MGA FANS NI NORA AUNOR, MAY INIHANDANG MALAKING SORPRESA PARA SA KAARAWAN NGAYONG ARAW NA ITO NG KANILANG NAG-IISANG IDOLO!


Hindi muna namin sasabihin kung ano ang sorpresang iyon. Ayaw kasi naming ma-pre-empt ang mga fans ni Nora Aunor. Basta ang alam lang namin, may inihandang malaking sorpresa ang mga fans ni Nora Aunor para sa kaarawan ng nag-iisang Superstar.

Ang natitiyak lang namin, maaantig ng husto ang damdamin at mga emosyon ng Superstar sa sorpresang iyon. To think, wala pa yatang isang linggo ang naging preparasyon ng mga Noranians sa sorpresang iyon, pero hayun dumagsa ng napakaraming participants sa "surprise birthday gift" na iyon.

Kung hindi pa nag-set ng deadline ang mga taong nag-organize sa surprise na iyon, hindi titigil sa pagdagsa ng mga gustong mag-participate. Kasi hanggang sa last minute, may mga humahabol pa, eh.

Mga Noranians, longtime friends, colleagues in the entertainment industry, media people at lahat ng mga taong nagmamahal kay Nora- yes, silang lahat po ay makikita sa sorpresang iyon para kay Ate Guy,

Sayang lang nga, hindi nakasama ang blogger na ito sa sorpresang iyon, maski ba inimbitahan siya ni Ms. Marie Cusi na sumali. Pero dahil sa isang facial defect sa hitsura namin (YES PO, VAIN TALAGA KAMI.***) , ay ayaw naman naming makita kami ng mga Noranians na hindi maganda ang hitsura. Hehehe...

Anyway, bukod sa sorpresang inihanda ng mga fans ni Ate Guy, mamayang gabi naman, sa ganap na 6 P.M. ay masasaksihan na ng lahat ang online acting piece ni Ate Guy, at itong ang "LOLA DOC", isang monovlog na paghahandog ng Tanghalang Pilipino. Sa monovlog na iyon ay ide-deliver ni Ate Guy ang isang napakahabang MONOLOGUE, at, para sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang Monologue, ito ay isang napakahabang acting piece na mag-isa lang umaarte ang bida. Bongga, di ba?

It's such a rare treat for everyone. Biruin mo, bihirang-bihirang sumabak sa Teatro si Ate Guy, at hayan, sa viral pa ngayon mapapanood. Kakaiba talaga, Salamat talaga sa Tanghalang Pilipino for giving this privilege, at siyempre, mas marami ring salamat kay Ate Guy for accepting the viral project.

Mabuhay ang SINING! At maligayang kaarawan sa iyo, Ms. Nora Aunor!!!!


(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO) 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

RUDY JACKSON, MASKI NASA AMERIKA AY NAKAKATANGGAP PA RIN NG MGA BIYAYA NA IBINIBIGAY DIN NAMAN NIYA SA MGA KAIBIGAN NIYA SA PILIPINAS!

SIR RUDY (IN DRAG) WITH A FRIEND NAMED MANNY SIR RUDY WITH HIS MOST INTIMATE FRIENDS SIR RUDY IN HIS NEPHEW'S HOUSE IN THE U.S. EARLY CH...