jasmine (center) in a wacky shot with fellow members of singing sensations
It's such an Avant Garde feeling, watching Ms. Jasmine Fitzgerald and her co-female members at Singing Sensations perform together with the Primo male singing group. Seated at a very cozy and relaxed atmosphere at the Grand Wing, V.I.P. section of the Resorts World Casino, we felt awed, entertained and enchanted by this group of truly wonderful singers. Most especially Ms. Jasmine Fitzgerald. Her presence on stage was truly captivating and charming. Her grace and her exuberance, her style and her wonder. Plus of course, her voice quality was truly a delightful one to hear. Especially when Jasmine, together with her fellow Singing Sensations members composed of Charlotte and Chris, sang the song UNCHAINED MELODY. It was truly a lovely song and they executed in singing it with great moves and wonderful feelings. They also sang some classical songs, romantic songs, Elvis Presley songs and a couple of Tagalog songs. In the 3 sets of shows they held there on that very night, the second set and the third set were the best. Because it was igniting and their energies were truly felt. Meanwhile, the PRIMO male group, composed of Floyd Tena (a well-known theater actor, too) and a Chinese-looking guy named Richard complimented well with the three ladies on stage. There's so much exuberant feeling among all of them. JASMINE and her UNCHAINED MELODY... The lady and the song comprehends. As the music goes, the melody never stops. A woman's unchained melody goes on a lot more free, happy, carefree... Jasmine Fitzgerald, a truly wonderful singer and performer. Watch her at the V.I.P. Grand Wing of the Resorts World Casino. And enjoy an entertaining night of songs, smiles and wonder! (as written by robert manuguid silverio)
ANG LARAWANG IPININTA NI POPOY CUSI SA ITIM NA NAZARENO
Kapag papasyal ka at papapasukin ni Ginoong Rafael "Popoy" Cusi sa kanyang working studio sa may Pasay City, may isang larawan (o painting) doon ang makakakuha sa iyo ng kakaibang atensyon at damdamin. Medyo tago man ang puwestong kinalalagyan ng larawang iyon, dahil sa malalim na damdaming madarama mo kapag nakita mo na 'yung larawan, magmamarka ito ng matindi sa kaisipan at kamalayan mo. Ganyan naman palagi ang mga larawang ipinipinta ni Ginoong Popoy Cusi (na isang kaibigan ng blogger na ito), lagi kang dinadala sa mga kakaibang dimensyon at tatangayin ka sa sari-saring mga nag-aalab na pakiramdam. Iba talaga. Lalo na kapag unang pasok mo pa lamang sa working studio niya, mapapaiyak ka dahil sa dami ng mga naggagandahang larawan doon- tila bagang napakasuwerte mo na makapasok doon. Pero mabalik tayo sa larawang iyon ng Black Nazarene na nasa loob ng working studio ni Kuya Popoy. Sa unang tingin mo, aakalain mong babae ito, minsan naman, iisipin mong si Mama Mary iyon, o kaya naman, isang matandang babae. "Nagtataka nga ako, Robert, dahil ang larawang iginuhit ko na 'yan sa Itim Na Nazareno ay nagiging kamukha ng aking ina kadalasan", kuwento pa ni Kuya Popoy sa blogger na kaibigan niya. "Nag-iiba-iba siya ng hitsura, depende sa taong tumitingin. Mahiwaga ang larawang iyan "Pero si Itim na Nazareno iyan talaga", paniniguro ni Kuya Popoy. "Matagal ko nang naipinta iyan. Marami na ang may gustong bumili diyan, pero hindi ako pumapayag. Parang nagkaroon na siya ng matinding attachment sa akin. Kaya dito na lang siya sa working studio ko. For me, it's priceless and no one can buy it." It's truly a work of art. Ang larawan na iyon na ipininta ni Kuya Popoy sa Black Nazarene. Medyo hindi lang nga malinaw ang litratong nasa itaas dahil nag-reflect 'yung ilaw ng studio, pero sa personal, ang larawang iyon ay tunay na napakaganda. Pati ang mga color combinations na ginamit ni Kuya Popoy sa larawang iyon ay melancholic, austere, mysterious.... Pero hindi lang naman iyon ang larawang ipininta ni Kuya Popoy sa Black nazarene, meron pang iba at 'yung isa pa ay nasa ibaba ng artikulong ito. Sa isa pang larawang 'yun, makulay naman ang pagkaka-prisinta ni Kuya Popoy sa Itim Na Nazareno. Medyo mas masaya 'yun. Meron ding series of Marian paintings si Kuya Popoy. Mga pinta niya kay Mama Mary na nai-exhibit na rin niya minsan. Naglalakihan ang mga 'yun at tunay na nakakamangha ang pagkaka-pinta. Sa mga hindi pa nakakaalam, si Kuya Popoy ay isang world-renowned painter. He has travelled all-over the world and has won many awards and recognitions here and abroad. Tinagurian din siyang "Best Watercolor Painter". Ngayong Holy Week, parang kay sarap akapin nu'ng larawan na iyon na ipininta ni Kuya Popoy sa Itim Na Nazareno. Dahil kapag inakap mo iyon, para mo na ring inakap ang.... MAGPAKAILANMAN. (sinulat ni robert manuguid silverio)
SI KUYA POPOY AT ANG LARAWANG IPININTA NIYA KAY MAMA MARY
ISA PANG LARAWAN NG ITIM NA NAZARENO NA IPININTA NI KUYA POPOY
the late MARYO J. DELOS REYES with POPPO LONTOC: a friend knows the hidden meanings of a wakeful dream and a sudden "call"
blogger ROBERT with direk MARYO J.: a friend can never fully move-on not until he does the right thing
direk MARYO j.: may paboritong pagparamdaman...
Kadalasan, ang mga tao ay madaling makalimot. Iyon ay dahil sa udyok ng mga kaisipan nila na maka-move-on kaagad. Hindi mo rin sila masisisi. Dahil marahil, hindi nila kaya ang sakit, kapag naaalala nila, nahuhulog sila, natutumba. Nagiging negatibo para sa kanila ang mga damdaming nagpapaalala sa kalungkutan. Para sa kanila kasi, tuloy pa rin ang buhay... Nguni't ang hindi nila alam, may ilan-ilan pa ring mga tao ang NANANATILI lang sa kinalalagyan nila. Umiiyak man sila o hindi, sadyang naroon lamang sila, hindi nagmo-move-on, hindi lumilimot. Lalo pa't mahal na mahal nila ang mga taong nawala na ng tuluyan sa mundong ito at lumisan na. Dahil alam ng mga taong ito, buhay man sila, may nais pa ring ipahiwatig yaong mga taong lumisan na. Dahil alam nila, mahal na mahal sila ng mga taong iyon na wala na nga. Ito 'yung mga taong nilalapitan siguro ng mga kaluluwang nag-"cross-over" na. Sila ang gagamitin ng mga ito para ipagpattuloy pa ang mga gawain nilang hindi na naisakatuparan nuong sila'y nabubuhay pa. *********** ************** ************* Sa tuwing sasapit ang Holy Week o Semana Santa, bukod kay Panginoong Hesukristo, isang tao ang madalas naming naaalala at ninanasang makasama- siya ay walang iba kundi ang yumaong si direk Maryo J. delos Reyes. Maski hanggang ngayon, we so badly long for his company. Ito nga ang madalas naming sambitin nuon kay direk Maryo (nu'ng nabubuhay pa ito): "Direk, miss na kita". Sasagot naman si direk Maryo sa amin sa ngiti niyang machong-macho: "Lagi mo naman akong nami-miss. Hehehe." Ganu'n. Palaging ganu'n ang eksena. Kaya kapag Holy Week na, tatakbo na kami sa opisina ni direk Maryo J.