DIREKTOR
KUNG ANO PINAPAGAWA SAYO AT GALINGAN KO PALAGI.DADDY PINAPANAKO PO SAYO
NA GAGAWIN KO PO ANG LAHAT NG BEST KO PARA SAYO AT MAGTATAPOS PO AKO NG PAG
AARAL KO.MAGIGING KAGAYA MO DIN AKO MAGALING NA DIREKTOR.SORRY KUNG MINSAN
NAGTATAMPO AKO SA IYO PO.
'YUNG PINAKA- BEST MEMORIES NA DI KO MAKAKALIMUTAN SAKANYA
LAHAT PO SIGURO MULA BATA PA KO LAGI NYA KO KASAMA AT YUNG MADALAS KAMING
MANOOD MOVIES AT PINAPASYAL NYA KO SA MALL AT PAG NAGSISIMBA PO KAMI KINI-KISS
NYA LAGI KO EVEN KAHIT MALAKI NAKO BASTA PAG PEACE BE WITH YOU NA LALAPIT SAKIN
AT MAGKI-KISS AT HUG PO NA YUN PO YUNG NAKASANAYAN NA NAMIN LAGI.YUNG MGA HUG AT
SMILE NYA YUNG ALAALA NYA PO SAKIN YUNG TATAWAG SYA SAKIN SA FONE AT TATANONGIN
ASAN AKO .YUNG MGA PICS NAMING SOBRANG SWEET NAMIN SA ISAT- ISA KAYA SOBRANG
MAHAL NA MAHAL KO PO SI DADDY WALANG KASENG KAGAYA YUNG LAB NYANG BINIGAY NYA PO
SAKIN.AT YUNG MGA TULONG NYA PO SAMIN NI MAMA NA SOBRANG DAMI PO AT HINDI NA
MABILANG.HANNGANG SA MAGKA-FAMILY PO AKO IKUKWENTO KO SYA SA MAGIGING ANAK KO AT
DADALAWIN NAMIN SYA SA CEMETERY...
DAD, ALAM KO NAHIHIRAPAN KA SA MGA NANGYAYARI
NGAYON SA MGA ALAGA MO KASE WALA NA YUNG OFFICE MO. WALA NA LAHAT.KUNG MAY
MAGAGAWA LANG AKO DADDY GAGAWIN KO KASE YUN -YUNG PANGARAP MO PO KASO WALA EH
SORRY PO.THE BEST DADDY KITA FOREVER MAGKIKITA DIN TAYO DAD MAHAL NA MAHAL PO
KITA DADDY HANGGANG NGAYON SOBRANG HIRAP PA DIN AKO."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento