CARLO MENDOZA, MAGMULA NG LUMABAS SA DULANG "KANSER", MAS LALONG GUMALING BILANG ISANG SINGER-PERFORMER!


carlo mendoza: pinahanga ang lahat sa nagdaan niyang concert

carlo mendoza: magaling na singer

carlo mendoza: malaki ang in-improve

carlo (far right) with kiel alo (left) and macoy mendoza



Sobrang laki ng in-improve ni Carlo Mendoza bilang isang singer-performer nang mapanood namin siya kagabi sa concert niyang "Young Divas & I". Ibinulong namin ito mismo sa manager niyang si JOBERT SUCALDITO at sa mommy niyang si Mrs. ROSALYN MENDOZA habang katabi namin sa loob ng Music Box concert bar, kung saan ay nag-treat si mommy Mendoza at ang grand dad ni Carlo na si JUN MENDOZA sa aming lahat, kasama pa ang isang veteran movie scribe na si PILAR MATEO.

"Masyadong na-enhance ang performing talents ng apo ko magmula nu'ng lumabas siya sa play na Kanser", bulong pa sa amin ng lolo ni Carlo Mendoza na si Mr. Jun Mendoza. "Kitang-kita naman ang magandang pagbabago sa pagkanta at presence niya sa stage."

Dapat sigurong i-credit ng husto ang mga itinuro ni direk Ariel Francisco (a.k.a. FRANNIE ZAMORA) kay Carlo. Si direk Frannie kasi ang direktor ni Carlo sa KANSER 2019 play niya na magkakaroon muli ng pagtatanghal soon sa GSIS Theater on Novemeber 21 and 22 (a month from now).

Napansin kasi namin ni Pilar Mateo, lahat ng mga singer at aktor na dumadaan sa mga palad ni direk Frannie (we mean, dumadaan sa paghinang niya sa mga ito), ay talagang gumagaling. Nariyan na sina Michael Pangilinan at Joel Molina na naidirek din nito sa dulang KANSER.
Yung tayo ni Carlo onstage habang kumakanta, 'yung strong presence niya and powerful singing voice, kakaiba na talaga ang dating ngayon. Nag-standing ovation nga ang writer na ito habang kumakanta si Carlo, eh.

"Nagpapasalamat din po ako sa direktor nitong concert ko na si Throy J. Catan dahil binigyan nila kaming lahat ng freedom to do what we want and sing what we want in this concert", sey naman ni Carlo sa isang blogger. "Kaya ang ginawa ko, I explored further. At pinili ko ang mga kantang gusto ko talagang kantahin."

Paborito namin 'yung inawit ni Carlo na "You Are The Reason" by Callum Scott, kasi feel na feel ni Carlo 'yung lyrics. Sobrang nakaka-touch ang rendition niya.

Napuno rin ni Carlo ang Music Box. Dumating din ang bro niya under Jobert Sucaldito's wings and management na si Marc Kiel Alo, ang movie writer na si Benny Padongao Andaya , ang mga nakasama ni Carlo sa KANSER 2019 na sina Beaulah Mae Saycon, Joseph Gonzales Navarro, Jayson Batoto at Lorenz. Siyempre, naroon din si Maine Musni Nieto, na tipong malungkot pero lumalaban pa rin sa buhay (Kaya mo yan, Maine!) at ang actor na si Mike Lloren.


CONGRATS, CARLO, FOR A VERY SUCCESFUL CONCERT! SEE U AGAIN SA NEXT PERFORMANCE MO SA "KANSER 2019"!!!


1 komento:

  1. CONGRATULATIONS Carlo Mendoza, narinig naman sa performance mo sa Kanser ang magandang timbre ng boses mo
    .

    TumugonBurahin

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...