- ang Prod. 56 office niya sa may West Ave., para sabihing: "Direk, sasama ako sa iyo sa Holy Week." Ilang taon na laging ganu'n. Pero in later years, nawala na kami, dahil ninasa naming magsarili na at hindi na umasa sa mga blessings na ibinibigay sa amin ni direk Maryo J. We wanted to prove something to our self. Na hindi namin alam, medyo ikinalungkot pala ni direk Maryo J. ang naging desisyon naming iyon. ************** ************ ************* Buwan ng Marso, 2019. Magmula nu'ng sumapit ang buwan ng Marso, parang nag-iba ang lahat sa takbo ng aming buhay. Nakaranas kami ng mga kakaibang hiwaga, malalalim na karanasan, at maraming enlightening moments. Sa buwan din na ito, maka-tatlong beses kaming nakarinig ng isang tinig na tinatawag ang pangalan at apelyido namin. "Robert" sa una. "Robert Manuguid Silverio!" sa pangalawa. At ang huling-huli, isang pasigaw na- "Silverio!" Sa tuwing mangyayari iyon, hindi naman kami nakadama ng takot o panic. Dahil iba ang dating nu'ng tinig. Parang nagmamalasakit. Parang nagmamahal. Pero lalaking-lalaki ang dating at timbre ng boses. Parang pamilyar din 'yung boses na iyon sa amin. Pero, parang nanggagaling din sa isang drum na walang laman. Parang ang lapit-lapit lang sa tenga namin. PERO HINDI NAMAN NAMIN MAKITA 'YUNG TAONG 'YUN NA TUMATAWAG SA PANGALAN NAMIN. Iikot ang aming paningin sa buong kapuluan. Walang ibang taong nagsasalita o bumubuka ang bibig. Nakapagtataka. ********** *********** ************** Dala ng aming pagtataka at kakaibang pakiramdam, nai-post namin sa FB ang karanasan na iyon. Na, may naririnig kaming boses, pero hindi namin makita. Tatlong beses na, ika namin. May mga nag-comment. Maraming nag-LIKE. Maraming nagsabi na multo daw iyon. May nagsabi namang anghel dela guwardiya namin iyon. Basta ang sagot lang namin: "Iba 'yung feeling". Hanggang sa nabasa ng dating alaga ni direk Maryo J. delos Reyes na si POPPO LONTOC ang nai-post namin, at nagkomento ito: "Kuya Robert, si direk Maryo J. po iyon. At ipi-PM ko sa iyo ang dahilan kung bakit ko nasabing siya iyon". ************* **************** ************** At that very moment, napaiyak kami. We were caught OFF-GUARD. Dahil korek si Poppo. Korek na korek. Para kaming natuhan, nabuhusan ng malamig na tubig. Dahil hindi sumagi sa aming kaisipan ni minsan na 'yung timbre ng boses, 'yung tining nu'ng boses, 'yung pagka-lalaking dating nu'ng boses- IISANG TAO LANG ANG NAGTATAGLAY NG KALIDAD NG BOSES NA IYON. SI DIREK MARYO J. DELOS REYES, ANG YUMAONG DIREKTOR. Opo, sa kanya nga 'yung tinig na iyon na tumatawag sa amin. ***************** ************ ***************** Over PM messages at FB chatbox, nag-usap kami ni Poppo. At nalaman namin ang dahilan. Tama si Poppo, may rason nga kung bakit kami tinatawag ni direk Maryo. Gaya din nuong mga panahon na nabubuhay pa siya, tatawagin kami ni direk sa telepono. "Robert", o di-kaya, "Robert Manuguid Silverio"... Pero kapag hindi pa rin kami tutugon sa mga tawag niya, magagalit na ito at tatawag muli, sisigaw ng: "SILVERIO!!!!" At doon pa lang kami sasagot o makikipag-usap sa kaibigan naming direktor na ito. Sasabihin ni direk Maryo: "Silverio, isulat mo nga si Poppo, may bagong project siya sa Regal Films." O, di kaya: "Silverio, may magandang role si Robert Aviles sa isang pelikula ni Jomari Yllana, isulat mo sya. Pupuntahan kita sa pad mo." O kaya naman: "Silverio, si Zoltan Amore, may piktoryal, kailangan kita sa pictorial niya!" Ganu'n. Kinailangan pang tawagin ako ni direk Maryo J. delos Reyes sa apelyido ko para matauhan ako at sumunod sa kanya. ************** ************ ********** AT SA PAGKAKATAONG ITO, MASKI WALA NA SI DIREK MARYO J., IPINADAMA NIYA, MAHAL NA MAHAL NGA NIYA ANG ORIHINAL NA MARYO J. BROTHERS NIYA. DAHIL MASKI NASA KABILANG PANIG NA SIYA NG BUHAY AT PARAISO, NAGMAMALASAKIT PA RIN SIYA SA MGA ITO. NAPAG-ALAMAN NAMIN KAY POPPO, MAY GAGAWING REUNION MOVIE ANG ORIGINAL MARYO J. BROTHERS. AT ITO NGA SIGURO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAMI MULING "TINATAWAGAN" NI DIREK MARYO J. ************ ************ ************** Pero ang hindi alam ni Poppo, may isa pang dahilan kung bakit. isang dahilan na tanging AKO at si direk Maryo J. lang ang NAKAKAALAM. ************* ********* ********** SA MULI, ISANG PAGPAPARAMDAM MULA KAY DIREK MARYO J. DELOS REYES, (R.I.P.) ANG AMING TUNAY NA KAIBIGAN. TINURING NAMING NAGING MALAKING KAPARTE NG AMING PERSONAL AT PROPESYUNAL NA BUHAY. NA HANGGANG SA KABILANG BUHAY NIYA, NAGMALASAKIT PA RIN PARA SA AKIN AT SA MARYO BROTHERS... AT IPINAPANGAKO NAMIN, DIREK, GAGAWIN PO NAMIN ANG KAGUSTUHAN MO DAHIL MAHAL NA MAHAL KA NAMING LAHAT- MAGPAKAILANMAN. (sinulat ni robert manuguid silverio)
BELOW, ARE MORE PHOTOS OF DIREK MARYO J. WITH PEOPLE HE LOVED THE MOST, PHOTOS WERE NOT CAPTIONED FOR A MORE 'DRAMATIC' EFFECT..*
Now that actor-singer Lance Raymundo is deep into the rehearsals of Tanghalang Sta. Ana's Senakulo entitled Martir Sa Golgota, many thoughts were coming upon his mind. Thoughts that somehow challenges him, provokes him, inspires him. That, of doing more and totally do the best that he can. People's expectations are so high now, Lance knows that. His family, friends, peers- all of them, are excited and so hot in watching him all-over again portray the role of Jesus- this time, at the Cultural Center of the Philippines. "I am really thankful that I'm still the one they chose to portray the role of Jesus", Lance told to his blogger-friend over a cup of coffee at Starbucks. "It's first time talaga for Tanghalang Sta. Ana theater people that they perform this Senakulo at the CCP, though they have performed there already in many occasions in the past, but to bring this Senakulo there, it means a lot to them. It's a milestone for all of us. It's now posted at the Cafeteria of Tanghalang Sta. Ana's theater house in Plaza Hugo, Sta. Ana, Manila-, that we are performing there at the CCP. "You know what, Robert, I really wanna do well, I wanna exceed all their expectations", Lance continued to say. "And I will assure everybody, it's going to be a very memorable portrayal of Jesus Christ. Because you see, Robert, even for one, I never really expected this to happen. It's as if Some One Up There made it all happen. Portraying Jesus Christ at the CCP was something I never imagined of." Lance recalled, when he first watched an indie film at Cinemalaya film fest many years ago, he somewhat thought of acting soon in a Cinemalaya film. And it happened just after one year after that. "The next year in Cinemalaya film fest, I got included in the film Nerseri which won awards there", Lance revealed. "It all happens, you see. And after that, I was able to watch a great concert at the CCP again. On that moment, I dreamed. How I wished to be able to go on stage at the CCP. After a year, it happened again. I became a co-presenter of an awarding there at the CCP, and I conquered the CCP stage. It's pretty fascinating. "Now, I am performing right there, and it's something so different because I am portraying the role of Jesus Christ", he quipped. "It's something that I can't comprehend but gladly take the challenge and the privilege." For quite a few years now, Lance has been portraying the Son of God in Tanghalang Sta. Ana's yearly devotion to the Lord every Holy Week. And now this year, will his attack on portraying JC offer something more or change in some forms, compared in the previous years? "Every year, as I change, the same way that my portrayal as Jesus Christ changes, too", Lance easily answered to his friend-blogger as he sipped another round of Starbucks coffee. "It depends on my present state of mind and emotions. Last year, when I portrayed JC, I was coping with my dad's illness. It was so painful. Soon my dad died. And after almost a year now of his passing, I am portraying JC again this coming Holy Week. I guess, I am more relaxed now and accepting. I have given thanks to the Lord. That, whatever happens in our lives, there's a reason for everything. So, my attack on portraying JC now is more content, maybe much more embracing, I may say. "We all have freedom to do what we want", Lance added up. "As an actor, direk Lou Veloso, my director in this Senakulo, gave me all the freedom on how to attack my role. But he only gave me one tip of an advice: to portray Jesus Christ as a human being. And I will do just as that." In the end, Jesus Christ's teachings will still be the one that would somehow save the world. Whether we turn the world upside down or not, HIS words would still outlast the tests of Time. And for one actor named Lance Raymundo, the power of Jesus' spirit lives within us all. "Jesus is us, he lives among us", Lance said in the end. "I'm just more than prepared now to tell the story of Jesus to everyone again. My role as an actor is to inspire people. And it's going to be a very sincere portrayal." And it's high time to give THANKS to Lance.... and to Jesus. (words by robert manuguid silverio) PHOTOS BY: MR. WILSON FERNANDEZ (of Liwayway Magazine) With additional photos by: Mr. Carlo Viajero and Ms. Theresa Mortel (the rehearsal photos)
a scene from last year's MARTIR NG GOLGOTA senakulo
Jesus and Pontius Pilate (a scene from last year's senakulo)
Judas kisses Jesus (a scene from last year's MARTIR NG GOLGOTA play by Tanghalang Sta. Ana)
LANCE RAYMUNDO AS JESUS CHRIST IN " MARTIR SA GOLGOTA"
Ang lahat ng mga nagaganap sa mundong ito ay may mga kadahilanang tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Mga bagay-bagay na mahiwaga. Mga pagsasama-sama, at pagsasanib-puwersang sadyang kahanga-hanga. Mga dedikasyon ng mga tao at ng mga espirituwal na bagay na tunay namang nakakamangha. Dahil sa mundong ito, hindi lamang ang kislap ng salapi at sarap ng tinapay ang mahalaga. Sa mundong ito, may higit pa roon. Marahil, iyon ang mga bagay na hindi mo nakikita, pero tunay na nadarama. Mga bagay na mas malalim, mas mahiwaga, mas may saysay. Isang lugar na tahanan ng mga maka-sining na tao, isang grupo ng mga artistikong nilalang sa Maynila, isang aktor na singer din na nakaranas ng kakaibang kahulugan sa buhay, at isang anak ng Diyos. Nagsama-sama para sa isang "common cause". Ang mas palaganapin pa ang pagmamahal na ibinigay ni Hesus para sa lahat, Sa isang mas artistikong presentasyon at mas lehitimong tahanan ng pagtatanghal. SI LANCE RAYMUNDO. ANG TANGHALANG STA. ANA. ANG CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES. AT, SI HESUS. ****************** *************** **************** It's like a MERGING of great souls, spirits and places. Na ang dedikasyon at sinseridad ay damang-dama mo. Ipakikita nilang lahat ang kani-kanilang tingkad, kaganapan, kagandahan, at pagmamahal. Ilalahad ang buhay ni Kristo, ang mga mensahe, ang mga leksyon at turo sa pinaka-artistikong venue at tahanan ng mga maka-sining na tao- ang CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES, sa mismong Sabado de Glorya pa magaganap iyon. Isang Senakulo na mula sa mga modernong tao ng Maynila, isang lugar na makaluma na Sta. Ana, pinaghalo man ang komersyalismo at pagiging natural ng mga taga-Maynila- ang PUSO naman ay tunay na madarama. At, ang dedikasyon sa kani-kanilang mga gawain. Mula sa TANGHALANG STA. ANA. SI LANCE RAYMUNDO. Nakaranas ng mga divine interventions and healings nu'ng siya ay magkaroon ng aksidente mga ilang taon na ang nakakaraan. Nabasag ng malaking barbell ang mukha niya. At himalang nakaligtas siya. Sa kanyang pakikipaglaban sa buhay at kamatayan, nakita niya ang tunay na kahulugan ng buhay. Nadama niya ng buong-buo si Kristo. Oo, si KRISTO. Ang buhay ni Kristo ay buhay din nating lahat. Dahil sa mundong ito, ang buhay nating lahat ay hiram lamang, Alam na nga nating mahal na mahal tayo ni Kristo, pero tayo'y nagmamalaki pa rin sa Kanya. Ang lahat ng kanyang naging mga paghihirap, muli nating damhin, masakit man, pero kayanin natin. Sa darating na Holy Week. ************ ***************** **************** "Ginagawa ko ito hindi dahil sa karera ko, kundi dahil sa mga personal at espirituwal na kadahilanan", nawika ni Lance. "Ang pagganap na Kristo ay inilalaan ko sa mas malalim na mga kahulugan ng aking buhay. Ito'y isang sinserong dedikasyon. Tumatagos mula sa puso ko." Sa pagwawakas, tila may sinasabi nga ang kalangitan. Tila iginuguhit ng Diyos ang lahat ng mga kaganapan. Parang may Direktor, manunulat at prodyuser na bumuo sa isang natatanging presentasyon. Ang MARTIR SA GOLGOTA, mapapanood sa Cultural Center of the Philippines, mula sa Tanghalang Sta. Ana, pagbibidahan ni Lance Raymundo bilang Kristo. Tara na. Manood tayo. Damhin nating lahat ang pagmamahal na ibinigay Niya- sa kaibuturan ng ating mga puso at, HABAMBUHAY. (sinulat ni robert manuguid silverio) PHOTOS, COURTESY OF MR. WILSON FERNANDEZ, LANCE RAYMUNDO AT TANGHALANG STA. ANA FB PAGE.**
"ANG MARTIR SA GOLGOTA"
• Tanghalang Sta. Ana’s Pearl Anniversary Presentation •
Directed by Lou Veloso
April 2019 :
• April 13 - Cultural Center of the Philippines (Matinee & Gala 12 noon and 7 p.m. : Tickets Available beginning this date - P800.00 @ - Visit Tanghalang Sta Ana FB Page for more information)
• April 15 - Tarlac : 7pm Free Admission
• April 17 - Plaza Hugo Sta. Ana : 7pm Free Admission
• April 19 - Concert at the Park, Luneta : Free Admission
• April 20 - Greenfield District : 7pm Free Admission