Atty Ferdie Topacio's honest advocacy to produce a film on the Mamasapano Massacre |
Napakaganda ng impresyon ng karamihan sa mga movie press people kay Atty. Ferdie Topacio, ang producer ng bagong tatag na Borracho Film Productions. Hindi kasi siya 'yung Lawyer na suplado, mailap o mahiyain. Si Atty. Topacio kasi, napakadali daw kausapin at maka-bonding. Isa siya sa mga tinuturing ngayong "Darling of the Press".
Kaya naman marami sa mga media people ang nangakong susuportahan ang pelikulang "26 Hours: Escape from Mamasapano", na ukol sa massacre na naganap sa mga pulis at sundalo sa Mamasapano nuong panahon na hindi pa si Pangulong Digong ang Presidente (sa opinyon namin, kung si Digong na ang Presidente nu'ng mga panahon na iyon ay hindi sana magaganap ang napaka-bayolenteng pangyayari na iyon sa mga sundalo at pulis).
Anyway, planong ilaban ang nasabing pelikula sa Metro Manila Film Festival sa darating na buwan ng Disyembre sa taong ito. Iyan, ay kung papalarin tayo na wala nang Second Wave na magaganap sa ating bansa para sa Covid-19. We all hope and pray.
Ilan sa mga artistang kasama sa pelikulang ito ay sina Edu Manzano at ang magandang si Myrtle Sarrosa. Nasa itaas ang video ng isang press conference na naganap sa nasabing pelikula, bago pa man magka-Covid-19. Makikita roon si Myrtle at si Atty. Topacio na sumasagot sa mga nakakaaliw na tanong ng isang movie writer. Kuha ni Mr. Roldan Castro ng Abante Tonite ang video na iyon.
Sa magaling na koordinasyon at P.R. ng lady Editor turned Publicist na si Ms. Anne Venancio, talagang mas pag-iibayuhin pa ng mga media people ang pagsuporta sa pelikula. Lalo na si Ms. Mercy Lejarde na gustong-gusto ang magandang pakikisama ni Atty. Topacio sa mga press people.
Isang makabuluhang pelikula ang "26 Hours: Escape From Mamasapano". Dahil dapat malaman ng publiko ang katotohanan sa likod ng pangyayaring iyon. Dapat mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima rin. Via the film, may liwanag na sisikat muli para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng maraming Pulis at mga sundalo sa pangyayaring iyon.
Mabuhay ka, Atty. Topacio.
(sinulat ni robert manuguid silverio)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento