MGA ALA-ALA SA ISANG SINGER, ACTOR AT PRODUCER NA NAGNGANGALANG ROMMEL LUNA....
https://www.facebook.com/itsShowtimena/videos/879024845826503/ (LINK ng video drama ni rommel sa It's Showtime).*
Silent achiever itong si Rommel Luna, na nagsimula sa mundo ng showbiz bilang isang singer, at nu'ng lumaon, naging aktor din magmula nu'ng lumabas siya sa ilang mga pelikula ng yumaong direktor na si Celso Ad Castillo.
Kalaunan, nag-prodyus din siya ng ilang indie films, at ang pinaka-memorable sa amin ay iyong isang indie film na isinali niya sa Cinema One Originals na kung saan ang bida ay si Lauren Young (pasensya na po at nakalimutan namin ang pamagat), at doon, gumanap si Rommel bilang isang salbaheng ama.
Napakaganda nu'ng indie film na iyon dahil binigyan ni Rommel ng break doon ang mga batang film artists na kay gagaling sa Cinematography and other technical aspects. Ang dating sa amin ng film na iyon ay parang isang French film. Napakaganda talaga.
Pero nu'ng pumasok na sa showbiz ang magandang anak ni Rommel na si Ana Luna, saglit siyang nag-lie-low para hindi niya matabunan ang kanyang anak. At in fairness, ang kanyang anak na si Ana Luna, napakaganda rin ng naging mga kontribusyon kaagad sa mundo ng showbiz. Nanalo ito ng ilang Best Actress awards na at laging na-nominate sa award-giving bodies. Nasa mainstream showbiz din si Ana, as one of the artists of Star Magic.
May mga pumapasok sa showbiz na nanggugulo lang, mayroon namang basta andu'n lang at wala namang naiko-contribute na maganda. Pero si Rommel Luna, kay dami nang nagawa para sa mundo ng pelikula. Ngayon, isa na ring Life Coach si Rommel.
Napaka-sincere din ni Rommel na aminin na galing siya sa mahirap na pamilya at talagang self-made person siya. Nagsikap siya talaga para marating ang mga pangarap niya.
Ngayon, pinaiyak kami ni Rommel. Sa isang segment sa It's Showtime at sa drama-video na parang short film na ipinalabas doon, tunay na nagpamalas ng kakaibang galing sa pagganap ni Rommel bilang isang OFW na tatay na matagal na nawalay sa kanyang nag-iisang anak na babae.
Nakaka-touch ang ending ng video, kung saan biglang lumitaw si Rommel na matanda na, pero hayun at nakadalo na siya finally sa kasal ng kanyang anak.
Mga istoryang Pilipino talaga, at nagampanan ni Rommel ng buong husay ang karakter niya.
Mga ala-ala sa isang actor, singer at producer. Mga ala-ala sa isang Rommel Luna...
Habambuhay.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Mga etiketa:
rommel luna

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!
SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...

-
(BLOGGER's NOTE: Heto pa ang dalawang lovely female candidates ng FACE OF THE YEAR 2018. And their names are LIZA CARILLO and MARRIE G...
-
ACTOR ROEDER CAMANAG AS SIMOUN IN "EL FILIBUSTERISMO" AN ARTISTIC SCENE IN "EL FILIBUSTERISMO" ROEDER...
-
PHOTO ABOVE, BY: VLADIMEIR B. GONZALES (PHOTO ONCE POSTED BY MS. CAMILLE HIZON GUEVARRA AT "ALL ABOUT THEATER" FB GROUP) F...
-
leonor rivera: the real-life maria clara "PATAY NA SI MARIA CLARA!", sigaw ni Morris Sevilla (na gumaganap sa karakter...
-
avid razul with his FATHER in showbiz- direk maryo j. delos reyes avid reaches his dreams as he goes solo avid in a ...
-
Zernan and the Mount Mayon a living seer of things and unseen friends and events... a living volcano whose anger can always b...
-
nora aunor and delia landagan: friends forever! nora: finally finds her true friend delia: always excited to receive calls from the Supersta...
-
SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...
-
rein in a "MAJA SALVADOR" peg/pose rein: natural beauty rein on the ramp Isa siya sa pinakabatang mga babae...
-
lance: super sexy lance thinks of his fans always lance with his fitness trainer culver padilla lance with his fans ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento